13

33 13 1
                                    

I am yours

Ilang araw naging usap-usapan ang ginawa namin ni Primo. Ayos na rin ang braso ko at inimbitahan ako ni Professor Proxy na may pagka-gay na director ng archery club para sumali sa kanila. Hindi pa ako nakapag-isip doon dahil ayoko naman talaga.

"Keli girl? Ano na? You already decide?" Prof Proxy asked. Nagkasalubong kami sa entrance ng cafeteria.

"Sige po Prof. Pero, sa second semester na po ako sasali."

"Ay bet! Okay lang girl, may ANYIM Sports Competition rin sa second sem, sa Italy ang ganap!"

I heard about ANYIM Sports Competition. It's a sports tournament involving four countries, America, New York, Italy and Montana.

"Sige po prof." I said and excuse myself. Pumasok na ako sa cafeteria at umupo sa usual seat namin. Nandoon na si Angel at Novice. Mamaya pa darating ang iba.

"Bonjour! Crush Keli! Grabe! Ang galing mo sa archery."

"Di naman, Ivan." I smiled.

"Hah! Kaya gusto kita eh. Di pa naman kayo ni Primo kaya may pag-asa pa ako."

Napailing nalang ako sa sinabi ni Ivan. Buti at si Angel at Novice palang ang kasama ko ngayon dito sa cafeteria kundi, magsasalpukan na naman sila.

"Ivan, pabilhan nga si Keli ng water and french fries. Kanina pa siya nagugutom pero nagkapaltos ang mga paa niya kaya di na nakabili."

"What-"

"Oh sige! Libre ko na, Keli!"

Hindi na ako nakaangal dahil umalis na nga si Ivan para bumili ng pagkain. Nagkapaltos nga ang paa ko pero konti lang naman at hindi pa naman ako nagugutom.

"Don't take him for granted please? Kawawa yung tao."

"Bakit Keli? Kay Primo ka lang talaga? Kayo na ba?"

I pursed my lips thinking of Primo. Isa pa yun eh, sobrang gulo. He is sweet but we didn't talk about what we are. Our label. Walang ganun. That's why, hindi ko alam kung anong isasagot kapag may nagtatanong sa akin. Though I know, we both love each other.

Hindi ko nalang siya pinansin at pasalamat rin ako na dumating na ang mga kaibigan namin but Xander is out of the picture. Madalang na siyang sumasama sa amin. Hindi ko na lang pinuna dahil alam kong iniiwasan niya pa rin naman ako. Until night came and I got home in Xander's.

That same night, magkasabay kaming kumain ng family ni Xander. We talk a little about me and Xander on school. At nagsinungaling na naman kami about some knowing we are engage where in fact wala pa sa school ang nakakaalam. At wala akong balak ipaalam.

"Hon, tumawag pala ang daddy ni Keli kanina. Nagpapatulong sa pagbebentahan ng palay na naani."

Tita said na nagpalito sa akin. Ang sabi kasi ni daddy ang mansion nalang at ang ilang ektaryang tubuhan ang natira sa amin. Bakit may palayan pa? Mas doble ang laki ng palayan kaysa sa tubuhan namin.

"Let's not talk about that here."

Kating-kati ang dila kong magtanong. Lalo na ng tumingin si tito sa akin. After dinner umakyat agad ako sa kwarto ni Xander para mag-isip. Hawak ang cellphone at gusto kong tawagan si daddy para kompirmahin ang narinig ko.

"Don't think about it."

Ngayon niya lang ulit ako kinausap ng maayos simula noon sa nangyari sa rooftop days ago.

"You knew."

Tinignan ko si Xander ng nag-aakusa. May alam siya. He just shrug his shoulder bago kinuha ang unan at kumot para sa sofa matulog. This has been our set-up. Salitan sa pagtulog sa kama. Kahapon sa kama siya kaya sa sofa siya ngayon. I sighed at lumabas ng kwarto para tanungin si tito sa narinig ko kanina when I heard him talking with tita on the kitchen.

Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon