Khloe
Tahimik lang ako kanina papunta sa condo ni Janine dahil ewan, bigla nalang akong nawala sa mood. Hindi naman ako binubwisit nung dalawa dahil busy sila. Bago kami makarating sa condo dumaan muna kami ng super market dahil mamimili pa si Janine. Alam niyo buti nalang din hanggang 5pm lang yung work namin kaya may time pa si Janine mag prepare. Andaming tequila na binili ni bakla ano te inom na inom?! sandamakmak ding lemon. Eto pang malupet, sige bili ng mga gagamiting sa putahe si Janine pero ano ako ang pinagluluto ng bruha. Wala naman akong magagawa dahil pag siya ang nagluto disaster ang mangyayari saka birthday sige pagbigyan.
Sino naman kaya ang mga inimbita neto ni Janine at parang ngayon ata siya halugaga eh last year parang centered lang atensiyon niya ay inuman. Ngayon palong palo? nagpatulong naman ako kay bakla Neo na maghiwa ng mga gulay at iba pang kekelanganin dahil si Janine ay busy sa paglilinis at pag aayos ng condo niya. Pagkarating namin kanina hindi namin matawag na condo tong condo niya dahil sa kalat jukso kala ko payatas eh. Kababaeng tao napaka kalat, sabagay di na dapat ako magulat eh bunganga palang ng mga yan eh ang kakalat na.
Nawala sa isip ko si Ash dahil sa ginagawa namin, sa hindi niya pag sipot sakin. Sorry na okay? umasa lang ako dahil nagsabi niya kaninang umaga at akala ko desidido siya dahil seryoso at mapailang ulit niyang bukang bibig na susunduin niya ako. Ano ba Cha? move on na sa nangyari okay, maganda naman ng reason niya eh may meeting pa siya kaya dapat intindihin mo ang engineer na yon.
Mag 7pm narin malapit nako matapos magluto. Tapos ko na lutuin yung pasta na inuutos ng bruhang si Janine tapos mga dalawang ulam. Gumawa din ako ng Nachos para sa sarili ko dahil nag ccraved ako. Andaming cchirya eh.
Maya maya ay may dumating na ilan, kasama na ang mga ilang ka workmates namin. At gulat kami ni Neo ng dumating ang b-boss namin. Omaygad! Iba talaga ang kamandag ng kaibigan namin, im so proud of her haha!! Kinikilig naman si bakla sa gilid ko at may pag hampas pang naganap, kinuha ko naman yung sandok saka aktong hahampasin ko din siya pero syempre joke lang yon kahit gigil nako.
"Sir why dont you sit and eat? diba Janine ano ba asikasuhin mo si Sir!" Sita ko kay Janine
"Nuh, just call me Axel pag wala sa office its fine" Magalang na sabi ni boss este Axel
Ngumiti naman ako ng hilaw saka tumango. Naupo naman kami at si Neo hindi mapalagay dahil gwapong gwapo sa boss namin. Napaka harot! Magkatabi naman si Janine at Axel nang maupo kami at katabi ko naman si Neo na kinikilig at iniinstagram pa yung mga pagkain sa harap namin, siniko ko naman siya para umayos.
"Usapang kasal na ba ituu mehmeh??" Baklang tanong ni Neo sa dalawa
Natawa naman ako sa reaction ni Janine, halatang kinakahiya kaming dalawa
"Hoy bading tumigil ka nga jan jojombagin kita pag na usog tong lovelife ko!"
Lalo naman akong natawa, medyo tumatawa tawa naman si boss este Axel nga diba unli ka ba Cha.
"Maka tawa ka naman jan Cha parang walang ganap ang lovelife ah!" Baling ni Janine sakin sabay na tumawa sila ni bakla
Tumigil naman ako sa pagtawa ng ako na ang puntiryahin ng dalawang gaga. Umiling nalang ako saka tinuloy ang pagkain ko.
Maya maya lang biglang tumayo si Janine at pumunta sa pinto niya napatingin naman kami sa kanya at gulat naman akong makita kung sino ang pinapasok niya.
Si Felix!
Nag ngitian ang dalawa at saka ginaya niya si Felix sa lamesa namin. Nagbubungisngis naman si Neo sa tabi ko halatang kinikilig na naman si bakla at kekerengkeng na naman. Napadako ang tingin sakin ni Felix nginitian ako ng galak, i also smiled to him.
"Sorry i was late, may inasikaso pa ako sa bar bago umalis. Happy birthday, Janine! Advance im sorry haha!" Sabi ni Felix
Natawa naman kami bahagya
"Okay lang atleast pumunta ka, by the way this is Axel my boyfriend at sila Cha and Neo kilala mo na sila diba" Pagpapakilala ni Janine kay Axel at nag shakehands naman ang dalawa
"Of course, hey Cha how are you?" Baling ni Felix sakin
Ngumiti naman ako bago sumagot
"Okay lang, good to see you" Nginitian ko siya
"Wow parang nung nakaraan lang kung bungangaan mo si Felix eh kala mo may world war III, anyare te?!" Tanong ni Neo kay Janine na sinasandukan si Axel
Oo nga nung nakaraan lang halos gigil siya kay Felix ngayon friends na sila? Nakapagtataka
"Ano ka ba syempre naman friendly kaya to!" Ngising sagot ni Janine
"Have we met before? Felix right?" Biglang sabat ni Axel
"Really? I cant remember im sorry man" Natatawang sabi ni Felix
"Sa Rizal, you're with Engr Martinez? am i right?"
Gulat naman akong napatingin sa kanila na naguusap
"Oh! It was you Mr Montero! Pasensiya kana Mr Montero hindi kita namukaan agad"
"Nuh its okay haha, Axel nalang pare" Natatawang sabi ni Axel
Tumayo naman si Janine para kunin ang alak 'nila' oo nila dahil di naman ako pwede uminom, okay lang para naman kay baby to. Humanda talaga sila sakin pag ako nakapanganak, walwal buong barangay talaga! Charot!
"So how was Engr Martinez, is he married now to the girl he was with before?" Biglang tanong ni Axel kay Felix
Napaangat naman ng tingin si Felix sa kanya saka naubo nalang bigla kaya uminom naman siya ng tubig. Si Ash ang tinutukoy ni Axel, i know and i want to know more.
"Of course not, i mean why he would married that girl eh s-sister niya yon" natatawang saad ni Felix
Really?
"Oh im sorry! i thought they were in a relationship romantically haha" Sabay naman silang tumawa
Parang naiilang si Felix nung sinabayan niyang tumawa si Axel, at napatingin naman siya sakin saka mabilis niyang iniwas ang paningin niya. Tumayo ako, at kinuha ang dessert ko sa refrigerator ni Janine, oo gumawa ako ng sariling dessert ko na graham. Tiningnan ko naman ang selpon na hawak ko saka chineck ito, no texts and calls. Naiinis ako sa sarili ko bakit ako umaacting ng ganto kay Ash, whats wrong with me? katulad kanina feel ko nagtampo ako nung hindi niya ako sinundo, kanina kinilig ako nung hinatid niya ako at nag effort siyang magluto ng breakfast for us at nasaksaktan ako pag pinagsasalitaan niya ako ng masama. Whats wrong with me? am i falling to him?
Mag aalsdose na ng napag pasyahan kong umuwi na, sumabay naman si Felix sakin na ume exist na dahil si Neo at Janine ayon bangenge na. Si Axel na daw bahala don sa dalawa kaya panatag na ako ng makaalis kami. Hinatid naman ako ni Felix, at habang nagmamaneho siya hindi ko maiwasan mag tanong
"Felix pwede ko bang malaman kung sino yung tinutukoy ni Axel na kasama ni Ash noon?" Biglang tanong ko
Gulat naman siyang napatingin sakin
"Who? si Khloe? sabi ko kanina, thats her sister, so dont mind what Axel said, why did you asked anyway?" medyo natatawa niyang tanong din
Ngumiti naman ako saka umiling
"I dont know, out of curiosity siguro hindi kasi nagkkwento si Ash tungkol sa family niya"
"Well, hes a bit sensitive to that topic when it comes to his family. I hope you understand" Nagngingiting banggit niya
Tumango naman ako sa kanya saka ngumiti. Alam ko sa sarili ko hindi parin ako kumbinsido sa mga sinabi ni Felix kaya tumahimik nalang ako. Nang mahatid niya ako ay nagpasalamat ako sa kanya. Pagpasok ko sa bahay ay bukas pa ang ilaw sa bandang kusina. Gulat naman akong makita si Ash don na nasa harap ng laptop at saka naka hawak sa tungki ng ilong niya na para bang frustrated siya. Napadako naman ang tingin niya sakin ng mapansin ako.
"Where the fvck have you been Charis?!"
Hes mad
BINABASA MO ANG
The Unwanted Baby
Romance| COMPLETED | ▪ Si Charis Ava Lopez ay isang babaeng nagmahal ng sobra sobra sa isang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang huli ngunit siya ay niloko lamang nito ng paulit ulit. At dahil sa isang maling gabi na akala niya ay malilimutan ni...