Cross Crux
Buong oras sa klase para akong tangang nakangiti. Hindi ko mapigilan ang kilig sa mga ginawa ni Primo kanina. He confessed and kissed me. May iilang nakakita at mabilis na kumalat ang balita. Ngayon, kami ang pinag-uusapan.
"They kissed."
"We saw it."
"Well, as long as Prince Primo is happy, that would be fine."
"Pero, Prince Ivan also like her."
"Well, she's a bitch. No wonder. Duda rin ako sa kanila ni Xander. Kung magpinsan nga sila, bakit magkaiba ang surname? Even the middle name. I asked someone to search about her whereabouts but it just didn't click. Wala akong makitang kahit ano na pwedeng magkonekta sa kanila. Unless, romantically they are connected."
Natahimik ako sa mga narinig ko. Nasa cubicle ako kaya rinig na rinig ko ang usapan nila. I slowly flushed the toilet kaya natahimik kami. I flashed a smile ng makalabas na ako. Nakita ko ang tatlong babaeng nakatingin sa akin mula sa salamin.
"Well?"
Nakangiti parin ako kahit sa loob ko ay inis na inis na. Gustong-gusto ko siyang sugurin at sabunutan pero ang babaw naman kung gagawin ko yun. Naghugas lang ako ng kamay at hindi sila pinansin. She was about to talk pero pinigilan ko sa pagtaas ng kamay ko. I smirked ng tumahimik siya. Masunurin.
"Don't talk. Baka ikamatay mo yan."
Before she can answer me ay umalis na ako doon. I call Marianna when she texted me. May kagagahan na naman yatang ginawa.
["Mia regina! I have good news. May napasok akong system! And it's very cool. Salamat sa code na binigay mo."]
Napailing nalang ako sa narinig ko. Sabi na eh, kagagahan ang ginagawa nila.
"Tss! 1000011001 find it for me."
I said bago pinatay ang tawag. Naisip ko na naman ang pinag-uusapan ng mga babae sa CR kanina. Right, I look like a bitch dahil may fiancee na ako tapos nakikipagharutan pa ako kay Primo. But come to think of it, the hell I care? I love that grumpy prince and no one can ever stop me loving him. Not even my situation and I would never let the wedding happened na siyang pinagkakaabalahan ni Xander noon pa. Yung pinapagawa ng dad niya sa kanya ay ang pag-aayos sa kasal namin. Xander didn't tell me about it but I have my ways. And that will never ever happened. Kakausapin ko ng maayos si daddy o ako na mismo ang gagawa ng paraan.
"Mi princesa. Want something to eat?"
"Crux Spag. Spicy ah." Sagot ko kay Primo ng makaupo na ako sa cafeteria. Dalawa lang kami ngayon dahil parehas kaming bakante at mamaya pa dadating ang mga kaibigan namin kaya nauna na kami dito. Habang naghihintay kinakalikot ko ang phone ko at gumagawa na naman ng bagong code. When I got bored sinubukan kong gumawa ng bagong game. Cross Crux. Natawa ako dahil naisipan ko pang ipangalan sa pagkain ang laro na ginawa ko. It is like a snake na dumadaan sa maraming butas at dapat walang ibang snake na makakasalubong or else game over na. When Primo came with my Crux Spag ayoko nang kainin yun. Nandiri ako dahil sa game na ginawa ko. Pinagpalit ko ang pagkain namin dahil pizza roll naman yung sa kanya.
"What the! Papabili ka tapos hindi mo naman pala kakainin?"
"Ayoko na niyan. Kung ayaw mo naman ibigay 'tong sayo, di nalang ako kakain."
"Fine. Just eat." Ngumiti ako habang kagat-kagat ang isang pizza roll at tinatapos ang ginawa kong game. Ng matapos sinend ko yun kay Marianna and minutes later, available na sa app store ang Cross Crux app. I smiled and tried my own game. Mahirap pala? Nakailang mura na ako dahil paulit-ulit ako sa umpisa. Palaging namamatay ako eh! Hanggang level three lang ang kaya ko.
BINABASA MO ANG
Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)
Ficción GeneralMontana Trilogy 1: Keli Elazfer Belmont Montana is a peaceful city. Rules and regulations were followed. Too peaceful to believe. But what if, behind the peacefulness of the place lies the darkest secret? Does one person enough to reveal the true ag...