Chapter 22

3K 54 1
                                    

Ash

"Did he hurt you?"

Napatingin ako kay Reth sa tanong niyang iyon. Yes im with him. Nagpasundo ako sa kanya nang tawagan ko siya. Kanina pa niya ako sinundo pero hindi parin ako nagsasalita sa kanya. I just don't want to talk. Wala akong ibang choice kung di siya. I guess he won't mind this, hindi naman ako magtatagal dito. Kukuha lang ako ng ticket pa cebu at uuwi na ako sa amin.

Pinatay ko ang phone ko dahil nagsisimula na akong tawagan ni Ash. Did he knew? na alam ko na lahat ng kasinungalingan niya?

"No, kelangan ko lang talagang umuwi" i lied

Ayaw ko nang malaman pa ni Reth ang dahilan dahil di rin naman ako magtatagal dito sa kanya.

Im sorry Reth, you dont need to know all of this shit in my life.

"Where's Ash?" he asked

"He's busy" Sabi ko. "Saka kaya ko naman" I faked my smile to him

"Do you want me to go with you?"

Tahimik na tanong niya. Agad naman akong umiling.

"No, kaya ko na Reth and thank you but no thanks dont mind me" Ngumiti ako ng sigurado sa kanya

He sighed. "Alright, make yourself at home i gotta go" he said

Pagkatapos non ay umalis na siya at iniwan nako. Actually this is not Reth's house. Condo niya. Ayaw ko kasing sa bahay niya mismo dahil alam kong hindi magandang tignan kung magsasama kami sa bahay niya. Im her ex and his my ex, ayaw kong iba ang isipin ng ibang tao. Ngayon ko lang din nalaman na meron na palang condo si Reth because he never mentioned this before anyway wala na akong pake this is his life.

I try to call Janine before leaving gusto kong siguraduhing walang kaso akong mahaharap sa kompanya bago umalis.

"Gaga ka! Where are you?? everyone's looking for you bruha ka!"

Bungad sakin ni Janine, inalayo ko nang kaonti ang cellphone ko dahil sa lakas ng bunganga ni Janine sa kabilang linya.

"Im okay, gusto ko lang siguraduhing okay na yung resignation ko sa company, please Janine ikaw na bahala ha? thank you"

Ibababa ko na sana pero nagsalita pa siya uli

"Sagleeeet!! Okay hindi kita pipiliting sabihin i just want to make sure na okay kang bundat ka, nagaalala kasi kami ni Neo!" Mahinang sabi niya "And when i say ever everyone, naloloka na si Ash sa paghahanap sayo!" Dagdag niya

Huminga naman ako ng malalim bago sumagot dahil kumirot ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Ash.

"I'll call you very soon wag na kayong mag alala okay talaga ako promise!" Siguradong sabi ko sa kanya. "And dont mind him sawa nako sa mga manloloko" Galit na sabi ko saka nagpaalam sa kanya sa tawag at pinatay uli ang phone ko.

Galit parin ako sa kasinungalingan niya pero mas lamang na nasasaktan sa nangyari. Diko pa siya kayang harapin at ayoko talaga muna. I don't need explanation dahil mas malinaw pa sa clear ang lahat. Ang tanong ko lamang ay BAKIT. Yun lang.

Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko sa past life ko at bakit ganto ang present ko. Baka sobrang sama ko noon kaya pinaparusahan ako ngayon. Did he planned all of this? kasi ang galing lang dahil umayon lahat sa kanya pero tama nga na walang lihim ang hindi nabubunyag.

Bumili nako ng ticket pa mactan, cebu. This is it. Baka nga eto ang nagaantay saking buhay ang makasama hanggang sa huli ang pamilya ko. And i really want to go home. My home...

Suddenly i remembered Ash. Its fine Cha you dont need any man in your life tama na sagad na yon. Sagad na sa buto yung sakit. Kasi kahit anong try kong ayusin at buohin ang sarili ko may isang taong dadating para sirain ito. Yung taong magpaparandam sayo ng lahat. Pagmamahal, sakit at hirap, as in lahat pero at the end you have nothing to regret kasi ang mahalaga yung naranasanan mo at naramdaman mo sa isang tao.

