30

25 13 0
                                    

Run into You

Ilang araw nalang, graduate na ako. Hindi na kagaya ng dati ang Montana. Pero ginagampanan naman ng maayos ng mga gang leaders ang tungkulin nila. Magulo, pero ganun talaga. This is the real world, sabi nga ni mama. Kailangang mamulat ng lahat sa totoong mundo.

"Keli! Gosh! Tara na, ang tagal mo!" Saori called slightly laughing. Ngayon pala ang pagpapakilala ng mga gang at ng leader. Nandoon rin si mama, dahil siya ang may pakana nito.

Tumatakbo kami ni Saori papunta sa gym dahil sa cafeteria pa ako galing. Nauuhaw rin kasi ako at bumili ng tubig.

"The courtesy of all gang, Queen Elazfer."

Napahinto ako ng tawagin ni mama ang pangalan ko. I smiled at umakyat sa stage. "I'll give her the floor to announce the gang names and leader."

What the fuck! Kinakabahan na kinuha ko ang microphone kay mama. Yumuko ako konti. We're having a truce as of the moment dahil hindi naman alam ng nakararami na mag-ina kami at ang alam nila ay magkalaban kami dahil sa Montana.

"Good morning ladies and gentlemen. May I present to you, the five gangs. Phil, leaded by Prince Kieth Ivan, Ezel, leaded by Prince Kieth Harris, Alp, leaded by Prince Felixin Sahara, Cres, leaded by Prince Christopher Sapharee and Eco, leaded by Prince Wenry Primo Ferilli. Let's give them all a hand for their effort of leading the PEACE." I smiled and congratulate them all. Nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan. This is one of the happy moments in Montana. Ang makamit ulit ang kapayapaan na hinahangad nila.

"Primo! OMG! Congratulations." I hissed when Thalia hug my man. Hindi ko na ipagkakait si Primo dahil araw rin nila ito. Simula ng mabuo ang gang, ang daming nangyari. Ang daming gulo ang inayos nila. They make all the efforts to have a peaceful living here in Montana.

"Di mo sasabunutan?" Saori asked. Mukha siyang may hidden galit sa kapatid niya. I shook my head.

"Hindi ako ganun ka babaw."

"I know. I was just joking. Ate Thalia and Primo has been a best buddy. Na inlove lang si ate Thalia sa kanya noong high school kami. But I know if the man doesn't love him, hindi niya ipipilit ang sarili niya lalo na kapag may mahal na itong iba."

I know. Nakita ko sa mukha ni Thalia ang pagkakabahala para kay Primo. She treasured him, of course. Pero nakakairita minsan.

"I hate her side sometimes but she's not a bad person." I agree. I nodded and look at them. Hindi naman niya inaano si Primo. Hindi niya hinahalay. Damn! Ano ba itong iniisip ko?

"We're near. We almost get our freedom. Malapit na. Konti nalang."

Tumawa ako. Malapit na nga ba? Nagawa ko na ang parte ko. Vanlex is next, siya na ang bahala sa susunod at tulong ko nalang ang ibibigay ko. Wala akong magagawa sa Royal court since hindi ako makapasok doon.

"Graduation na ang sunod. Anong plano natin diyan?"

"Work. Lead the Imperial. Madami akong plano."

"Eh ang pakasalan ang kapatid ko? Wala kang plano?" Eliza asked walking towards us. Nailang tuloy ako sa topic. If Primo would propose? Ewan ko pero isa lang ang alam ko. Mahal ko siya at siya lang. I give her a small smile.

"Maybe. O baka hindi. Ang yabang eh." I joked na tinawanan ni Saori at Eliza.

"Tama yan. Para habol-habulin ka naman niya."

No, it's my turn to run into him. I always run away from him, ngayon ako naman. Palagi nalang siya ang humahabol sa akin. Palaging naghihintay. Kung pwedeng ako na ang mag propose eh. Gagawin ko pero I always believe that he has his ways on me and I'll patiently wait until he open his arms so he can catch me if I'll run into him.

Montana Trilogy1: Keli Elazfer Belmont (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon