16

23 12 2
                                    

Chaos

Dad's death drown me into deep ocean. Hindi na ako halos makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Idagdag pa ang rebelasyon na hindi ko kayang paniwalaan.

Days after dad's death, tinignan ko ulit yung envelope na bigay ni tito Alejandro. May isang papel pa ang nakita ko doon. It was a picture of me when I was still a baby. May kwentas akong suot na may pendant ng crown.

Naalala ko ang kwentas kaya tinignan ko ang kwentas na suot ko. It's still the same. Pero sa likod nito may nakaukit na pangalan. Ella C.

Binalik ko ang tingin sa picture at sa nakatuping papel. Just to get more disappointed on what I have read.

Baby,

I'm sorry if I lied to you so many times. I just want you to get the happiness and family you deserved. For twenty four years of being our daughter, you gave us light and happiness. I love you, Keli. Me and your mom are happy to have you. We can't be selfish forever. It's your time to fly back home now. Find your real family and be happy.

Love,

Dad.

Yung sakit na nararamdaman ko mas lalo pang nadagdagan. Mas lalong bumigat. Natutop ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi. This is too much. For twenty four years, they lied. Fuck! They lied to me.

Your necklace is the key, Ella.

Pagbasa ko pa sa likod ng papel. Naging blanko na ang isip ko at wala na akong maintindihan o matinong maisip.

"Nagpalabas ng bagong order ang Montana. Pinawalang bisa ang lahat ng batas natin. Nagkakagulo na ngayon sa sentro. May mga bagong saltang dayuhan at ang iba mga estudyante na nanggugulo."

Hindi ko napagtuunan ng pansin ang mga pinag-uusapan nila. Kakabalik ko lang ulit sa paaralan mula sa isang linngong absent. I was mourning with my dad's death and truth about me but that one week is not enough. Walang ibang nakakaalam ng rason ng pagkawala ko kundi si Xander at ang pamilya niya. I didn't talk about his death because there's no reason at all.

"---Keli?"

"Ha?" I unconsciously asked when I heard my name. Ano bang pinag-uusapan nila?

"Tawag ka ni Prof Proxy. Training daw ng Archery. Preparation para sa ANYIM sports competition."

"Ah-ha? Oo nga." Ano daw? Wala akong maintindihan. Buti nalang at hinigit ako ni Xander patayo para maialis doon. They are looking at me in confused. Narinig ko pa si Saori na tinatanong sila kung ano ba daw nangyari sa akin.

"Keli, gusto mong umuwi?"

"H-hindi. Saan ba tayo pupunta?" I asked ng makadaan kami sa soccer field. Maraming nagpapractice doon para siguro sa nalalapit na competetion.

"Archery. Practice mo daw ngayon. Kaya mo ba? Baka gusto mong umuwi nalang muna."

"Okay lang."

Hinayaan ko siyang samahan ako sa archery field. Wala si coach kaya ako lang magpapractice sa sarili ko. Meron pang tatlong eatudyante ang nagt-training ng archery sa tabi ko. Akala ko aalis na si Xander pero umupo lang siya sa di kalayuan at pinagmamasdan akong isuot ang chest at arm guard. Inayos ko rin ang quiver na lalagyan ng arrow. I pick up the bow and put the arrow before pulling the bow string and aim the target. Hindi tumatama sa target ang bawat arrow na pinapakawalan ko. I got frustrated every minute ng biglaang lumapit si Xander sa akin at hinarap ako sa kanya.

"Keli, wag mong pilitin ang sarili mo. Come on!" He hissed. Mabilis ang paghinga ko at tinalikuran siya. Ilang minuto na ako rito. Sunod-sunod na tira ang ginawa ko sa target pero hindi ako maka aim sa gitna. I frustratedly put all my equipments and shout.

Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon