Daddy Ash?
"Are you done bakla?"
"Ready kana ba te?"
Salubong ko sa dalawang chakang kaibigan ko sa pinto. Bumuntong hininga naman ako saka pinatuloy sila sa apartment ko. Kumain na muna kami, syempre ano pa ba ang pamatid uhaw sa kainan? edi syempre malalaang chismisan.
Matapos kasing pumayag ako kahapon na harapin yung tatay ng anak ko ay bigla nalang akong napaurong at sinabing bukas nalang dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Pero totoo namang sumama ang pakiramdam ko, actually araw araw na ata tuwing gigising ako sa umaga halos hindi ko na tantanan ang banyo dahil sa sama ng sikmura ko tuwing umaga.
Pero kahapon kaya ako nag excuse na di muna tutuloy dahil gusto ko pang mag isip isip. Saka iniimagine kung anong eksena ang magaganap sa amin, ano bang gagawin ko pag nakaharap ko siya uli? sasampalin at sasabihin bobo siya dahil ipinutok niya sa loob, ganon ba? haynako, mamaya hindi niya maalala tapos palabasin niyang baliw ako at takas mental na pinaako sa kanya bigla nalang ang anak ko, aba subukan lang niya kundi uubusin ko lahi niya, nagkakalat siya ng lahi tapos di niya aakuhin, leche siya!
Pumikit ako ng mariin saka umiling, nasa sasakyan kami ngayon ng 'kaibigan' ng tatay ng anak ko, syempre di ko pa naman na cconfirm na yun talaga yung lalaking sinasabi neto na nasa cctv no, so di ko muna siya ibibilang na true friend ng tatay ng anak ko, kulet no? walang may pake, sorry na hormones lang.
Lumabas kami sa isang malaking building, halos mabali ata tong leeg ko ng tingalain ko ng tingin ang buong building. Sinabit naman ni Neo ang braso niya sa braso ko para narin alalayan ako. Eme naman neto ni bakla, disable lang ang peg ko? Char! Sweet naman yan si bakla pag may pogi, kilala niyo na kung sino ang tinutukoy ko. Sino pa ba edi syempre yung owner nung club, harot!
He greeted by anyone, kahit sino atang makasalubong namin binabati siya. Diko alam kung saan ba talaga siya bossing eh, sa club o dito sa kompanya. Kinikilig naman tong baklang katabi ko.
"Alam mo napaka hindot mo talaga Neo! Kahit saan te?!" Pataray na komento ni Janine kay Neo sa gilid ko
"Wala kang pake, may bossing kana ako naman hhunting ngayon, punyeta ka!" Inismiran ni Neo naman si Janine
Haharot ng mga gagang to. Parang speaker yung mga bunganga. Biruin mo nagigitnaan pa nila akong nagaaway na parang aso't pusa.
"Ehem excuse me Charis, pwede bang hintayin nalang nila tayo dito sa labas?" Tanong ni Felix sakin, napa tingin naman ako sa kanya
"A-anong kayo lang papasok?? pano naman namin raratratin yung kaibigan mong bobo?!" Taklesang sabi ni Janine
"Yah i agreed, i like you but i hate your friend, beytch!" Mataray namang sabi ni Neo
Tinignan naman ako ni Felix na parang sinabing 'I told yah' okay, i get it. Papakalmahin ko lang muna tong mga tigreng kasama ko, at ako mismo raratrat sa lalaking yon!
"Mga bakla kaya ko na to, bali sisigaw nalang ako pag need ko ng back up" Ngiting sabi ko sa kanila, dancer ba ko o singer?! seriously back up?!
Pumayag din naman sila sa huli kahit umaangal pa. Actually kanina pa ako kinakabahan dito pero nawawala lang sa twing titignan ko yung dalawang baklang nagaaway lagi sa harap ko. Ginaya naman ako ni Felix papasok sa office na pinuntahan namin ngayon.
"What is this all about, Felix? I have my urgent meeting in a few minutes" Rinig kong sabi ng isang PAMILYAR NA PAMILYAR NA BOSES SA TENGA KO.
Di pa man kami totallyng nakakapasok ay nagsalita agad siya, umubo muna si Felix saka nauna saking pumasok at hinarap yung lalaki
"Man, this is Charis. She wants to talk to you dahil daw don sa ninakaw mo sa kanya? She talked to me in my club and she said may ninakaw ka daw sa kanya?" Kinakabahan akong nakatingin kaya Felix ng sabihin niya ang mga katagang yon
Tangina, Charis eto na eto na! Kumunot naman ang noo nung lalaking gago, at tinignan ako ng maangas
"What the hell are you talking about lady?!" He shout at me ng makalapit siya sakin, agad ko naman siyang sinampal sa pisnge, bastos!
"Hoy lalaki wag mo ko sisigawan dahil ikaw ang may kasalanan sakin!" Inis na sabi ko sa kanya
Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Felix para awatin pero inalis ko lang ang mga kamay niya.
"Hey Charis calm down, please dont make any scenes here..." Bulong ni Felix sakin habang hawak hawak ang kamay ko
"Why the hell did you brought that kind of a woman here in my office, Felix?! And you lady, what are you talking about, and you even slapped me, really?!" Sigaw uli nung lalaki sa amin
Napaka bastos naman pala ng tatay mo anak, pati kaibigan niya sinisigawan siya, tignan natin mamaya pag nalaman mo na buntis ako at magmatapang ka pang leche ka!
"Ash man calm down, let her talk" Mahinang sabi ni Felix dahilan para pare pareho kaming kumalma
Tinignan ko ng masama yung lalaki. Ash pala ah? mamaya gagawin kitang abo antay ka lang.
"Buntis ako gunggong, at ikaw ang gumawa neto!" Sigaw na sabi ko don kay Ash habang naka turo sa tiyan ko.
Saka ko naman nilapag sa lamesa ang mga pregnancy test na ginamit ko saka hinarap siya. Nagsalubong naman ang mga kilay niya na parang pinaprocess yung sinabi ko, lumapit naman sakin si Felix at humarap.
"You mean wala naman talaga siyang ninakaw at kaya mo kinukuha ang details niya sakin dahil nabuntis ka ni Ash?" Tanong ni Felix sakin
Tumingin naman ako sa kanya at dahan dahang tumango.
"Diko maintindihan ang sinasabi mo babae, and i dont even remember that i had sex with you!" Sigaw ni Ash sakin
Ouch, baby please behave, kaya ni mommy ito, gigisingin ko lang sa kahibangan ang tatay mo.
"Eh, tarantado ka pala eh! matapos mong chukchakin ang kaibigan namin nung gabing yon tas ambobo mo hindi ka nag ingat sa semilya mo, tas hindi mo maalalang may nabuntis ka ha?!" Biglang sugod ni Janine sa kanya pero napigilan agad siya ni Felix
Gulat naman ako sa pagpasok nila ni Neo sa opisina. Nakahawak parin ako sa tiyan ko dahil sa pagkirot nito kanina. At mas ikinawindang ko ng hilain ako sa braso ni Ash palabas sa opisina niya, ang sakit ng pagkakahawak niya at kung hindi ako sasabay sa kanya sa paglakad ay makakaladkad na niya ako! Tinulak ko naman siya para mabitawan ako at saka na bounce ang katawan ko sa salamin ng isa pang opisina. Aw, kumirot uli ang tiyan ko dahil don.
"Hayop ka wag mo akong hahawakan, kung ayaw mo sa bata edi wag hindi ka kawalan, pasalamat ka nga at ako mismo ang humanap sayo para sabihing may anak ka!" Sigaw ko sa kanya at naramdamang may tumulong luha sa mata ko
Lalapitan niya sana ako pero sinangga ko lang ang kamay ko
"Im sorry, but how can you be sure na ako nga ang naka sex mo that night?! Ms this is really a big accusation!" Madilim paring sabi niya sakin
Ano ba ang pwede kong pruweba na siya nga yung lalaking yon?? OO TAMA!! BUTI NAALALA KO, YUNG TATTOO SA TAGILIRAN NIYA!
"Owyn! Tama! May tattoo kang ganyan sa tagiliran mo diba??" Tanong ko sa kanya at natahimik naman siya kaya lalo akong nawalan ng pagasa "Ash, kung ayaw mong maniwalang sayo to, pwes hindi kita pipilitin at wala akong pake" Galit na sabi ko sa kanya saka nilampasan siya at umalis nalang
Hindi ko na kaya, baka kung anong mangyari sakin don kung mananatili ako don saka mas mabuting mauna nakong lumabas dahil gigil na gigil nako sa Ash na yon! Pupulbusin ko talaga siya maghintay lang siya! Tinawagan ko naman si Neo para bumaba na dahil lalo lang sumasakit ang ulo ko at nahihilo nako. Im sorry baby kung pati ikaw na iistress dahil dito. Bigla nalang nagdilim ang paningin ko habang nakahawak ako sa tiyan ko at tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Baby
Romance| COMPLETED | ▪ Si Charis Ava Lopez ay isang babaeng nagmahal ng sobra sobra sa isang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang huli ngunit siya ay niloko lamang nito ng paulit ulit. At dahil sa isang maling gabi na akala niya ay malilimutan ni...