Finding the daddy
Umalis ako ng lutang at tulala. Basta nalang ako nakarating ng office ng hindi ko namamalayan, pwede pala yon? Habang tengga ako, kinain ko ang binili kong pagkain kanina. Kung dati sanay akong hindi nagaalmusal bago pumasok sa work dahil im always in my intermittent fasting pwes ngayon kahit magutom o mauhaw bawal. Merong buhay na nakasalalay sakin ngayon. My baby...
Kahit naman anong denay ko sa nangyayari ngayon hindi parin mababago kung anong meron ngayon sakin, kahit na anlaki ng disappointment ko sa sarili ko sa nangyari, hindi parin maaalis ang katotohanang, this is my baby! I have my child inside me. Wala pa ngang kasiguraduhang kung makikita at matatanggap siya ng tatay niya, at ako lang ang meron siya. Hinawakan ko naman ang tiyan ko. I love you baby, dont worry, we will find your daddy, it doesn't matter if he will accept you or not, at kung not ililibing ko siya ng buhay. But seriously if he's not, i dont know. I cant force a person to accept this huge responsibility, but atleast he needs to know, he has a right after all.
Hindi ko kakayang hanapin siya magisa, at harapin tong magisa. Kaya plano kong sabihin na kila Janine at Neo ito. Besides i cant lie to them, i cant hide this forever dahil sa susunod makalawa lang din ay lalaki rin tong tiyan ko.
Niyaya ko silang dalawa na kumain sa Jollibee, dahil nag ccraved ako. Wirdo naman silang sumangayon sakin.
"Te palong palo ka naman jan, feasting?!" Gulat na komento ni Janine sakin na makitang punong puno ang side ko, parang muntik ko ng bilhin yung buong menu.
Natawa naman ako saka sumagot. Kita ko namang kagat kagat ni Neo ang chicken joy niya saka nakatingin sakin at medyo tumatawa sa sinabi ni Janine
"Gutom ako eh, saka need para healthy si baby" Ngiting sabi ko sa kanila
"AY BURAT KA"
"Watdapak! Neo hayup ka talaga susungalngalin ko yang bibig mo! kadiri kang hindot ka!!"
Natatawa naman akong napatingin sa kanilang dalawa dahil sa sobrang pagkabigla ni Neo, naluwa niya yung nginunguya niya. Alam niyo naman yang si Janine dakilang ubod ng arte kala mo walang kulangot. Hindi ata na gets ni Janine yung sinabi ko dahil hanggang ngayon gigil na gigil siya kay Neo na pinagbabato niya ng tissue.
"GAGA KA! KELAN KASAL NIYO NI RETH ABER?!" Malakas na tanong ni Neo sakin habang pinupunasan ang bibig niya gamit yung pinaghahagis na tissue ni Janine sa kanya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, anong kasal pinagsasabe netong bading na to??
"Anong kasal?! Tatlong beses na nga akong niloko papakasalan ko pa? ano te papatayo na ba ako ng rebulto?! Charotera ka!" Inis na sabi ko sa kanya habang kumakain parin
"Amputa kang bakla ka malamang eh nabuntis ka!" Banas na sabi niya sakin
"BUNTIS KA?!!" TANONG NI JANINE SAKIN
Binatukan naman siya ni Neo saka tinignan ng masama
"Shuta ka talaga Janine!! Hindi te ako talaga yung buntis, oh ano okay kana ha?!" Nangigigil na sabi ni Neo sa kanya. Napaka ingay ng mga to nakakarinde na
"So ano ngang sabi ni Reth?? Anong plano niya, ayusin niya lang nako bugbugan talaga kami! Wag lang sa fes syempre!" Maarteng sabi ni Neo
"Sinabi ko bang siya ang tatay??" Tamad na tanong ko sa kanila
"WHAT?!/POKESA KA TALAGA CHARIS!!" MALAKAS NA SABI NILA, POTA PARANG MGA MEGA PHONE YUNG MGA BUNGANGA
"Ihahampas ko talaga sainyo tong lamesa, makita niyo!" Banas na sabi ko saka "So i was saying hindi nga si Reth ang tatay, and i need you both to find the daddy of my baby! So ano g ba kayo?" Ngiting tanong ko sa kanilang dalawa.
"Of course bitch!"
"Syempre, ninang kaya ako!"
Napangiti naman ako sa sagot nila saka pinaliwanag sa kanila ang buong istorya, syempre hindi kasama yung chukchakan namin ni unknown guy no! Gulantang talaga ang mga bading, at himbis magalit ay tumatawa lang sila saka sinasabing proud na proud sila sakin, ampota nabuntis ako ng hindi ko kilala tapos proud pa sila sakin. May mga onti talaga tong mga to.
Sabi nila mag hhalf day nalang daw kami ngayon, actually si Janine ang nag suggest para puntahan yung bar kung saan ako naka bingwit na sumagasa sakin ng ratbu, charot! At sabi niya siya na daw bahalang mag paliwanag sa boss namin, echos echos niya eh alam naman naming dalawa ni Neo na nag eemehan sila ng boss namin. Oo syempre chismosa kami!
Pag dating namin sa bar ay wala pang tao dito, mukang hindi pa nagbubukas. Pinuntahan namin sa mismong bar station saka kinausap yung lalaking nagpupunas ng mga shotglass.
"Hi, may i know if pwede namin makita ang cctv footage dito sa bar niyo?" Direktang tanong ni Janine sa kanya
Takang tumingin naman samin yung lalaki
"Ah ma'am, for what purposes po ba? nanakawan po ba kayo or anything ma'am? kasi po hindi namin basta basta pwedeng ipakita ang video galing sa cctv" Maayos na sabi ng lalaki
"Purposes? nasagasaan ng rumaragasang etits!" rinig kong bulong ni Neo kaya naman siniko ko siya saka tinignan sya ng masama
Ako nalang ang sasagot at baka kung ano ang masagot ng dalawang to na pagsisisihan ko.
"Oh yes yes, ninakawan kasi ako, and you know im very wasted on that time kaya hindi ko namalayan" Ngiting sabi ko, kita ko naman sa gilid yung dalawang bruhildang nakatingin sakin na parang natatawa
Hinatid naman kami ng lalaki sa isang 'exclusive' office sa taas ng bar nila. Sabi niya we can talk to the owner of this bar directly para sa sadya namin tutal andito naman daw ang pinaka boss nila. So we agreed. Nauna naman siyang pumasok at inantay syang lumabas para senyasan kaming pumasok. Nang mapasok kami, umupo agad ako sa harap ng table nung boss nila na nakatingin samin.
"Hi, good day ladies and sir?" Bati niya saamin "So maam what can i help you? you said to our bartender that you got lost something? and you want to watch the footage of our cctv here in our bar, am i right maam?" He said to me and asked me nicely
kinabahan naman akong tumango sa kanya saka sumagot. Sinabi ko sa kanya ang date kung anong date ako nawalan ng kung anong nawala sakin, anong sabihin ko? yung sinabi ni Neo kanina?! Bwesit. Maya maya lang din ay plinay na niya ang footage, kita naman don na bangenge nako at nanlaki ang mata ko na nakitang ko na kahalikan ko ang lalaki sa video. Pakening shete! Medyo blured pa ang muka ng lalaki sa video but i recognized him pero ganon na na recognized dahil din sa madilim ang paligid.
"Yan! That asshole! You know who is he or anything about him para ma contact siya?" Walang pakundangan kong tanong, kumunot naman ang noo niyang tinignan uli ang tinuro ko saka balik na tumingin sakin
"Are you sure maam? And why you making out with him, at sumama pa po kayo? sorry for asking but this is really necessary maam" Takhang tanong niya sakin
Kinabahan naman ako.
"Of course i was wasted on that time and i wasn't thinking clearly! Why would i lie, anyway?" Matapang na tanong ko sa kanya
Tumango naman siya na parang prinoprocess ang sinasabi ko.
"Sorry, but that man is my friend ma'am, a very closed friend of mine. So if this is really a important matter, then i can take you to him if you want to?" He said, at ni hindi man lang ngumiti ng sabihin niya iyon.
Lalo naman akong kinabahan sa sinabi niya. Am i ready to face that asshole who impregnated me? seriously im not, and i cant afford to lose the father of my baby. Call me a selfish but im only doing this for my child, my child has a right. And hes not going to abandoned my child, i did promise to my baby.
"Yes please, because i want to face that asshole right now!" Mariing sabi ko sa kaibigan ng anak ko.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Baby
Romance| COMPLETED | ▪ Si Charis Ava Lopez ay isang babaeng nagmahal ng sobra sobra sa isang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang huli ngunit siya ay niloko lamang nito ng paulit ulit. At dahil sa isang maling gabi na akala niya ay malilimutan ni...