I like you
Class dismissal na kaya nililigpit ko ang mga gamit ko sa huling subject. Sa tingin ko mas doble ang hirap ko dito since irregular ako dahil may mga subject na na take up na nila at hindi ko na-take doon. Meron ring nauna ko nang na take at ngayon pa lang i-t-take dito.
"I really wonder why Prince Primo suddenly change."
"Maybe he already found that missing love he was talking."
"Or he already move on and find a new."
Primo na naman. Simula ng pumasok siya sa cafe na nakangiti naging usap-usapan na siya sa campus. And that mysterious missing love of his life na talagang nakakapagselos. I know I shouldn't feel this way but my feeling is so heavy. Lalo na ng madawit ang pangalan ko sa chismis.
"That Keli na akala mo saang planeta galing? I know Primo just got interested with her. Pero pinaglalaruan lang siya for sure."
That's more painful. Siguro kung si Red or Ivan ang sinasabi nilang pinaglalaruan ako ay hindi ko dadamdamin ang salita nila. But if it's Primo, ouch ah! Masakit eh!
"Keli, yung group activity natin. Pwedeng sa inyo mag sleep over?"
Tinignan ko ang nagtanong. Yode, Mika, at Eliza. Ka group mates ko sila at classmate ko si Eliza at Yode sa major na Agricultural and biosystems 13. Pwede naman mag sleep over pero wala akong bahay. Nakikitira lang ako kina Xander. At kung doon nga sa amin, I can't promise na hindi mabubunyag ang sekreto namin ni Xander. Lalo na kapag nandoon si tito Alejandro. At hindi pwede kasi kasama ko pa si Eliza sa group.
"Ah, nakikitira lang kasi ako kina Xander. Pasensiya na, kung sa amin lang ang bahay pwedeng-pwede."
Mahina kong paliwanag. Lalo na't medyo may inis sa akin ang isa sa kanilang tatlo, si Mika. Si Eliza naman as usual mukhang walang paki sa mundo.
"Sa amin nalang. Mamayang gabi, punta kayo sa palace."
Fuck! Nahulog ko ang notebook na binili pa ni Primo sa akin noong nakaraan. Sa palace? I'm sure makikita ko si Primo doon. And that Prince! Hindi pa ako nakaganti sa panghihipo niya sa akin!
Tinitigan naman ni Eliza yung notebook na nahulog tapos sa akin ulit at sa notebook na naman. Pupulutin ko na sana ng si Eliza na ang pumulot dito at sinuri. What's wrong with my notebook? Maybe nagandahan siya sa design? It's a unicorn with a name below. Moli. Naalala ko tuloy yung pinakitang unicorn ni Primo sa akin dati. Buhay pa kaya si Moli? Nandoon parin kaya siya? Kapag may oras, titingnan ko nga. Kahit na malayo pa ang sentro.
"Here's your notebook. Later girls, mauna na ako."
Nagtataka kong inabot ang notebook ko. Si Mika naman umalis na ng walang paalam sabay irap sa akin. Si Yode hinihintay akong matapos sa paglalagay ng notebook ko sa shoulder bag ko.
"Pauwi ka na Keli?"
"Hmm. Ikaw ba?"
"Pauwi na rin. Sabay na tayo."
Tumango lang ako at nang matapos ay sabay na nga kaming naglakad palabas ng gate. Ang dami na namang bulungan tungkol sa akin. Ang iba, pasimple lang akong tinitignan.
BINABASA MO ANG
Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)
Fiksi UmumMontana Trilogy 1: Keli Elazfer Belmont Montana is a peaceful city. Rules and regulations were followed. Too peaceful to believe. But what if, behind the peacefulness of the place lies the darkest secret? Does one person enough to reveal the true ag...