Hinatid ako ni Reth sa airport at binilinan ng kung ano ano.

"Just call me when you get there ok? You take care Cha" Paalala niya sakin

Ngumiti ako sa kanya saka tumango.

"Thank you so much Reth and yes i will ikaw din magiingat ka" Seryosong sabi ko sa kanya sa nagpaalam na

Katulad nalang ng kay Reth lahat ng nangyari between us ay wala akong pinagsisihan don. I don't blame him anymore for hurting me and i don't blame myself anymore for loving him before. Dahil sumaya at ginusto ko lahat. Hindi ko naman sinasabing ginusto kong lokohin niya ako before pero ngayon ko na realize na ang laki ng lesson sakin non.

So this time is another lesson for me at wala parin akong pagsisisihan. And i still love Ash, maybe because hes my extreme love. Yung pagmamahal na darating at magiging permanente na sa buhay ko.

After an hour nakalapag na ako ng cebu. Hindi ako nagsabi kila mama na uuwi ako tapos ang laki pa ng tiyan ko ngayon. Patay na talaga ako neto, mukang katakot takot na bunganga na naman ang matatanggap ko neto. Dahil nga hindi ako nagsabing uuwi ako tuloy walang sumundo sakin. Bahala ng mapagalitan atleast may pasalubong ako sa kanila...apo hehe.

Nag taxi nalang ako at after 30 minutes ay nakarating nako sa bahay namin. Pagbaba ko ay sumulyap ako harap namin. Anong meron?

May mga bandiritas na nakasabit dito at mga lamesa't upuan na nakalatag. Okay? may birthday bang nakalimutan ko sa araw na ito? sa pagkakaalala ko ay wala.

Pag pasok ko ay busy ang mga tao. Bigla namang bumungad sakin ang nanay kong malawak ang ngiti ng makita ako.

"Anak kamusta! Anlaki laki na ng tiyan mo jusko magkaka apo nako!" Bati niya saakin saka niyakap ako "Halika't kumain kana alam kong napagod ka sa biyahe hindi ka kasi nagpasundo!" Paggagaya niya sakin sa kusina namin

Naguguluhan ako sa inaakto ng nanay at sobrang bait niya ngayon AT ALAM NA NIYANG BUNTIS AKO? PANO??

"Christian ang bagahe ng ate mo dalhin mo!" Utos ni mama sa kapatid ko

Kahit naguguluhan ako ay nagpahila parin ako kay mama sa kusina, at nakita ko naman don ang maraming handa at dahil nasa cebu ka hindi mawawala ang buong lechon!

"Ma anong meron? sinong may birthday? saka nasan si papa?" Sunod sunod na tanong ko

Pagkasabing pagksabi ko ay saka pumasok si papa sa kusina at walang emosyon akong tinignan. Kinabahan naman ako sa paraan ng pag tingin sakin ni papa.

"Andito ka na pala. Bakit hindi mo sinabing buntis ka?" Nakakatakot na tanong sakin ni papa

Ganyan! ganyang ganyan ang iniexpect ko na reaction ni mama at tanong! Pero bakit hindi?

"Sorry pa.." Nakayukong sabi ko kay papa

"Ano ka ba naman lauro! Ang mahalaga magkaka apo kana at biyanan!" Saway ni mama kay papa

Himala ba ito kay mama? Huminga naman ng malalim si papa saka tumango sa akin. Wait ano daw? biyanan?

WHAT?

"Anong biyanan ang sinasabi mo ma?" takhang tanong ko sa kanya

Ngumiti naman siya saka at biglang pumasok si Kuya topher at kasama niya si

"ASH??"

Anong ginagawa niya dito? Omaygod!!

"Bakit mo naman kasi pinaunang pumunta dito ang asawa mo Chacha" Natatawang sabi ni Kuya

Asawa? ASHTON!!!

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon