Chapter 21

2.8K 42 0
                                    

The truth

"So hija, what's your family business?"

Gulat ako sa tanong ng step mother ni Ash na ngayon ay nasa harap ko. Hindi ko kasi akalaing pupunta siya ngayon. Kabadong kabado ako kanina pa. Sa itchura palang ng step mom ni Ash kakabahan kana talaga. Nakaka intimidate pa ng look niya. Wala pa si Ash ngayon dahil nasa opisina pa siya. Kaya wala akong ibang choice kung hindi ang kausapin ang step mom niya.

"Wala po. Both of my parents are teacher po, kaso si papa po retired na..." Mahinang sagot ko sa kanya

Iniexpect ba nila na kasing yaman nila kami? simple lang ang buhay namin. Masyado na rin kaming masaya magkakapatid sa buhay na binigay ng mga magulang namin kaya naman kontento kami roon.

Tumango at napasinghap naman ito saka tumaas ang isang kilay niya. Sumimsim ng juice sabay tingin uli sakin saka ngumiti. Creepy.

"Did you know everything about Ashton?"

Nakangiti niyang tanong.

Si Ash? Tumango lang ako bilang pagsagot sa kanya. Bakit naman niya iyon natanong? Hindi naman na siya nagsalita pa at saka pinagpatuloy ang pagkain. Wala naman siguro akong dapat malaman, diba? Maya maya lang din ay may isang familiar na babae ang pumasok sa bahay.

"Hi mom, am i late?"

Napatayo ako ng makilala kung sino ito. Anong ginagawa ng babaeng ito dito?!

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw kong tanong dahil sa pagkabigla ng makita siya.

Siya! siya yung babaeng kaaway ni Janine at tumulak sakin. Siya ang dahilan bat ako na hospital!

Lumapit siya samin, saka niya ako tinignan ng mabuti.

"Of course this is my fiancé's house, so what? and honey, let me introduce myself first" Naka ngising sabi niya. "Khloe Iris Vergara, Ashton's fiancé, bitch" Pagpapakilala niya sa akin

Khloe? shes Khloe?! What the fvck! Kaharap kona ngayon- ay hindi pala nakaharap ko na pala ang Khloe na ito! Bakit siya? And what? what did she say? did she just called me a bitch?

At saka ano raw fiancé? tama ba ang narinig ko? Fiancé siya ni Ash? pero hindi ba't kapatid siya ni Ash?

"Khloe stop, shes pregnant with Ashton's child" Saway ng step mom ni Ash sa kanya ngunit kalmado at sopistikada parin ang ayos ng muka.

Umarko naman lalo ang galit sa muka ni Khloe dahil sa narinig niya. Hindi ba dapat ako ang magalit?

"Because shes a slut! Nagpabuntis siya kay Ash! Pathetic bitch " Inis na tingin niya sakin.

Slut? ako? hindi ba dapat biktima ako sa lahat ng kalokohang ito? Hindi ko magawang lumaban o maghasik ng galit ngayon sa nga sinasabi ni Khloe sakin ngayon dahil nawawalan ako ng lakas.

Parang nagflashback lahat sakin. Onti onti na akong nalilinawan sa mga nangyari. She said, she is Khloe right? i mean yeah naninigurado lang dahil parang sasabog na ang utak ko ngayon. Everyone said she is Ash's sister, tama ba?

"You're his sister right?" Nauubusang pag asang tanong ko.

Tumingin naman sila sakin na para bang may sinasabi akong nakakatawang bagay. Tumawa si Khloe nang gamit ang nakakalokong tawa saka direkta akong tinignan.

"Maybe? hes my step brother after all but not in the blood and flesh darling" Nakangising sagot niya sakin

What?

"Shes my daughter but not with Orvie" Sagot ni Tita Kaith. Walang bakas na emosyon niya akong tinignan "I thought you know everything about Ash--"

Hindi ko na nakayanan pa lahat ng naririnig ko. Tumalikod ako bigla saka umakyat sa kwarto. Wala na akong pakialam kung ma bastusan man sila sa inasta ko dahil mas bastos na bastos na ako! Lahat sila feeling ko ginago ako!

Taas baba sa paghinga ang aking dibdib at nanginginig ang kalamnan ko. Kaninang pagpipigil ko sa masasakit na luhang tinatago ko ngayon ay bumagsak na. Nilapitan ko ang mga picture frame saka tinignan ito isa isa! Bakit wala dito si Khloe dito?! Hinalughog ko ang mga cabinet sa baba nito saka nakita ang isang frame na magkasama silang dalawa! Walang hiya!

Sa sobrang galit ko naibato ko sa pader ang frame na iyon. At napaupo dahil sa panlulumo at saka bumuhos ang aking mga luha.

Sinungaling ka Ash! Kapatid?! putangina never kong jojowain ang kapatid ko! Oo nga pala hindi naman pala sila totoong magkapatid kaya naman walang masama kung magiging sila. Pero-ang sakit! I feel betrayed for the second time around, at pakiramdam ko mas masakit ito! Bakit?

Andaming pagkakataong tinanong ko siya. Pinagusapan iyon, pero ano? hindi siya nagsabi sa akin ng totoo. He fvcking chose to lied! Sila ni Felix! I asked him too before kung sino si Khloe pero parehas lang sila ni Ash ng sinasabi. Kapatid niya? yeah right.

Im done. Im done with this fvcking lies! He feed me with all his lies! Ang sakit sakit! And one more, fiancé ni Ash si Khloe? so ano ako dito? kabit? ginawa niya akong kabit?! Tangina! Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayon.

I started to packed all my things. Ayaw ko pang maabutan ako ni Ash. Im done! Pagbaba ko wala na ang dalawang bruhang mag nanay. Buti naman dahil baka magdilim ang paningin ko sa isa sa kanila at hindi ko malaman ang gagawin ko. Hila hila ko ang maleta ko. Huminto ako sa harap ng bahay nang maalala ang isang bagay.

He said before na ang mga bulaklak sa bakuran niya ay kay Tita Whitelyn, i know thats a lie! Kung totoong kay Tita Whitelyn yon sana sa bahay palang ni Tita ay punong puno na nang plantings doon, kaso walang kahit anong bakas sa bahay ni Tita na nagkukumpirma dito. Ang kunong sinasabi ni Ash. Si Ash narin mismo ang nagsabing walang amor si Tita sa mga ganong bagay.

Isa isa kong hinaltak ang mga bulaklak! Mga sinungaling! Manloloko!

Teka san ba ako pupunta? Kung uuwi ako sa bahay siguradong pupuntahan lang ako ni Ash doon. At kung isa naman kila Janine at Neo malalaman at malalaman din Ash yon, at ayoko rin silang idamay rito. Wala pa akong matinong desisyon sa ngayon dahil hindi ko pa alam kung tama pa ba ang naiisip ko ngayon.

Isang tao lang ang pwede kong puntahan sa ngayon. Si Reth. Sila mama nalang sana ang gusto kong puntahan ngayon ngunit alam kong hindi ako agad agad makaka uwi sa mga oras na ito. Wala naman sigurong masama kung hihingi ako ng tulong ngayon kay Reth. Wala lang talaga akong mapuntahan. At gabi na baka mapano pa kami ni baby. Hinawakan ko ang aking tiyan, baby im sorry talaga umiiyak na naman si Mommy. Sobrang gago kasi ng Daddy mo eh, wag kang magalala dahil nandito ako hindi kita papabayaan at mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko.

-
Hi, short ud lang po today. Busy lang huhu, bawi po ako. And di'ko alam kung kelan ang next ud, but stay tuned ok? Stay healthy and always wear your facemask, and please stay at home if di naman talaga need lumabas! God bless!

-missglys✨

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon