End?
Magaan ang pagising ko sa hindi ko malamang dahilan. Wala si Ash ng magising ako, diko alam kung nasaan siya. Pano kung sinunod nga niya ako at umuwi na siya ng Manila at sumama na kay Khloe? Haynako Charis wala ka talaga sa hulog kahit kailan. Edi bahala siya sa buhay niya. Nanikip tuloy ang dibdib ko ng lumabas ng kwarto dahil sa naiisip ko. Bumungad si papa sakin na ngayon ay nagkakape. Lumapit ako saka nagmano sa kanya. Tinignan ko ang paligid tahimik at maaliwalas. Nasan kaya sila mama?
"Pa, nasan po sila?" Takhang tanong ko
Tumingin siya sa akin bahagya
"Namalengke ang mama mo, ang kuya mo hindi ko alam. Kumain kana jan" Simpleng sagot niya saka binalik ang sarili sa pagbabasa ng paborito niyang diyaryo.
Tumango naman ako. Si Ash kaya? nahihiya naman akong magtanong uli kay papa dahil mukang abala na uli ito sa pagbabasa. Kumain nalang ako ng may katanungan sa aking isipan. I check my phone, baka sakaling may text or calls si Ash. Bigo ko namang ito binaba uli dahil wala siyang bakas. Baka naman kasama nila kuya? baka nga wal rin si Christian dito eh.
Tanghali ng bumalik si mama saka naman sumunod si kuya Christoper saka Christian. Pero walang bakas ng Ashton ang bumalik. I tried to call him and text pero dedma. Where's is he?
"Charis, pinapapunta ka pala ng ninang mo ngayon dahil birthday niya, nasabi kong nandito ka." Biglang sabi ni mama
Gulat naman akong napatingin sa kanya. Kanina pa siya nagsasalita pero ngayon lang napunta sa kanya ang atensiyon ko dahil kanina pako sa pagkakalikot ng phone ko to contact Ash. Si ninang Celia? hindi ko matandaan na birthday niya pero dahil si mama ang nagsabi napatango nalang ako bilang pagpayag kahit diko sure na birthday nga niya talaga.
Nagbihis ako ng lutang saka sumama kila mama. Kanina pako paulit ulit ng tingin sa phone ko pero wala paring akong natatanggap na kahit na ano kay Ash.
"Okay kalang ate?" Biglang tanong Christian sakin gamit ang aming salita
Tumingin naman ako sa kanya saka pilit na ngumiti at tumango.
Nang makarating kami ay kaonti lamang ang tao, siguro naimbitahan lang kami dahil nabalitaan ni ninang na nandito ako. Sinalubong kami ni ninang at ninong saka niyakap si ninang pagkakita ko.
"Nako! Magkaka apo narin ako!" Masayang sabi ninang saka hinawakan pa ang tiyan ko
Napangiti naman ako kay ninang saka iginaya kami papasok at naupo sa sala. Nang biglang tumunog ang selpon ko dahil sa text ni Ash.
From: Ash
I want to end this...Napaanga ako ng bahagya dahil sa nabasa. W-wait what is he talking about? Teka lang. I tried to call him, nag rring lang hindi niya sinasagot and at kinakabahan nako, why Cha? di ba eto yung gusto ko? i should be happy sa desisyon ni Ash b-but hindi yon ang nararamdaman ko! I feel scared, im scared to the idea of losing him. No.
I try to call him again, and now he answered my call!!
"Ash!"
"Did you received my text to you?"
Tanong niya bigla gamit ang malamig na tonoTumingin ako sa paligid at nakikita kong busy sila mama sa lamesa kaya lumayo muna ako papuntang pinto dahil baka marinig nila ako.
"A-ano ba yon Ash? nasan ka??" Kabang tanong ko
"Answer my question"
Kinabahan ako lalo. Seryosoba siya don? nagtubig at naginit agad ang mga mata ko.
"Oo, b-bakit? you liar you said you love me!" Naiiyak kong sabi
"I said i want to end this ..." Walang emosyong sabi niya
Nanginginig ang kamay ko, i want to burts out into tears.
"Cuz i want to start again..with you and our baby, and i want you to continue being the absolute best part of my life..."
Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Ash sa likod ko. Pagka harap ko ay nasa likod ko silang lahat at nasa harap ko si Ash may hawak ng isang bouquet ng white roses, how did he knew na white roses ang favorite ko? Lalo akong nahula!
"I..i hate you akala ko iiwan muna kami!" Naiiyak kong sabi sa kanya ng iabot niya ang bulaklak sakin
Kumunot ang noo niya saka ngumiti rin sakin at hinalikan ang noo ko.
"The real reason why i came here in Cebu is because gusto kong maayos na ipaalam sa kanina at makilala ang family mo Cha" Nakangiting sabi niya "At nagpaalam nakong papakasalan na kita"
Bigla siyang lumuhod sa tapat ko saka inilabas ang maliit na box galing sa bulsa niya at may biglang tumugtog na musika na pamilyar na saakin.
Looks like we made it
Look how far we've come, my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday
They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together, still going strongYou're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
(You're still the one)
You're still the one that I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss goodnight"You'll always be the one i love Cha.." inopen niya ang box na maliit na naglalaman nang magandang singsing.
Nakita kong naluha na si mama at saka hinaplos siya ng nakangiti kong papa at tinignan ako na parang binibigyan na niya ako ng permiso sa bagay na ito.
"Will you allow me to be you're the one?"
Cha he's proposing! Im sorry mahal ko talaga siya at kahit anong maging balakid wala nang mababago don.
"Yes Ash, oo!!" Sagot ko
Maluha luha niyang nilagay sa daliri ko ang sing sing saka niyakap ako ng mahigpit.
"I love you Charis..you'll always be my gem"
________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
The Unwanted Baby
Romance| COMPLETED | ▪ Si Charis Ava Lopez ay isang babaeng nagmahal ng sobra sobra sa isang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang huli ngunit siya ay niloko lamang nito ng paulit ulit. At dahil sa isang maling gabi na akala niya ay malilimutan ni...