Chapter 14

2.8K 48 0
                                    

My gem

Nakatulala ako habang kumakain hindi ko namalayang kasama ko ang dalawang baklang kaibigan ko. Nakalimutan ko ata ang presensiya nila sa harap ko sa sobrang pagiisip ko. I have my doubt, so many doubts, not just for myself also sa mga taong nakapaligid sakin. Why am i being so paranoid lately? is this part of my pregnancy? kaloka ganto pala pag nagiisip ng bongga nakakapag english ng wala sa oras at wala sa hulog.

"Alam mo Cha nakakamatay ang hindi pag sshare jan!" Panimula ni Neo

Naagaw naman niya ang atensiyon ko. Baka sila pa ang mamatay pag walang impormasiyon!

"Truelala, kanina kapa kaya tulala jan, ano te bangag ka ba o high?!" Asar ni Janine sakin

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kahit kelan talaga di mawawala ang pambbwisit ng dalawang to. Well, pinagkakatiwalaan ko naman sila kahit ganyan sila.

"Eh kasi nagdududa ako kay Ash..."

Totoo nagdududa ako kay Ash sa kinikilos at sinasabi niya. Lately naging super duper concern siya sakin tapos binibigyan ko ng kahulugan yung mga ginagawa niya. Assuming lang ba talaga ako o ano. Tapos dagdag pa yung Khloe na yon!

"Nagdududa? bakit naman, nambababae na agad? napaka malas mo talaga sa love life Cha!" Sabi ni Neo

"Maka malas ka naman eh ikaw nga walang love life!" Bara ni Janine

"Hayup ka talaga Janine, itahimik mo yang pasmado mong bibig!"

Tignan mo tong dalawang to kahit kelan talaga di pwedeng mawala ang away

"No, lately kasi iba na yung pakikitungo niya sakin eh, o baka naman assuming lang ako?"

"Walang masama te kung bibigyan mo yon ng malisya, saka duh bat di niyo bigyan ng chance ang isat isa tutal magkaka baby na kayo ayaw niyo yon happy family na agad!" Aniya ni Janine

Nabuntong hininga naman ako. Gusto ko rin naman bigyan ng chance kaso ayoko naman mauna no! Hindi ako nagmamadali, gusto ko din mag kusa ang lahat.

"S-saka hindi lang naman yon ng inaalala ko"

"Alam mo te dami mong time mag alala ng mag alala, ano naman yon?" Tanong ni Neo

"Naalala niyo yung nabanggit ni Axel yung Khloe?"

"Oh? kapatid daw ni Ash yon diba?" Sabi ni Janine

"Anong issue?" Tanong ni Neo

"Yun na nga, iba kasi yung kutob ko. Kayo ba?" Sabi ko

Hindi naman sa naghihinala ako pero iba kasi yung kutob ko ewan ko ba

"Alam mo te paranoid ka lang, pano kung kapatid niya lang talaga yon" Sabi ni Neo

"Naiisip mo lang yan dahil nagtatago ka din sa kanya, remember yung kay Reth? ano nasabi mo na ba?" Biglang tanong ni Janine

"Remember, ang taong sinungaling galit sa kapwa niya sinungaling" Pagpapaalala ni Neo

Ako sinungaling? natatakot lang ako sabihin kay Ash na inaakala ni Reth na siya tatay dahil baka hindi siya makinig sakin at bigla nalang kaming iwanan

"Hindi pa natatakot kasi ako, hindi ako sinungaling bakla ka!"

"Ganon na din yon, dzuh!" Sagot sakin ni Neo

Di ko nalang siya pinansin pa dahil napapaisip na naman ako. Baka nga napaparanoid lang ako dahil feel ko nagsisinungaling din si Ash sakin. This is bad.
Nung tinanong ko kasi si Ash, he just said its nothing to worry about, it just her sister. Pero sadyang hindi ako napanatag sa sinabi niya dahil ramdam kong may ayaw siyang sabihin kaya hindi ko na pinilit na magtanong dahil baka magalit na naman siya.

Babawi nalang ako sa kaniya ngayon. Bago ako umuwi, Ash texted me na di niya ako masusundo dahil may last meeting pa siya for his new big project. Umokey naman ako dahil aalis ako para mamili para sa lulutuin ko para sa kanya. Dumaan ako ng supermarket saka namili at pumunta sa bahay ni Ash. Nako hindi ako nagsabi na pupunta ako, hindi kaya magalit si Ash? hindi naman siguro.

Pagkapasok ko ng bahay ay binati ko sila manang saka dumiretsyo sa kusina. Masaya daw sila na bumalik ako ngayon dahil hindi na daw kumakain si Ash sa bahay. Nako di nila alam sa bahay ko na nga naninirahan si Ash, doon kumakain doon na rin natutulog. Para saan pa pala ang pag alis ko dito kung sinundan niya lang din ako.

"Naglinis po ata kayo ngayon manang She" Sabi ko habang nakatingin sa pagbabago ng pwesto ng mga gamit

Ngumiti naman si manang she sakin habang nagaayos ng mga boxes na di ko alam san nanggaling

"Ito po kasi ang bilin ni ser Ash" Tipid na sagot ni manang sakin

Nilabas na ni manang She yung mga 2 box ng karton. Ano bang laman non?

"manang ano po ba yung nasa boxes?" tanong ko kay manang Beth sa tabi ko habang nagluluto

"Mga lumang bed sheet po saka mga frame na pinatanggal niya po-"

"frame?" putol ko sa kanya

"O-opo"

Pagka sagot niya ay bigla ko nalang iniwan yung niluluto ko saka sumunod kay manang She sa labas na siyang nagtapon ng mga box. Pag labas ko ay nakasalubong ko na si manang She. Mukang tapos na siya sa pagtapon. Ano ba tong ginagawa ko? bakit ko ba ito ginagawa, why i keep doubting Ash? i- i just want to know him more, parang ang dami ko pang gustong malaman tungkol sa kanya.

Bumalik nalang ako sa loob para balikan ang ginagawa ko saka iniwaksi ang nasa isip ko. Kaya nga ako andito at ginagawa to para bumawi kay Ash diba, dapat panindigan ko yon. Bigla nalang bumukas ang pinto saka nakita kong pumasok na si Ash na hindi na siya nag abala pang lumingon sa gawi ko at saka tuloy tuloy na umakyat. He didn't see me?

Umakyat ako saka naghintay sa labas ng kwarto niya maya maya lang ay naka labas na siya at nakapag palit na siya ng damit mula sa polo kanina. Gulat naman siya at di makapaniwalang makita ako sa harap niya.

"C-cha you're here..."

"Hi. Mukang aalis ka?" Nakangiting bati ko sa kanya

"Yes pupunta sana ako sa bahay mo, but you're here? why? are you okay?" He hold my wrist and look into my eyes

Ngumiti naman ako ng matamis saka tumango

"Ano ka ba, tara na sa baba nagluto ako kaya ako nandito, lets go?" Aya ko sa kanya pababa

Tumango naman siya saka nagpahila sakin sa baba ng hagdan. Pagkarating namin sa kusina eh ready na ang pagkain namin at ginalaw ko ang mga stock wine niya kaya may pa wine din ako! pero syempre siya lang ang mag wwine.

"You did all of this? for what?" Takhang tanong niya

Ngumiti naman ako. Hindi ko naman pwedeng sabihing pambabawi ko to dahil nagdududa ako sa kanya

"I just want to say thank you, thank you sa pag aalaga samin ni baby, i really appreciate it" Nahihiyang sabi ko

Bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa

"You dont need to thank me, i did all of those because i want to, not just because i need to. I told you Cha, you're my home now" Sabi niya "And sorry for being such an asshole before, i dont know why i have this feeling na nagagalit ako pag may kasama kang iba. I tried to controlled this but i cant help to, and sorry but i wont stop this feeling Cha. I'll make you mine and i want us to be exclusive" Aniyang seryoso nakatingin sa mata ko

Nag init ang mga mata ko saka hinawakan din ang kamay niya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Bigla gusto ko nalang sumigaw sa kilig kaso baka magulat siya at maloka sakin

"I want us to be exclusive too, Ash" nakangiti ngunit seryoso ko ding sabi

Hinawakan niya ang muka ko saka hinawi ang takas na buhok sa muka ko. At napunta sa labi ko ang mga mata niya, and before he kiss me

"I love you my gem..." And he kissed me and slightly suck my lower lip.

Napa pikit naman ako sa sensasyong dala sakin non.

"I love you too Ash..."

Ayoko na matapos pa ang gabing to

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon