ANYIM Sports Competition
Simula ng pag-uusap ng magkakaibigan noon sa rooftop ay napagpasyahan nilang ayusin ang buhay nila. Hindi na sila nasasali sa gulo at ginagampanan ng maayos ng royalties ang mga tungkulin nila. Prince Primo is still cold pero hindi na ito pumapatol sa mga pangagago ni Vanlex at hindi na nakikipag-away.
"Next week na ang ANYIM Sports Competition ah, sasama parin ba kayo?" Tanong ni Niko sa mga royalties. Noon kasi palagi naman silang sumasama kahit walang sports na sasalihan.
"Yes. Ivan is in a basketball team. Harris is in soccer." Sagot ni Princess Saori. "Kayo ba? Sino-sino ang makakasama?"
"Niko and FK. Soccer team also. Angel and me on swimming." Sagot ni Novice sa kanila.
"So? Xander and Red? Sama kayo?"
"Pwede ba water boy nalang para makasama?" Red asked playfully. Binatukan naman ito ni Xander at natawa nalang sila.
"Joke lang. Sama kami ni Xander. SSC." Simplemg sagot nito. Si Xander na nga pala ang bagong SSC president habang secretary nito si Red. They are all an achiever now. Graduating na si Red, Prince Ivan at Prince Harris. Primo is on his fifth year in Medicine. Kasama sana si Keli ga-graduate kung nandito pa siya sa Montana. Prince Primo smile sadly on that thought.
"Class hours na. Tara!" Pagyaya sa kanila ni Princess Eliza. They all stand and get ready to leave when they heard Vanlex again talking to someone frustratedly.
"Damn woman. Wala nga akong ginawa... Fuck you ka rin... I'm sorry mia regina... Oo na, hindi na mauulit... Ano?! Fuck!" At binabaan na ito ng kausap. "Damn Elazfer." Dagdag bulong nito at naiinis na nagpatuloy sa paglalakad. Nakasalubong pa nito sila Prince Primo pero hindi niya na pinansin dahil talagang bad trip si Vanlex.
"Did he really talk to Keli?" Naguguluhang tanong ni Angel sa kanila habang papunta na sa kanya-kanya nilang klase. Walang makasagot sa magkakaibigan dahil wala naman silang alam. Maliban nalang kung tatanungin nila si Vanlex. Pero asa namang sasagot ito ng matino. Masyado itong mayabang at mapang-asar.
Nag-aayos ng papeles si Xander sa SSC office ng biglang pumasok si Vanlex dito na nakasimangot. Nagtaka naman si Xander at Red na nandoon kaaama ang ibang SSC member.
"Keli." Pagsabi palang nito ng pangalan ay kinabahan bigla si Xander and Red. May nangyari ba? Totoong siya ang nakakausap ni Keli?
Hindi mapakali si Xander at Red sa kakaisip at atat na malaman ang gustong sabihin ni Vanlex."May utang ba yun dito?" Parang tangang tanong ni Vanlex.
"Ha?"
"Ano?"
"Sabi ko kung may utang ba si Elazfer. Rules na nilabag? Fines? Kailangan ko ng clearance niya sa SSC." Mahaba pero bagot na paliwanag nito. "Kung magtatanong kayo ng tungkol sa kanya, wag na. Ayaw na nga magpahanap nung tao. Wag niyo na hanapin." Dagdag pa nito. Natauhan naman si Xander at binigay ang clearance ng SSC for transfer. Yun lang ang naisip niya. Lilipat na ng school si Keli at ni hindi man lang siya mismo ang kumuha nun dito. Ayaw na ba talaga niyang makita sila? Ang daming tanong sa isipan nila. Kinabukasan ay kinwento ni Xander at Red at nangyari sa mga kaibigan niya.
"Nakakausap nga niya?" Si Angel naman ang nagtanong.
"Oo daw. At siya nga kasi ang nagprocess ng papel ni Keli for transfer. Ewan ko, pero mukha silang close."
Binalot naman ng selos si Prince Primo. Kahit si Xander, Red, at Prince Ivan. May gusto parin talaga sila kay Keli.
"Baka pwedeng subukan nating kausapin si Keli?" Suhestiyon ni Niko.
"Ayaw na nga magpahanap eh. Hayaan niyo nalang." Malamig na sabi ni Prince Primo at umalis. He's mad. Hindi akay Keli, kundi sa sarili niya. Madami na namang 'sana' ang pumapasok sa utak niya. Sana, nakinig siya noon. Sana, hindi siya pinangunahan ng galit at selos. Sana, kasama niya pa ito ngayon. Sana, masaya sila. Sana... lahat nalang ay 'sana' para sa kanya. Malungkot siyang pumunta sa rooftop at nagpahangin.
"I love you... please?... just please come back."
"Get up! The bus are coming. Kompleto na ba?" Sigaw ng professor in charge. Ngayon na ang alis nila papuntang Italy para sa ANYIM Sports competition. Marami ang excited at marami rin ang kinakabahan.
"Prof, wala pa si Cirxin." Sagot ng isa. Humahangos naman na dumating si Vanlex na bitbit ang ang gulo-gulo na mga papel. Inayos niya yun at nilagay sa bag niya. Ng dumating ang bus ay nagsisakayan na sila at nakapwesto na sa likod ng isang bus ang royalties and elite. Una ay tahimik lamang sila ngunit kalaunan ay nag-iingay na. Naglalaro at nagsisigawan.
"Dare ako!" Sabi ni Red na natalo sa bato-bato pick. Pinasyaw siya nila Angel ng twerka sa bakal na hawakan sa loob ng bus. Nagtawanan naman ang mga nakasama nila sa bus. Kanya-kanyang trip. Kumapit pa ng mabuti si Red at nag bend pababa para mas makurba ang pwet niya at pakanta-kanta ng twerk na wala sa tuno.
"Twerk it like moneeey! Twerk twerk it! Money money!" Parang tanga nitong kanta kahit mali-mali ang tono.
"Huy! Tumigil ka na! Ang lantod mo!" Sigaw ni Novice at ibinato dito ang sling bag niya na agad nasalo ni Red at tatawa-tawang naglakad pabalik. Pagkarating sa Montana airport ay nagsiingayan na naman sila. Pinagtitinginan ng mga tao pero walang paki sa kanila. Labindalawang oras ang byahe kaya ng makarating sa Italy ay pagod na sila. Agad naman silang dinala sa hotel na pags-stay-han nila kasama ang taga ibang bansa na estudyante. Ang sa America, New York, Italy at Montana. Apat na bansa na maglalaban-laban.
"Girls and boys! Nahati kayo in four groups. Fifteen rooms lahat ng i-ookupa niyong room. Sa secod floor ay ang America, third floor ay ang New York, fourth floor ang Italy at fifth floor ang Montana. Be good everyone and enjoy." Sabi ng prof sa kanila. May binigay itong papel at hinanap na nila ang room number nila at kung sino-sino ang magkakasama. Sa lagpas limampung studyante ng Montana ay nagkasaya parin sila sa fifth floor. Masyado kasing malaki at maganda ang hotel na ito.
Si Prince Primo, Vanlex, at Xander ang magkakasama sa iisang kwarto. Napanguso si Vanlex at nauna ng umalis at pumasok sa kwarto nila. Sobrang laki ng loob nito pagkapasok palang niya at bigla na namang may tumawag sa kanya.
"What! I am on our room at bakit wala akong sariling kwarto?... Nasa akin na. Mamaya ko na ibibigay. Tsk!... Sige kunin mo dito. Dalawang lalaki kasama ko. Xander at Primo... Fuck talaga. Bye!"
Binabaan niya ito ng tawag at napaupo sa pinakaunang kama. May tatlong kama ang kwarto nila at ng maalala kung sino ang makakasama niya matulog mamaya ay malakas siyang napamura. Bigla namang pumasok sila Prince Primo at masang nakatingin sa kanya.
"What? Pagtutulungan niyo ako dito." Irita nitong tanong ng mapansing nagtagal ang masamang tingin nila sa kanya.
"Tsk! Ayusin ko nalang gamit ko." Inis na sabi moy Xander at inayos ang mga gamit niya sa walk in closet ng hotel. Ganoon rin si Prince Primo at Vanlex. Napaisip sila gaano ka mahal ang ibinayad sa hotel dahil sa galante nito.
"Alis muna 'ko." Maangas na paalam ni Vanlex pagkatapos mag-ayos at hinanap ang mga papeles na itinago niya sa bag niya kanina. Nang makuha ang lahat ay naglakad na siya palabas para puntahan ang pakay niya. Pagkarating sa harapam ng pinto ng pakay niya at ini-slide niya lang ang envelope na pinaglagyan niya ng kailangan nito at umalis na rin para matulog at makapagpahinga.
Bukas na sisimulan ang ANYIM at magiging masaya ang mangyayari bukas. At sigurado siyang magiging masaya ang nga mangyayari sa buong linggo.
Say Hi! na tayo kay Keli! Makikita niyo na siya sa next chapter though, wala pa siyang POV😂😂mwahahah😈
//Tami❤
BINABASA MO ANG
Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)
General FictionMontana Trilogy 1: Keli Elazfer Belmont Montana is a peaceful city. Rules and regulations were followed. Too peaceful to believe. But what if, behind the peacefulness of the place lies the darkest secret? Does one person enough to reveal the true ag...