Trust
Masaya kaming pauwi ni Ash ng kinahapunan ng linggo. Kahit naman saan ata kami pumunta basta im with him, masaya ako. Kinausap niya akong sa bahay na niya uli ako titira, and i agreed with him. Wala naman ng kaso sakin, at naiintindihan ko naman si Ash kung bakit ganon ang trato niya sakin dati. I already forgive him, actually hindi ko naman na siya kailangan patawarin pa dahil hindi naman ako nagalit sa kaniya, nasaktan lang ako. At sa nagdaang mga araw ay napawi na ni Ash ang lahat ng iyon. I love him and he loves me, and thats the matter now.
Dumiretsiyo kami ngayon sa apartment ko para kunin ang mga iba ko pang gamit. Una akong bumaba para mauna sa apartment, at gulat akong makitang bukas ang bahay ko! B-bakit bukas to? bago ako umalis lagi kong sinisigurado na maayos ang lahat, at kahit kailan hindi pa ako pumalya don! Dali dali akong pumasok at-
"Reth?!"
Gulat akong makita siyang prisenteng nakaupo sa sofa ko habang nasa telebisyon ang paningin. Mukang hindi naman siya nagulat ng makita ako
"You're here!" Pansin niya sakin, at bahagyang tumayo
I rolled my eyes to him
"Obviously! Why are you here? at pano ka nakapasok dito?!" Sigaw ko sa kanya
Ano bang ginanagawa ng lalaking to dito?
"Of course i have my key, remember you and i? we used to live together-"
nanlaki naman ang mata ko saka pinutol ang kung ano mang basura ang lalabas sa bibig niya
"Shut up! Ang sabi ko anong ginagawa mo dito?!" Nanggigil kong tanong
Oo nga pala nakalimutan kong kunin ang spare key ko sa kanya dito sa apartment ko, at oo nag l-live in kami dati kaya nga bilis kong matuklasan ang nga kagaguhan niya noon eh
"Okay! Diba sabi ko sayo pag labas ko ng hospital maguusap tayo about sa baby natin?" Sabi niya
Teka, nabingi ba ako? o talagang may sinabi niyang about sa baby ko? Natin? Watdapak!
"Baby natin? ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya
Lumapit siya sakin kaya napaatras ako
"You're pregnant, and im going to take the responsibility dahil ako ang ama niyan, pati ikaw Cha papanindigan kita" Seryosong sabi niya at nakatingin sa mga mata ko
What? Sabi na eh!
"T-teka! First of all wala kang dapat panagutan sakin dahil hindi ikaw ang ama ng baby ko! Umalis kana!" Malakas na sabi ko sa kanya at umatras
Sabi ko na nga ba eh, eto ang ipupunta niya dito at hindi nagkamali ang hula ko una palang na hahanapin ako neto once na makalabas ng hospital to! Bakit kasi na discharge na agad to dapat sinamaan pa yung bugbog dito ng matauhan eh, joke!
"What?! Thats impossible! I know thats mine-"
"Hindi nga sabi, kaya tumigil kana Reth!" Tulak kong sabi sa kanya
Hinawakan niya ang mga braso ko at pinipilit niyang lumapit sakin, pumipiglas naman ako sa hawak niya, at lalo lang niyang hinigpitan ang kapit sa mga braso ko.
"No! I know bago tayo mag hiwalay may nangyari satin!" Diin niyang sabi sakin.
Umiiling naman ako hindi ako makasagot ng maayos dahil sa higpit ng hawak niya sa mga braso ko
"Bitawan m-mo ko Reth--"
Gulat akong tumalsik si Reth sa sahig ng sumulpot bigla si Ash at sinapak siya! A-ash, nakalimutan kong kasama ko pala siya!
BINABASA MO ANG
The Unwanted Baby
Romance| COMPLETED | ▪ Si Charis Ava Lopez ay isang babaeng nagmahal ng sobra sobra sa isang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang huli ngunit siya ay niloko lamang nito ng paulit ulit. At dahil sa isang maling gabi na akala niya ay malilimutan ni...