My endgame
Hindi ko man lang nakausap ng matino si Reth kanina bago siya umalis. Atleast everything is okay between us now, nagkapatawaran narin kami. Ang sarap lang sa pakiramdam na wala ng mabigat sa kalooban mo o wala ng kahit anong puot at tampo ang puso mo. No regrets, lahat kasi ng nangyari may reason at may lesson. Oo masakit, sobrang sakit pero hindi naman hanggang dulo puro sakit ang mararamdaman mo. Heartbreak is a part of life.
Reth is a big part of who and where i was right now. And i pray for his genuinely happiness too.
Habang nasa taxi ako iniisip ko kung saan ko ba pupuntahan si Ash ngayon. Sa office kaya niya or sa bahay niya? And how will i say to Ash na nandito na ang result and he is the real father of my child. He will believe me? Mahal niya pa kaya ako? Ang dami kong tanong at doubts pero ngayon im ready to take risk. Habang nasa byahe ako papunta sa office ni Ash ay bigla nalang nag ring ang phone ko, dali dali ko namang tinignan kung sino ang tumatawag sakin. Si Felix?
Akala ko si Ash...
"Hello Felix?" Pagsagot ko sa tawag
"Hey Cha, do you know where is Ash right now?" tanong niya
Seryoso ba siya sa tanong niya?
"Seriously Felix? hindi ko alam, bakit?" Hindi ko alam kung engot ba to si Felix minsan eh
Alam ko namang alam niya ang nangyari tapos sakin niya hahanapin si Ash? At nasan ba si Ash at bakit niya hinahanap aber.
"Tito Orvie is looking for him, im sorry Cha i know what happened it just baka alam mo lang" Paliwanag niya, naintindahan ko naman
"Tito Orvie who?" Tanong ko
Sino naman yon?
"Oh! Daddy ni Ash. Call me if alam mo na kung nasan si Ash, Cha ah? Can you?"
Daddy ni Ash? Hindi naman sa gulat na gulat pero hindi ko kasi kilala ang daddy o mommy ni Ash, wala man lang akong idea.
"S-sige sure, sabihan mo din ako. Bye" Saka binaba ang phone ko
Bakit naman kaya siya hinahanap ng dad niya? Pagbaba ko ay dirediretsyo ako sa office pero pag dating ko don ay wala akong Ash na nadatnan. Where is he? Palabas na sana ako ng pumasok ang secretary niya, kilala ko ito dahil namukaan ko.
"Good Afternoon Ma'am Charis" Pagbati niya sakin saka nginitian ako
Ngumiti naman ako at tumango sa kanya saka binati din siya
"Jenny, nasaan ang Sir Ash mo?" Maayos tanong ko sa kanya
"Ah Ma'am, kaninang mga 9am pa po siya umalis, he just said may aasikasuhin daw po siya" Sabi niya
Nagpasalamat naman ako saka lumabas narin, sinabihan ko siyang kapag bumalik o dumaan uli ang Sir niyang nawawala ay tawagan ako. Hindi kaya nasa bahay niya siya? pero kilala ko si Ash hindi pala tambay sa bahay niya yon, naglalagi lang sa bahay niya yon kung uuwi ng bahay para matulog at magpalit ng damit. Pero wala namang masama kung susubukan kong tignan siya roon.
Nagtungo naman ako sa bahay niya at pagdating ko don ay tanging sila manang lang ang nadatnan ko, tama nga ang hula ko. Tinanong ko sila manang kung dumaan ba rito si Ash.
"Hindi po, maaga po siyang umalis Mam, mga 6am pa po" Sagot ni Manang Beth
Tumango naman ako at nagpasalamat sa kanila. Lumabas nako ng bahay at hindi ko alam kung saan ang susunod kong pupuntahan. I tried to call him many times but his line is not available at the moment. It seems naka patay ang phone niya. Naguumpisa na akong mag alala. Nasan ba siya? hindi kaya sa sobrang galit niya sakin iniwan na niya talaga ako? ang sakit isipin.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Baby
Romance| COMPLETED | ▪ Si Charis Ava Lopez ay isang babaeng nagmahal ng sobra sobra sa isang lalaking akala niya ay mamahalin siya hanggang huli ngunit siya ay niloko lamang nito ng paulit ulit. At dahil sa isang maling gabi na akala niya ay malilimutan ni...