22

27 10 1
                                    

Imperial Seal

Pangatlong araw na ng competition at ang mga kaibigan ni Keli ay hinahanap siya at pinupuntahan sa kwarto nito para kausapin pero wala siya roon. Hindi na rin nila ito nakilita sa lugar. Kahit si Vanlex na binabantayan nila ay hindi na rin nakikipag-usap kay Keli. Parang sumali lang siya doon para sa archery.

"Tara na guys! Si Angel at Novice na ang sunod." Naglakad na sila papunta sa pool area dahil doon gaganapin ang swimming competition.

"Hindi niyo parin nakikita si Keli?"

"Hindi pa. Di bale, awarding sa Friday kaya siguradong nandoon siya."

Hindi umimik si Prince Primo at nanood nalang sa paligsahan. "Daming sexy diba?! Primo!"

Niko and Prince Ivan laugh, with FK and Red. Nagkakatuwaan sila at pinagche-cheer si Novice at Angel. The competition was smooth. Hindi man naka top 1 ay naka second place naman sila. Nung lunch time ay bumalik sila sa hotel na nabigla pa si Prince Primo ng makasalubong pa nila si Keli na nagmamadaling lumabas ng hotel.

"Oh shit! -Ha? No mama! I'll check it now.- Excuse me." Naguguluhan sila dahil may kausap ito sa cellphone.

"Keli! Pwede ka bang makausap?" Lakas loob na na sabi ni Angel. Ngunit sandali lang silang tinapunan ng tingin ni Keli, "Nagmamadali ako." At sumakay na ito sa kotse niya. Nanlulumo ang mga royalties and elite habang papasok sa loob para kumain. Nakausap nga nila pero umalis naman ito kaagad.

"Xander, I was wondering. If her mom is dead, sino yung tinawag niyang mama sa cellphone kanina?" Curious na tanong ni Angel. Kahit ang iba ay yun lang din ang kanina pa bumabagabag sa lanila. Hindi talaga sila maka hanap ng timing para makausap ito.

"Hindi ko rin alam. I swear, wala akong alam na ibang close kay Keli. Or maybe, nakita na niya ang tunay niyang mga magulang. But, ewan. Wala naman siyang nabanggit noon tungkol sa tunay niyang magulang"

"If that so, I am happy for her."

"Pero, may mali eh. Hindi ko maipaliwanag. She's close with Ivan. Ivan is the son of Alphaville organization's boss. Kalaban dapat siya."

Kahit si Xander ay naguguluhan. Gustong-gusto na nila itong makausap. Ngunit hanggang mag friday ay hindi parin nila ito nakakausap. Awarding na at hindi nila ito nakita na kasama ang mga kaibigan at kaklase nito.

"For archery, Keli Elazfer Belmont from Montana." Sabi ng emcee at nagpalakpakan ang lahat. Hinintay na umakyat ng stage si Keli pero wala.

"And the very special announcement. Ladies and gentlemen, the hotel you are staying at, is owned by the owner of imperial Inc Application, and for the information of everybody your stay there is free, including the food. Sponsored by the Queen of Imperial Inc Application, Miss Keli Elazfer Belmont known as Queen Elazfer."

Namangha na naman sila sa natuklasan. Murmurs where everywhere. Bigla namang tumigil ang isang blue na Ferrari at lumabas si Keli na parang nagmamadali. Sa likod nito ay may mga kasunod na sasakyan at mga lalaking nakaitim.

"Good morning everyone. I hope you all enjoy your stay here. If anyone would like to extend their stay, I'll give you two days free. Bye." Simpleng sabi nito at palihim na tinignan si Lovelle, Marianna at Vanlex para sumama sa kanya. Nakita naman iyon ni Prince Primo dahil sa pagtayo ni Vanlex at sumakay sa kotseng nakasunod kay Keli kanina.

"Okay, she have still need to run some errands. Let's continue."

Nagpatuloy nga ang awarding at closing ceremenony at hanggang sa makauwi ng Montana ay hindi nila nakakausap si Keli. Usap-usapan na rin ang mga nangyari sa Italy lalo na ang impormasyong nalaman tungkol kay Keli.

Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon