Chapter 08

3.1K 58 0
                                    

Jealous?

Hirap na hirap ako ngayon kung pano ko isasakay sa taxi yung mga grinocery ko. Ano ba naman kasi pumasok sa utak ko at inako ko itong pamimili, eh parang medyo nahihirapan nako sa tiyan ko kahit hindi pa ganon kalakihan. Medyo halata na kasi ang umbok ng tiyan ko tapos eto ako ang nagprisinta kila Manang na ako nalang ang mamili dahil wala naman akong ginagawa ngayon.

Saglit nga lang at iiwan ko muna to dito at maghahanap ako don sa harap ng taxi kung meron man. Nilagay ko muna sa tabi ang ibang pinamili ko saka lumakad bitbit ang iba konhlg pinamili. Kunot na kunot na ang noo ko dahil sa init narin. Bigla nalang may prumeno sa likod ko at sa sobrang gulat ko napahawak ako sa dibdib ko

"AY BULATENG PALAKA!" kala ko masasagasaan nako!

Pagtingin ko sa sasakyang prumeno sakin nakahinto na siya ngayon saka may lumabas na lalaki, aba kilala to ah!

SI FELIX!

"Hey Cha! Are you going home?" Ngiting bungad niya sakin

"Ah oo"

"Then lets go, idadaan na kita, in Ash house right?" Tanong niya

Nagulat naman ako napatingin sa kanya, anong nakakagulat don Cha eh bestfriend niya nga si Ash diba? Malamang sa alamang alam niya ang tungkol don

"Oo, ah wait lang andon kasi yung mga pinamili ko kukunin ko lang" Sabi ko sa kanya

Kumunot naman ang noo niya saka dali daling kinuha lahat ng pinamili ko nang makita niya ako at saka pinasok sa kotse niya, nagpasalamat naman ako agad. Nang makapasok na kami eh ay kinausap niya ako.

"Bakit ikaw ang namimili? did Ash allowed you to do this thing?" Takhang tanong niya

Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot

"Wala kasi akong magawa kaya ako nalang ang nagprisinta sa bagay na to"

"But you're pregnant. you shouldn't doing this" Sabi niya habang seryoso sa pagmamaneho

umiling naman ako at medyo hindi na komportable

"Okey lang talaga, hindi ko na rin naman na to magagawa pag lumaki na ang tiyan ko" Nakangiti paring sabi ko

Hindi naman na siya sumagot, at nakarating kami sa bahay at siya rin ang nagbuhat papasok ng mga pinamili ko. Nakakahiya na pero mukang walang balak mag papigil si Felix kaya hinayaan ko na siyang gawin yon. Pagpasok namin tinulungan narin siya nila Manang.

Kumuha ako ng maiinom saka ng ginawa ko kagabi na carbonara at inoven ito. Pag tapos nito binagay ko sa kanya habang nakaupo sa sala. Umupo naman ako sa tapat niya

"Here, pasasalamat ko to dahil kanina" Nakangiting pasasalamat ko

"No problem, Cha. You can always call me whenever you need my help" Aniya

Ngumiti naman ako sa pasasangayon sa kanya. Hindi rin naman alam ni Ash na umalis ako dahil nasa work siya. Normal naman kami ni Ash, actually i always make him food whenever his around. We're okay, nag adjust na siguro kami sa isat isa. Pero syempre masungit parin siya, nasa ugali na niya yon ok? wala na akong magagawa don.

Habang naguusap kami ni Felix, maya maya lang ay biglang dumating si Ash. Nagulat naman ako sa pag dating niya at naabutan niya kaming naguusap ni Felix sa sala. Tumayo ako at saka nilapitan siya

"Oh! Ang aga mo ngayon ah!" Bati ko sa kanya

Tumingin naman siya sakin pag tapos niyang tignan si Felix

"Aren't you happy? and why he is doing here?" Takhang tanong niya

"Hey man!" Bati ni Felix sa kanya

Bumati rin si Ash pero masungit parin, bad mood ba siya? kala ko naman umuwi siya ng maaga kasi good mood siya. Alam ko na magluluto nako para naman mag light ang mood niya.

"I'Il cook for dinner, what do you want for dinner Ash?" Ngiting tanong ko sa kanya

"Anything"

"Okay magluluto nako. Felix mabuti pa dito kana mag dinner, right Ash?" Pag iinvite ko kay Felix

Kumunot naman ang noo ni Ash

"Yeah"

"Sure, i can't say no when it comes to food and to you of course" Natatawang sabi ni Felix. tumawa na rin ako saka iniwan sila

Nagpatulong naman ako kay Manang Beth sa pagluluto. Napag pasyahan kong mag Sinigang na Hipon at Chicken Curry. Antagal kong nawala sa sala para mag asikaso kaya hindi ko alam kung ano ang pinagkaka abalahan nila Ash. Matapos kong maghanda ay tinawag ko na sila saka kami naupo.

Bigla ako nakaramdam ng tensiyon sa pagitan nila, teka anong meron? wala kibuan silang naupo ganon narin ako kaya nagpatuloy kami sa pag kain. Binasag naman ni Felix ang katahimikan na namamayagi sa pagitan naming tatlo

"You're good in cooking Cha" Kuwang puri ni Felix sa luto ko

Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya

"Thanks" Sagot ko habang nakangit sa kanya

Tuloy parin sa pagkain si Ash, sobrang seryoso niya habang kumakain. Pag tapos namin kumain ay umalis narin si Felix hinatid ko naman siya sa gate dahil umakyat agad sa kwarto si Ash. Ano kayang drama sa buhay na non?

"Pasensiya kana kay Ash, mukang may topak eh" Sabi ko kay Felix

"I know him too well so yeah i understand" natatawang sabi niya

Hindi ko alam ano ang ibig niyang sabihin pero nakitawa narin ako, baka mamaya magmuka siyang tanga kung siya lang ang tatawa sa amin. Pag alis niya ay dumiretsyo nako sa kwarto saka nag linis ng katawan. Ano kaya tinopak non ni Ash, daig pang buntis samin! Toyo boy! Pag labas ko ng banyo ay nakita kong seryosong nakaupo si Ash sa kama ko kaya gulat akong makita siya

"AY TOYO BOY!"

Napa tingin naman siya sakin saka ako tinignan ng masama

"I just want to remind you, don't flirt with my friend" Malamig na sabi niya

Ano daw?!

"H-hoy! Anong flirt ang sinasabi mo jan? tinulungan lang ako ng tao kanina sa pag uwi dahil nag grocery ako!" Pagalit na sabi ko sa kanya

"I never told you to do that! You stubborn pregnant woman, you shouldn't do that! And what next? he will invite you for a date? a one night stand too?" Pagalit ding tanong niya sakin

A-ano bang sinasabi neto? dahil sa sinabi niya hindi ko napigilang sampalin siya

"Gago ka! Hindi ako ganong babae!" Sigaw ko sa kanya

"Really? so bakit kita nabuntis ayon sayo?"

Tuluyan ng nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya

"Walang hiya ka! In the first place i never told you to take this responsibility, kung ang pagkuha mo ng responsibilidad na ito ay may kapalit na pang iinsulto sa pagkatao ko pwes kaya tong mag isa ng walang tulong mo!" Iyak na bwelta ko sa kanya saka umalis sa kwartong yon

Dumiretsyo ako sa kusina saka uminom ng tubig. Napaka sama parin talaga ng ugali niya! Pano niya nasasabi sakin ang mga bagay na yon, saka ano bang pinuputok ng butchi niya? dahil lang sa pag hatid sakin ni Felix napag isipan niya na agad ako ng mga bagay na yon? Gago siya! Asshole!

Lumipas din ng isang oras akong nasa kusina habang umiiyak, pinagiisipan ko kasing umalis nalang saka umuwi kila mama sa Cebu. Napagdesisyunan kong bumalik sa kwarto at wala na siya doon siguro bumalik na sa kwarto na niya, buti naman dahil wala akong planong kausapin siya at makipag bangayan uli sa kanya. Natulog akong humihikbi at may sama ng loob.

-
Mag uupdate po ako in every other day guyz, so stay tuned and enjoy reading! ❤

-missglys

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon