"Aahhh!"
"Ahahahaha"
"Daddy! Si Keli tinapunan ako ng linta!"
I laugh hard habang habol-habol ko si ate Lita. May dala akong stick kung saan nakalagay ang linta na pinaglalaruan ko. Takot siya nito kaya mas gusto ko siyang takutin. Ops! Muntikan na akong matumba sa pagtakbo sa palayan. Ang dumi-dumi na rin ng damit ko pati mukha.
"Keli! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bawal ka sa palayan? Ginugulo mo lang ang mga trabahador!" Sigaw ni daddy habang papunta sa kinaroroonan ko. Tinapon ko na rin ang stick kung nasaan ang linta. Yung mga kamay ko ay nasa likod ko at pinaglalaruan.
"Dad! I swear, wala akong ginawa. If ate Lita is afraid of leech she should not be here, right? Kita mo? Nagtatanim ng palay na pumapatong sa upuan?" I reasoned out kahit wala pang nasasabi si daddy. Iminuwestra ko pa ang inuupuan ni ate kanina. Yung mga trabahador namin ay tumatawa. I grinned and wink at daddy habang tumatakbo papasok sa mansion.
Ilang sandali lang akong naligo bago nagbihis. I wear my short shorts and knee-boots with checkered on top. Kinuha ko ang cowgirl hat ko at isinuot. Way to go somewhere. Ilang taon akong nawala sa Montana and I wouldn't let daddy locked me inside the mansion. Maingat ang lakad na lumabas ako ng mansion. Nasa gate na ako ng makita ko si kuya Vito. Nanlaki ang mga matang nakatingin ako sa kanya. Habang siya sinusuri ang suot ko. Bago pa man siya maka react ay mabilis na akong tumakbo palayo. Napunta ako sa taniman ng tubo at mais kaya mahihirapan si kuya na hanapin ako. When I heard the foot step of the horse mabilis akong pumasok sa unang bahay na nakita ko.
"Señorita Keli."
"Shh, manang Reme. Magagalit si daddy." I hushed while looking at kuya Vito secretly. Nagpalinga-linga pa siya bago umalis. I sighed and smile triumphantly.
"Manang, pahiram ng kabayo please? Gagala ako sa sentro. Christmas season na naman eh. Manonood lang po ako ng banda tapos babalik rin naman kaagad."
Pinagsiklop ko pa ang dalawang kamay ko para pumayag. She sighed bago sumuko. "O siya! Basta ha, babalik ka. Mapapagalitan ka ni Don Rodolfo." I nodded and run towards the horse. Mabilis ko itong sinakyan papunta sa sentro ng Montana. Malapit ng mag alas kuwatro kaya papalubog na ang araw. This is what I love when coming back to Montana. So peaceful and fresh. Ang ganda pa ng mga tanawin. Malapit na ako sa sentro kaya rinig ko na ang ingay ng mga tao. Ilang minuto rin ang inilaan ko papunta rito. May mga nakikita akong kumpulan ng kababaihan. Basketball siguro yun, malapit sa ring eh. May circus din at boxing. Wow! I never thought na ganito na kalaki ang pinagbago ng Montana. Mas lumaki rin ang sentro.
"Señorita Keli! Kumusta? Ilang taon ka ring nawala? Kailan ka pa nakauwi?" I didn't know who's talking but since our family is known as one of the richest people in Montana second to the royalties, marami talaga ang nakakakilala sa amin, sa akin. I smiled, "Okay lang naman po. Apat na taon po akong nawala at noong isang araw lang ang uwi ko."
"Ganun ba? Ang gandang bata mo na ah. Ikaw nalang pala ang natitirang tagapagmana ni Don Rodolfo at Donya Felicita."
I awkwardly smile. Yan palagi ang tingin ng lahat. Na ako ang tagapagmana samantalang tatlo naman kaming magkakapatid. Ako nga lang yung bunso. Si ate at kuya ay maagang nagsipag-asawa.
"Ah sige po. Mamamasyal muna ako."
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa mapunta ako sa playground. Naalala ko nung bata pa ako, I used to play here with some random kids. Kung sino-sino lang ang kinakaibigan ko. Napangiti ako ng maalala ko ang isang bata na tinatawag ako palagi ng mi princesa. That was so cute of him. Tinuturing niya ako palagi na prinsesa kahit hindi naman. Hindi ko rin siya kilala kaya tinatawag ko siyang su alteza, a spanish words meaning 'your highness'.
BINABASA MO ANG
Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)
General FictionMontana Trilogy 1: Keli Elazfer Belmont Montana is a peaceful city. Rules and regulations were followed. Too peaceful to believe. But what if, behind the peacefulness of the place lies the darkest secret? Does one person enough to reveal the true ag...