Chapter 06

3.5K 56 1
                                    

Sorry

Kasalukuyan akong kumakain ng almusal sa bahay ng isang impakto. Maaga ako nagising dahil kelangan kong pumasok ngayong araw, kung hindi wala na akong trabahong babalikan. Hula ko ay tulog pa si Ash dahil ala sais palang n umaga ng magising ako. Nagluto ako ng almusal dahil isa akong mabuting babae na pinalaki ng magulang ko syempre dinamay ko na rin siya sa pagluto ng pagkain para sa may ari ng bahay na to. Nakakahiya naman sa señiorito diba.

Nakaligo narin ako at siniguradong malinis ang kwarto ko bago umalis. Pumayag ako sa gusto niyang mangyari, ipa tests ang baby ko para sa kasiguraduhan niyang siya talaga ang tatay, ano tingin niya sakin, ganon ako kahibang para mag effort na hanapin siya at sabihin siya ang tatay neto wow ha. Kala mo naman siya lang may kakahayang makabuntis, kapal!

Habang kumakain ako ay narinig ko ang mga yabag pababa ng hagdan, at nasisigurado ko nang si Ash yon. Gulat siyang makita akong kumakin sa kusina. Tinignan ko naman siyang umiinom ng tubig.

"Goodmorning, sinabay na kita sa pagluto señiorito Ash" Pilit na ngiting bati ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin at saka sa mga nakahanda sa lamesa

"I dont eat breakfast. And why you too early woman?" Masungit na sagot niya

Arte siya na nga inaaya kumain ayaw pa, sayang namang mga imbak niya sa ref kung di niya gagamitin.

"Then eat now, arte!" Tumayo nako pag tapos ko kumain "Syempre im working duh" Panggagaya ko sa pag eenglish niya

Kinuha ko na ang bag ko saka nagpasyang aalis na. Sinundan naman niya ako ng tingin, na parang di makaniwalang magttrabaho talaga ako. Ano tingin niya sakin tambay? hello kelangan kong mag work para naman kahit papano makabawi ako sa family ko dahil sa ginawa ko sa kanila at saka para maka ipon onti para kay baby, ayoko naman umasa sa isa jan.

Pagkapasok ko sa office ay nakita ko agad sila Janine at Neo na nagcchismisan na sa mga cubicle nila. Umiling naman ako, saka dumiretsyo sa pwesto ko.

"Ano te kamusta naman ang live in together niyo ni daddy Ash?" Biglang tanong ni Neo

Napatingin naman ako sa kanila. Pampabusog talaga nila yang chismisan na yan eh. Bumili lang ako ng milktea saka pang lunch ko.

"Anong live in pinagsasabi mo jan? Tigilan niyo nga ako! May dahilan kung bat doon niya ako pinag is-stay" Pagsasabi ko sa kanila

Sinabi ko kasi sa kanila kagabi na temporary akong nag isstay sa place ni Ash. Biglaan kahapon, ayon gulantang na naman ang mga bakla. Napaka marupokpok ko daw. Napailing nalang ako sa pinagsasabi nila. Kinuwento ko naman sa kanila ang dahilan kung bakit ako magsstay kila Ash.

"Pumayag ka naman? ibig sabihin wala talaga siyang tiwalang sa kanya yan ganon?" Komento ni Janine na ngayo'y kumakain

Tumango naman ako sa kanila. Okay lang naman sakin kahit na medyo na offend ako sa sinabi ni Ash, its really offending right? but i get his point. He just want to make sure na sa kanya talaga to. Kung siguro ako ang nasa sitwasyon niya, i will also do this thing. Alam ko din hindi biro ang responsibilidad na pagiging magulang kaya hindi mo pwedeng ipaako kahit kanino ang ganitong bagay. I feel Ash isn't ready for this responsibility and so as mine. But at first, responsibilidad lang ang nararamdaman ko dito pero unti unti minamahal ko ang baby ko. I see this baby as a blessing in disguise.

Para siguro hindi ako ganon na masaktan? i think. Kasi siguro kung wala to naka focus parin ako sa pananakit na ginawa ni Reth sakin. Its truly a blessing indeed. Everything happens for a reason sabi nga nila. Nang makabalik kami sa office ay biglang nag ring ang phone ko

"Yes hello? who is this?" Sagot ko sa tawag na numero lang ang lumabas

matagal naman bago sumagot ang kabilang linya, ampota ano to nagsasayang ng load?!

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon