Chapter 02

4.8K 65 1
                                    

Am i pregnant?

I feel so uneasy today, another hangover na naman ba, bes? mag ttwo days na ata akong ganito, i dont even know what i want, like hell this is fvckng frustrating. Gusto ko kumain, gusto ko humiga, gusto ko mag mall, gusto ko matulog, gusto ko siya pero hindi niya ako gusto, ay puta na dulas pasensiya. Lahat ata ng trip gusto ko itry today pero iniisip ko pa lang pagod nako agad.

Umupo ako sa cubicle ko, nga pala, HR ako dito sa kompanyang pinagttrabahuan ko, i do interviews, and now wala ako sa mood makipag usap, leche bakit eto trabaho ko eh ang iksi ng pasensiya ko, kasing iksi ng etits ng ex ko, char!

Mag half day kaya ako? eh baka magtaka yung mga bading kong katrabaho. Sabihin pag sa opisina, nagkakasakit pero sa inuman g na g?? edi sorry, broken lang! guilty na ako! Sumama nalang ako sa mga prend ko at magmmilktea daw sila for our break.

"Matcha girl, seriously? kelan ka pa nahilig jan" Komento ni Neo sa inorder kong milktea

ay bawal tumikim ng bago? pag siya pwede, pag ako bawal ganon? syempre diko sasabihin yan ookrahin lang nila ako no.

"Eh sa ito ang trip ko, sakit ng ulo ko punyeta, parang ayaw ko bumalik sa office ngayon!" Inis na sabi ko sa kanila

"Gaga ka, bakit naman masakit ulo mo aber??"

"Hangover ata" Tipid na sagot ko habang nakabusangot parin

Gulantang naman silang napatingin sakin

"Bakla sino ka jan, ano one week na nakalipas hangover parin?" Sabi ni Janine sakin, parang di makapaniwala

"Di ako bakla leche ka, ewan ko ba, baka senyales itong bitin" Bigla ko nalang nasabi

"Bitin? saan, sa alak o sa anes?! hahaha aliw ka girl ah!" Natatawang sabi ni Neo sakin, tinignan ko naman silang tumawa ng sabay sakin

Tarantadong to, anes anes pa eh alam ko naman yung tinutukoy niya. Eh one month na nakakalipas simula nung nakipag one night stand ako sa stranger na lalaki! Bangungot talaga! Hindi ko sinabi sa kanila dahil maniwala kayo sa hindi buong buwan ako ookrahin ng dalawang to, hanggang sa pag sasampalin ko sila, syempre eme lang yon.

At mula non buong buwan din ata kaming inom ng inom, pero oo nga last inom namin mag iisang linggo narin ang nakakalipas, pero masama parin pakiramdamam ko. I guess this is a normal flu.

"Baka naman magkaka mens ka te kaya masama pakiramdam mo!" Biglang sabi ni Janine

Oo nga naman, ano bang araw ngayon. Kinuha ko ang phone ko saka binuksan ito, What? magkakatapusan na pala means, im delayed with my period, very late?! i supposed to have my period last last week, almost 2 weeks akong late? minsan naman talaga late ako eh sa trabaho man o sa mens, i mean sa mens nga mga 2days ganon p-pero, is this possible?! pakening mader pakening!!

"Oh bat ka naman namutla jan bakla? alam mo gutom yan girl, broken ka lang te hindi ka depress kaya kumain ka!" Pang bbwct ni Neo sakin saka kami dumaan sa mcdo at mabilis na nag lunch

Nakabalik na kami lahat lahat sa office pero di parin ako kumikibo, parang hindi parin nag pprocess sakin kung tama ba ang hinala ko, tangina ano na te? pano kung buntis nga ako tapos hindi ko man lang kilala yung lalaking kachukchakan ko, ano magiging bastardo ang anak ko?! NEVER! Tangina kelangan ko alamin kung totoo ba tong hinala ko, at kung totoo man isusumpa ko sa hukay yung lalaking chumukchak sakin!

How will i handle this? eh magisa lang ako dito sa maynila dahil nga diba, mas pinili kong magtrabaho kesa ipagpatuloy ang pagaaral ko sa amin. So dahil ako si Charis, syempre papanindigan ko ang kahibangan ko. Hindi parin alam nila Papa at Mama na hiwalay na kami Reth, hindi ko pa kayang sabihin dahil alam ko namang ako rin ang may kasalanan, dahil parang mas pinili ko si Reth kesa sa kanila. Tanga ko!

Bago ako umuwi dumaan ako sa isang drug store saka bumili ng limang ibat ibang klase ng pregnancy test. Nung una kala ko kakabahan ako sa pagbili, pero parang mas nakakakaba ang magiging resulta neto!

I even googled how to fvckng use these pregnancy test. Sabi mas maganda daw to pag umaga gamitin. Okey Cha, calm down and rest, and everything will be fine.

Maaga ako nagising ngayon, usually maaga naman talaga ako nagigising for my work, pero syempre mas inagahan ko mga 3am ganon. Char! 6am palang. Sabi sa ginugol ko kagabi mas better daw kung unang pagihi mo daw sa morning ang gamitin, ok?

Nilabas ko naman ang limang ibat ibang klaseng pregnancy test na binili ko, tatlo muna gagamitin ko. Inhale, exhale, Charis!

After i drop my pee in those 3 p.t's, wala pang isang minuto ang lumipas, l-lumabas na agad ang resulta.

"SHET!!!"

ANO? Totoo ba to? anong gagawin ko! b-baka nagkakamali lang ako, okay i will take another test. Tinignan ko ang tatlong pregnancy test na nasa gilid ko, at lahat iyon ay iisa ang resulta, POSITIVE! TWO RED LINES MEANS IM PREGNANT?!

Should i take another test? eh sampal na ata sakin ang susunod na pregnancy test na gagamitin ko kapag trinay ko uli, dahil malinaw pa sa sikat ng araw ngayon yung resulta.

Napaupo ako sa sofa habang nakatitig sa kawalan at iniisip kung ano ang dapat kong sunod na gawin. TAMA! Dapat kong hanapin kung sino ang tatay neto, huhu bakit naman kasi ang tanga tanga ko! Nakipag chukchakan ako sa lalaking hindi ko naman kilala? maski first basis ata wala akong idea, katulad ng pangalan!! ni hindi ko man lang alam ang pangalan niya, seriously?! Ano ba tong ginawa ko! Pano kung may std pala iyon, at dahil siya rin ang naka LAST sex ko maaring nahawa ako sa kanya pati na rin ang baby! No, no way!

Napasabunot ako sa buhok ko saka mariin na napapikit!

"NO! HINDI AKO PAPAYAG NA HINDI KO MAKILALA ANG ASSHOLE NA YON!" SIGAW KO DITO SA APARTMENT NA TINITIRHAN KO

Hindi ako papayag na walang tatay na makikilala ang anak ko! I will make you pay for doing this to me!

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon