Stay
Kanina pa akong mabilis sa paghinga dahil sa inis kay Ash. Pigil na pigil kong maihampas sa kanya ang lamesa sa harap. Pinipigilan ko rin ang sarili ko dahil sa pamilya ko dahil sa kung gaano ka ayos ang pakikitungo nila kay Ash. Ayokong magsabi na naman ng ikakadismaya sa kanila dahil nakikita ko na sa kanila ang saya at galak kahit na hindi ko pa alam kung ano ang ginawa ni Ash sa kanila at bakit ganon nalang siya kadaling tanggapin lalo na si mama! Sa kanila ni papa si mama ang pinakamahirap lambingin dahil laging seryoso at masungit si mama. Ayaw niya ng mali. Ganon! kaya nga sobrang galit niya sakin ng mas piliin kong magtrabaho nalang kaysa mag aral.
Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyari at mukang bumaliktad ang mundo. Iniexpect kong itatakwil na ako ng nanay ko at magmamakaawa ako sa kaniyang tanggapin ako uli sa pamilya. Nang masigurado kong wala ng makakarinig sa sasabihin ko ay tinignan ko ng masama si Ash na ngayon ay nasa harap ko at mukang kalmado pero kanina pa ang paningin niya saking mabibigat.
"Anong ginawa mo sa kanila? Saka bakit ka nandito?!" Mahinang sigaw ko sa kanya
"I did not do anything. You asking why am here? really Cha? You fvckng left" Mariing sabi niya
"Because you fvcking lied! Sa tingin mo aalis ako ng ganon ganon lang na walang dahilan?" Nangingilid na sabi ko. "Alam ko na lahat ng kagaguhan mo kaya wala ng rason para mag stay kapa dito" sabi ko saka iniwaksi sa iba ang paningin.
Hindi naman nagbago ang itsura niya sa sinabi ko.
"Why don't you let me explain? Yes, Khloe is my girlfriend but not anymore when i found out shes tita kaithlyn's daughter. She was my ex and now step sister, nothing more nothing less" Sabi niya "You knew her, you already met her. Shes my dad's wife and we're not in the good terms" Walang emosyong sabi niya at alam kong si ang step mom niya ang sinasabi niya.
Nababasa ko sa muka ni Ash na totoo ang sinasabi niya. Pansin ko ding hindi lang ang step mom niya ang hindi nya kasundo maski ang tunay niyang daddy. Natatakot lang ako uli akong magtiwala agad, hindi ko na kakayanin uli kung mauulit akong gaguhin.
"I need space para magisip Ash, im sorry..."
Naniniwala ako sa kanya pero hindi ko pa kayang palambutin ang pakikitungo ko sa kanya. Nasaktan ako ng sobra. Hindi ako uuwi dito sa Cebu kung hindi ganon ka sakit.
Wait for me Ash, i want you to wait pero diko kayang sabihin sayo ang mga salitang to.
Tumayo ako at saka iniwan siya sa lamesa. Busy parin sila mama kaya hindi nila napansin ang pagpasok ko sa kwarto ko. Nagbihis ako saka nagpahinga. Lumabas ako kinagabihan dahil gusto ni papa na lagi kaming sabay kumaing pamilya, nakasanayan narin. Pag labas ko naghahanda na sila ng hapunan kaya dumiretsyon nako sa lamesa para maupo.
"Nakapag pahinga kana ba, nak?" Ngiting tanong ni mama sakin
Tumango lamang ako bilang pagsagot. Naninibago talaga ako sa nanay ko ngayon hindi ako sanay na ganyan siya. I mean dati ratrat niya saka pagka istrikta sakin, oo sakin lang! Kila kuya hindi naman tanging sakin lang kaya hindi kami gano open sa isat-isa. Ngayon halos sambahin niya ako sa pagaalaga.
"Oh Ash hijo maupo kana sa tabi ni Chacha at kakain na tayo" Aya ni mama kay Ash na ngayon ay kakarating lamang
Nagulat naman ako pero hindi na nagreact dahil nandito sa lamesa lahat ng pamilya ko. Sumunod naman siya saka naupo sa tabi ko. Palihim ko naman siyang tinignan ng masama
"Akala ko umuwi kana? diba sabi ko space?" Palihim kong sabi sa kanya
Tumingin naman siya sakin habang sinasandukan ang plato ko ng pagkain.
Tss, kahit subuan niya pa ako di ako lalambot agad agad!
"I can give you that. Pero gusto ko mag stay dito" Seryosong sabi niya
Napapikit nalang ako sa iritasyong nararamdaman ngayon. Gusto ko siyang sigawan at pauwiin ng Manila at sumama sa Khloe na yon pero dahil nasa harap lang ang pamilya ko sagad sagad na pasensiya ang ginawa ko. Nagpatuloy kami sa pagkain at si mama ay panay tanong, wala namang ginawa si Ash kung hindi sumagot ng sumagot. Minsan ay ako pero nanatili akong tahimik dahil baka hindi ko mapigilan ang inis ko kay Ash.
"Kailan mamanhikan ang pamilya mo rito, hijo?" Biglang tanong ni papa
Napatingin naman ako sa seryosong paningin niya kay Ash. Bigla akong kinabahan.
"Soon as possible po tito, aasikasuhin ko na po iyan" Maayos na sagot ni Ash
Napatingin naman ako sa kanya at kinuotan siya ng noo. Ano bang pinagsasabe niya?
"Papa narin ang itawag mo sakin" Seryosong sabi ni papa saka tumango "Charis, gusto kong dito ka sa cebu manganak" Baling niya sa akin
"Opo pa" Tipid kong sagot
Hindi na ako tumutol sa gusto ni papa dahil gusto ko rin dito manganak at kasama ang pamilya ko.
Inaasaan ko nang sa iisang kwarto kami ni Ash magpapahinga ngayong gabi dahil wala namang alam ang pamilya ko sa anong meron kami ngayon. Saka gusto ni mama na magsama kami kaya wala na akong magagawa pa. Pagka pasok sa kwarto ay hinarap ko kaagad si Ash.
"Anong mapapanhikan ang pinagsasabe mo jan? At ano si Khloe?! Umuwi kana bukas na bukas din!"
Bumuntong hininga naman si Ash saka lumapit sakin.
"I told you i want to stay here. Andito ka kaya dito rin ako. And what about Khloe? i dont care about her! Shes not my fiancé, Cha believe me"
I believe you Ash pero hindi sa babaeng yon. Bumuntong hininga nalang ako. Ayokong ma disappoint na naman sila mama at papa sakin. At gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. Gusto ko nalang pagtuonan ng pansin ang baby ko at ilang bwan nalang ay mahahawakan ko narin siya.
Mahal ko si Ash at hindi na siguro mababago yon lalo na ngayon nalinawan na ako sa nangyari. Ilang beses mang nabali ang tiwalang meron ako sa mga taong mahal ko pero hindi parin maaalis at mababagong mahalaga at mahal ko parin sila. Siguro takot lang ako ngayon na bumigay uli dahil alam kong kay Ash parin ang bagsak ko.
Humiga ako saka tinalikuran si Ash. Pumikit ako saka iniwaksi ang lahat ng nasa isip ko. Naramdaman ko naman si Ash sa tabi ko saka niyakap ako patalikod. Ang mainit na yakap niya ang nagpapakalma sa isip at puso ko. Yakap parin talaga niya ang kelangan ng pagkatao ko.
"Im gonna win your heart back. I am in love with you always Cha, keep that in your mind" He kissed my head
I am in love with you always too Ash.
.....
Hi im back! Happy birthday self!! Ang wish ko this birthday is maging maayos at normal na ang lahat. He will heals our deepest hurt, let's claim it! You guys always take care, please always be healthy! Mahal ko kayo!Happy 500 reads din! Yey, double celebration!
Thank you so much, sana suportahan natin ang bawat isat! ✊🏻❤️-missglys
BINABASA MO ANG
The Unwanted Baby
Romance| COMPLETED | ▪ Si Charis Ava Lopez ay isang babaeng nagmahal ng sobra sobra sa isang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang huli ngunit siya ay niloko lamang nito ng paulit ulit. At dahil sa isang maling gabi na akala niya ay malilimutan ni...