Chapter 17

2.7K 42 1
                                    

Negative

"Huy, okay kana ba talaga? dapat hindi kana muna pumasok Cha" Nagaalalang sabi ni Neo sakin

"Oo nga te, ako naman ang magsasabi kay Axel" Dagdag ni Janine sa tabi ko

Pumasok na kasi ako kahit medyo masama pa ang pakiramdam ko, feel ko kasi lalong sumasama ang pakiramdam ko kapag nag bababad ako ng husto sa pagmumukmok sa bahay. Saka araw araw ko lang makikita ang pagmumuka ni Reth na laging pumupunta sa bahay. Wala naman siyang mapapala sakin dahil paulit ulit ko lang siyang pagtatabuyin. Wala akong panahon sa kanya. Ang sabi ko sa kanya mag kita nalang kami sa araw ng magpa pa-test kami pareho. Dahil need siya don para sa process na gagawin.

Umiling ako at ngumiti ng hilaw sa kanila.

"Okay nako, saka nab-bored nako sa bahay no!" Pang eechos ko sa kanilang dalawa.

Si Ash kaya? I miss him, i wish he missed me too right now. Hopia lang. No calls ang texts walang paramdam. Daig ko pang ghinost ng nakalandian ko. Wala na talaga siguro siyang paki saakin, saamin ni baby. Naniwala siya ng ganon ganon lang? Nakakasakit talaga ng pusong isipin na wala siyang tiwala sakin o sa mga sinabi ko sa kanya. And im scared to face him thats why hindi ko siya mapuntahan para makausap.

Dumaan ako sa mall bago umuwi. Hindi na ako nakapag pasama kila Janine at Neo dahil mukang may kanya kanya silang lakad ngayon. Wala naman talaga akong gagawin dito o bibilhin sadyang nagkusa lang mapunta ang mga paa ko. Habang naglalakad ay nakarating ako sa baby store. At tinitignan ang mga ibat ibang gamit ng baby. Hinawakan ko ang isang damit ng pang baby at panglalaki ito. Habang hinawakan ko ito ay hindi ko mapagilang ngumiti ng malungkot. Babae o lalaki kaya si Baby? hmm kahit ano pa man ang maging kasarian niya ay maayos lang saakin basta healthy.

"You're having a baby boy?" Biglang salita ng isang babae sa tabi ko

Nilingon ko siya at naka ngiti siya ng matamis sa akin. Siguro nasa mga late 40's na siya pero hindi halata sa itsura niya dahil mapustura parin at lumalabas parin ang kagandahan at hindi malabong maganda siya nung kabataan niya. Ngumiti naman ako ng pilit saka umiling.

"Hindi ko pa po alam eh" Nag aalangan na sabi ko.

Lumapit naman siya sakin saka dinampot din ang damit na hawak ko.

"I think its a boy, you should buy this" Komento niya saka binigay sakin ang damit ng baby

Umiling naman ako saka ngumiti

"Saka na po siguro pag sure na po ako" Sagot ko sa kanya

"No i insist, I'll buy this. You know i got pregnant when i was 19, and im young at that time at walang alam sa bagay bagay na ito, mag isa pa ako non dahil walang bayag ang ama niya" Biglang kwento niya sakin, nabigla naman ako pero hindi ko ito pinahalata.

"Hindi niya po kayo pinanindigan?" Kuryoso kong tanong

"Not really, at first akala niya hindi sa kanya ang bata kaya ayaw niya tanggapin, pero nung lumabas ang bata at nakita niyang para silang pinagbiyak na mansanas don niya palang pinanindigan maging ama sa anak niya" tuloy na kwento niya

Bigla ko namang naalala si Ash. Hindi naman siguro niya samin gagawin yon lalo na't papatunayang kong hindi totoo ang mga sinasabi ni Reth. Nalungkot ako isiping aayawan ni Ash ang baby namin.

"How about you maam?" Tanong ko sa kanya

"What about me?"

Nailang naman ako itanong "Did you two end up together?" Tanong ko

Ngumiti naman siya ng matamis matapos kong itanong yon, siguro sila parin hanggang ngayon.

"Unfortunately no... we separated and we're both happy now. May mga bagay talaga na hindi mo mapipilit at hindi naka tadhanang mangyari. You still have a time, fix it before its too late" Makahulugang sabi niya saka ngumiti

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon