14

27 12 3
                                    

Freedom

Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ko sa ginagawa nila dito sa New York, lalo na si Saori na enjoy na enjoy at ginawa pa nilang dating place ni Harris. Nakaupo lang ako sa bench kasama si Eliza, Angel, at Novice habang pinapanood namin sila FK, Niko, Red, Ivan, Primo, at Xander na naglalaro sa skateboard. Si Harris at Saori nasa malayong bench at naghaharutan.

"Look at them, ganyan na sila pagkabata palang. Solid na magkakaibigan." Eliza said while looking at them happily.

Nagtatawanan si Primo, Ivan at Xander habang pinagkakaisahan nila ang iba. Natutumba si FK habang nakapatong sa skateboard tapos dinaganan ni Red at nakisali si Primo at ang iba pa. Ang saya nila tignan.

"Mga mukhang timang ang mga 'yan." Novice laugh.

"Freedom." I whispered, kahit hindi pa kami magkaayos ni Xander ay malaya parin siyang tumatawa at nakikipagkulitan. Tinignan naman ako ni Eliza kaya ngumiti ako sa kanya.

"Look at Xander, Angel. He looks genuinely happy. Bakit nga ba kayo naghiwalay?" Novice asked her. Sa kanya na kami nakatingin ngayon habang sila naghihintay ng sagot, ako naman nagi-guilty.

"It's not my story to tell but to give you all a peace of mind, he is engage into someone I don't know. At mukhang malapit na siyang ikasal."

Umiwas ako ng tingin sa sinagot niya. He still love Xander. Nakikita ko yun habang tumitingin siya sa kanya. And I am at fault for some reason. Sana lang kapag nalaman nila, mapatawad pa nila ako.

"What?"

"Why didn't we know that?"

"'Wag niyo nalang sanang sabihin sa kanya. If he wants us to know, siya mismo ang magsasabi sa atin. It's his decision kaya hintayin nalang natin kung kailang siya handang magsabi."

I felt sorry for her. But I won't let the situation overpowered my decision. Selfish na kung selfish pero ayokong mawalan ng kasiyahan. Primo is my only happiness and I am not planning to let him go. Kahit maging sagabal pa ang arrange marriage na 'yan. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa matapos maglaro ang boys. Hindi na kami nakisali dahil hindi naman kami marunong. The whole day we spent it playing and having fun. The next day ibang bagay na naman ang ginawa namin. Nag rent kami ng bangka at nag scuba diving. All sea water adventure. Kinagabihan maaga kaming nagpahinga dahil sa sobrang pagod. Sinulit talaga ang pagbabakasyon. It's all Saori's idea. I did enjoy also. Kahit si Primo ay ganun rin. Hindi namin masyadong pinagtutuunan ng pansin ang isa't-isa sa halip we really did enjoy our time.

"Hindi ka makatulog?" Eliza asked ng pumasok siya sa kitchen. Bumaba lang ako para uminom ng tubig.

"Hmm. Nauuhaw lang." Simple kong sagot. Kumuha rin siya ng tubig at uminom pagkatapos ay umupo sa upuan samantalang nakahilig ako sa counter top ng kitchen.

"I am wondering, bakit ka nakatira kina Xander if ganito kalaki ang bahay mo dito. If your excuse is malayo ang east sa west, nevermind."

"What really is your question, Eliza?" I asked habang pinaglalaruan ang baso sa kamay ko. Hindi ko nagustuhan ang tubig kaya nagbukas ako ng red wine at sinalinan sa baso. Inalok ko si Eliza at kumuha naman siya ng konti. I drink the wine straight at nagsalin ulit.

"You are not Xander's cousin. Simula pagkabata magkasama na kami. Kung pinsan ka nga niya dapat kilala ka na namin noon pa. We all know Xander's cousin, at isa pa naikwento ka na niya dapat sa amin."

I smiled sadly. Hindi talaga maitatago ang lahat. Lalabas at lalabas rin ang katotohanan.

"My mom died due to lung cancer. Naibenta halos lahat ng lupain namin. I don't know how it happened and how it help us, me being Xander's fiancee. Tahimik naman akong namumuhay dito noon ng biglaang dumating si daddy dala ang balita."

Uminom ulit ako at nilaro ang alak sa baso ko. Doon lang ako nakatitig na para bang yun na ang pinakainteresanteng bagay sa gabing ito.

"I don't understand. Kalaunan lang nalaman kong kalahati lang ang naibenta sa lupain namin tapos unti-unti pa 'yong nababawi ni daddy. Kaya naghahanap ako ng rason bakit may arrange marriage pang nangyari. Nalaman ko ring inaasikaso na ni Xander ang kasal."

"I don't care about the reasons, Keli. All I care about is my brother. Anong mangyayari sa kanya? Mahal ka niya at sasaktan mo lang siya. Anong gagawin mo?"

I laugh lightly at medyo tinatamaan na sa alak.

"Eliza? Do you love someone already?" I asked at tinitigan ang reaksiyon niya. Umiwas siya ng tingin at sumimsim sa alak before sighing and nodded.

"But I let him go, years ago. Kagaya mo rin, fixed marriage."

"You want me to do the same you did, right? Let go of Primo?" She didn't talk but manage to nod. "I am letting go one of them Eliza, and it will never be Primo. Four years old palang kami, mahal ko na siya. And as time grows with us, mas lalo ko siyang minahal. Kaya walang ano man ang makakatibag sa pagmamahal ko sa kanya. Kahit siya na mismo ang umayaw sa akin, I will always find ways for him to love me again. To bring back his feeling for me."

"Such a strong love." She commented. Tinignan niya ako ng may maalala. "So it's you? The woman he had been searching?" Tumawa ako. Talaga palang tama ang hinala ko? Ako yung matagal na niyang hinahanap.

"I never knew he is searching for me."

"He madly and obsessively searching for you."

Tumawa ako na parang baliw. Hindi alintana na baka mabulabog ko ang buong mansion.

"You are drunk, Keli."

"I am not. Anyway Eliza, I am a selfish bitch. At ipagdadamot ko si Primo sa kahit na kanino. Kahit pa sayo." I smirked and finished my drink. Medyo umiikot lang ang paningin ko but I can completely walk straight. Nasilayan ko rin ang isang nakakalokong ngiti ni Eliza.

"Do that. I hope you a happy life, Keli. I'm sorry about your mother, anyway." Umiwas ako ng tingin dahil hanggang ngayon, masakit parin ang nangyari sa mommy ko.

"Elizabeth, if I can get a hold of Montana, iisang batas nalang ang ipapatupad ko." She stopped in the kitchen door a meter away from me. "And what is it?"

"Freedom."

Tumawa lang siya na para bang sinasabing baliw na ako. After that, she left me alone. Tumayo ako at kumuha ng isa pang bote ng alak at bitbit yun ay sumunod na ako sa pag-akyat. It's already passed midnight. Napatigil lang ako sa pag-akyat sa hagdan ng makarinig ng katok sa isang pinto.

"What is it, Eliza?" I heard Primo's hoarse voice. Halatang antok na antok pa at nagising lang.

"Keli is downstairs, please accompany her. She is a little drunk."

I cursed Eliza at the back of my mind. Kailangan niya pa bang mang-disturbo dahil lang sa nakainom ako? Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pag akyat ng dahan-dahan and I meet Primo at the middle of the stairs.

"Hey." I sofly greeted him. He is on his blue pajamas and topless while I am on my sleeveless and velvet red short.

"Hey," He greeted back at tutulungan na sana akong umakyat but I told him I can manage. Kaya ang nangyari, nakaalalay lang siya sa akin mula sa likod baka sakaling matumba ako. Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa sofa. Binuksan ko ang alak at nagsalin na naman sa baso ko.

"Are you okay? Bakit ka umiinom?" I look up at him and asked him to join me. Tumabi siya sa akin ng upo at pinagmasdan lang ako.

"You can sleep here if you want to."

"Why did you drink?"

"Primo-"

"I want answers, Keli."

"I am sad and confused." I said honestly. He sighed at hugged me. Ang ulo ko nakahilig sa dibdib niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. This is so peaceful. Unti-unti nang nagpantay ang hininga ko at bumibigat ang talukap ng mga mata ko. He slowly get the glass from my hold at kinarga ako pahiga sa kama ko. I didn't complain because I wanted to sleep too. I wanted this peaceful feeling.

"I love you, Keli."

I felt a soft thing on my lips before I doze off to sleep.

At natatapos pa rin sa kanilang dalawa.😂

//Tami❤

Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon