4

56 24 14
                                    

Eres hermosa, Keli

Hinihintay ko si Xander sa gate ng University para umuwi when I recieved a text from him.

Someone will pick you up. Nauna na kami ni manong, may iniutos si daddy.

Oh, great. Sino naman kaya ang susundo sa akin? I just patiently waiting for someone who'll pick me up. Tinitingnan ko ang mga estudyante na dumadaan at masayang nag-uusap. Simula kanina ng umalis ako sa cafeteria hindi na ako ulit nagpakita sa kanila. I just don't feel it. Kaya naman ng marinig ko ang ingay nila na papalabas na ng gate ay dumiretso ako sa waiting shed ng University. Ayoko sana sila makita pero tinawag na ako ni Red.

"Hi Keli! Wala ka pang sundo?"

"Ah, Wala pa eh, Mauna nalang siguro ako. may gagawin pa rin kasi ako."

"Huh? Pero ang sabi ni Xander ihahatid ka ni Primo. Yung lalaking huling dumating sa cafeteria bago ka umalis. Pumayag naman siya eh."

"H-Ha?"

"Don't worry, maaasahan naman siya though don't expect he'll talk too much. Nagluluksa pa kasi yun sa pag-ibig niyang hindi niya matagpuan."

"H-ha?"

Wala na akong ibang masabi sa mga naririnig ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba itong nararamdaman ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kung si Primo nga ang maghahatid sa akin, kailangan kong gumawa ng alibi. Kahit ano, basta hindi kami magkasama na kami lang dalawa

"Si Primo. Ayan na oh." Itinuro ni Saori ang kotse na huminto sa gilid ko. Think Keli! Come on! You need to think fast! Ano bang pwedeng ipalusot para hindi ko siya makasama. Hindi pa ngayon.

"Ah eh, may bibilhin pa kasi ako sa groce- mall. Tama, bibili pa ako ng gamit ko para sa klase."

Woah! Ngayon ko lang naalala ulit, wala pa pala akong school supply na magagamit. Buti naman at makakalusot na ako. I smiled triumphantly as what I think. Finally, I can escape.

"Sasamahan na kita. Sakay na."

What?! No way! Hindi mo ba maintindihan? Ayaw kitang makasama. Ano ba naman yan Primo. Can't he feel it? I am not comfortable with him. Not yet.

"Ah eh, ano..."

"Get in, Keli." Wala na kong magawa ng diinan niya ang pagkakasabi niya sa pangalan ko. Parang nagbabanta kaya mabigat ang loob na pumasok ako sa kotse niya. Nahigit ko pa ang hininga ko ng umuklo siya para abutin ang seatbelt ko at ikabit. This is torture. I'd been missing him since then but hindi pa pwede.

"You are avoiding me. Did I do something wrong, mi princesa?"

Mi princesa. It's been so long since I heard that words. I admit I miss those. But true to it, iniiwasan ko nga siya sa hindi ko malamang kadahilanan o ayaw ko lang isipin ang dahilan. Ano ba naman kasi kami ni Primo? We just meet years ago so bakit kailangan ko siyang iwasan? But the answer is I am afraid of what I can do when he is near. Expressive ako kaya natatakot akong ipakita sa kanya na gusto ko siya, na mahal ko na siya sa unang pagkikita palang namin noon.

"H-Hindi. Bakit naman k-kita iiwasan?"

"Bakit nga ba, Keli?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Pagmamaang-maangan ko pa. Nanatili akong tahimik sa buong byahe namin. Ngayon nagsisisi na ako dahil sa sinabi kong may bibilhin pa ako sa mall dahil itinigil nga niya ang sasakyan niya sa parking ng mall. Ngayon, mas mataas na oras na makakasama ko pa siya. At kung minamalas nga naman, kulang ang perang dala ko. Kasya lang yata sa isang notebook na sobrang mahal.

Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon