Chapter 5

42 3 0
                                    

Nagising ako nang yugyugin ako ni Kirk para gisingin ako dahil mag-uumagahan na daw.

"Boi gising na boi almusal na daw." Yugyog sakin ni Kirk.

"Ungh....sige sige susunod ako." Inaantok kong sagot kay Kirk.

I yawned loudly as I stretched my body. Umupo ako sa hinihigaan ko at pinunasan ang laway na tumulo sa bibig ko habang tulog ako. Tumulala muna ako ng 2 minuto at binulsa phone ko bago tumayo at naglakad papalabas ng room.

Sinuot ko ang rubber shoes ko at dumungaw sa railing ng corridor namin. Napatingin ako sa baba nang tinawag ako ni Kirk.

"Boi bumaba kana dyan tara na dun sa canteen!" Sigaw ni Kirk sakin.

"Wait lang antayin moko diyan. Sabay na tayo pumunta dun." Sigaw ko pabalik.

Dali-dali akong bumaba ng building namin para sumabay kay Kirk pumunta ng canteen. Pagkababa ko ng second floor, napalingon ako nang tawagin ako ng dalawang babaeng Grade 9.

"Kuya! Crush ka daw po ni Angela!" Tawag sakin ng Grade 9 na babae habang tinuturo ang kaibigan nyang babae din.

"Hoy hinde ah para namang tanga to si Denise." Pang-dedeny ni Angela.

Kinawayan at nginitian ko nalang yung dalawa at nagpatuloy bumaba. Habang pababa ako, nakarinig ako ng 'yieeeee' sa taas.

Nakalabas nako ng building at pinuntahan si Kirk sa may tabi ng rebultong ulo ni Emilio Aguinaldo. Napalingon uli ako sa likod nang may tumawag uli sakin.

"Kuyang matangkad! Ingat ka daw po sabi ni Angela." Sigaw ni Denise.

Hinampas ni Angela si Denise sa asar. Nginitian ko nalang sila at nagpatuloy maglakad pa-canteen.

"Grabe ka ha. Chickboy ka na pala ha." Pang-aasar sakin ni Kirk.

"Hoy grabe ka di ako ganun. Di ko nga alam kung bat may babae sa building natin eh." Sagot ko kay Kirk.

"Baka binisita yung kaibigan nila dun. Anyways, Iba talaga charisma mo pre." Tumatawang sabi niya.

Tinawanan ko nalang si Kirk sa pang-aasar niya sakin.

Nakarating na kami sa canteen. Binati namin si Ma'am Castro na nagluluto ng corned beef sa kusina. Kumuha na kami ng plato at kubyertos at pumila na para kumuha ng pagkain.

Nang nabigyan na kami ng umagahan namin, umupo kami sa may upuan malapit sa puno tabi ng room ni Ate Trinidad para kumain.

"Musta kaya sila yung mga taga-church?" Sambit ni Kirk bago isubo ang kutsara.

"Ay oo nga noh. Tignan natin kung sino mag-rerespond sa GC natin." Sagot ko.

Nilapag ko plato ko sa tabi ko at kinuha sa bulsa ang phone ko. Binuksan ko ang data at dumeretso sa Messenger. As usual tahimik ng messenger ko bukod sa iilan ilang GCs.

Pinindot ko ang GC namin sa youth ng church namin at nagsend ng message.

Leon: "Yo guys ligtas ba kayo diyan sainyo?"

Lumapit samin si Edward at umupo sa tabi ni Kirk.

"Ginagawa nyo mga bro?" Tanong ni Edward.

"Tinitignan ko kung may ayos pa sa youth natin sa church." Sagot ko kay Edward habang nakatingin sa phone.

May nag-seen na anim. Sila Rich, Diane, Joy, Christopher, Kathryn, at si Kuya Junnie ang youth leader namin.

Christopher: oo men ayos kami nila Diane at Andrea dito. Buti nalang naka-lock gate ng school namin.

Through the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon