Chapter 09

3.1K 60 0
                                    

Good mood?

Mugto mugto akong gumising dahil papasok pa ako. Sa opisina nalang siguro ako mag aalmusal tutal ayoko naman makaharap si Ash ngayon dahil nanggigil ako sa kanya. Hindi ko parin makalimutan yung mga sinabi niya kagabi, dati rati naman wala lang sakin ang ganong salita kay Reth pero ewan ko ba sobrang na apektuhan ako sa sinabi ni Ash. Ganto siguro ata pag buntis super sensitive?

Nag asikaso ako saka nag ayos ng kaonti para naman hindi halatang galing ako sa iyak kagabi. Naglagay ako ng onting concealer sa under eye ko saka naglagay ng blus on at liptint lang.

Pag labas ko ng kwarto naamoy kong may pagkain na, mukang nagluluto ata sila manang para sa amo nilang magaspang ang ugali. Umismid naman ako saka tuloy tuloy na bumaba. Pipihitin ko na sana ang pinto ng tinawag ako ng toyo boy, pag lingon ko sa kanya naka apron pa siya habang naka tupi naman ang kanyang dark blue long sleeve hanggang siko niya.

"Good morning, lets have some breakfast before you go" Naka ngiting aya niya sakin

Totoo ba tong nakikita ko naka ngiti ang may toyong tulad ni Ash? sinong santo naman ang sumanib dito at umagang umaga naka ngiti na. At akala niya nakakalimutan ko na yung kagabi? aba kahit ubod ng gwapo yung ngiti niya ngayon hindi parin ako magpapadala jan!

"Sa office nalang ako kakain, i have to go" Malamig na sabi ko at saka tinalikuran siya pero hindi pa ako nakaka hakbang ay hinawakan na niya ang isang braso ko

"I-im sorry for being an asshole last night, i didn't mean it..." Seryosong sabi niya sakin habang naka tingin pa sa mga mata ko "I cooked...for you Cha"

Abot abot naman ang kaba ko ng dahan dahan niyang inalis ang kamay niya sa braso ko, hindi ako kinakabahan sa sinabi niya kung hindi sa sobrang lapit niya sakin ngayon. Nagluto daw siya pero amoy ng perfume niya ang nalalanghap ko. Sinabi ko lang naman kanina na hindi ko nakakalimutan ang sinabi niya pero hindi ko sinabing hindi ko siya papansin right? hehe. Minsan lang sa isang tulad ni Ash ang ngumiti at mag sorry, should i celebrate it?

Tumango naman ako kanya bilang pagpayag saka ngumiti siya ng matamis at ginaya ako sa lamesa. Hindi ko manguya ng mabuti yung kinakain ko dahil sa mga titig ni Ash sakin, bawat susubo siya ay titingin siya sakin.

"Are you done? ihahatid na kita and i might fetch you later" Sabi niya

Tuluyan nakong naubo, dali naman niyang kinuha ang tubig na nasa tabi ko saka inabot sakin. Jusko ano ba tong nangyayari kay Ash. Tumingin ako sa kanya saka biglang humawak sa noo niya at leeg.

"What are you doing?"

Kinapa ko ito, at kinumpara sa temperatura ko. Clear naman, wala siyang sakit. Pero muka siyang kinukumbolsiyon sa pinag gagawa niya ngayong umaga.

"Silly, im not sick okay? let's go" Hinawakan niya ako sa pamulsuhan ko

Habang nagddrive siya hindi ko maiwasang maisip bakit ganto si Ash today, mukang napaka sarap ng tulog ni baliw samantalang ako mugto mugto parin ang mata hanggang ngayon. Ano naman kayang tawag sa mga gantong ginagawa ni Ash, sulsol? peace offering? sumusulyap sulyap din ako sa kanya at seryoso naman siyang nagmamaneho. Enjoyin ko na to dahil maya maya lang din mag ttransform na naman sa magaspang na ugali yan si Ash. Nagpasalamat naman ako sa kanya ng makababa ako at saka pinaalalahanang susunduin din niya daw ako mamaya. Tanging tango lang ang binigay ko dahil sa kaba.

Pagkadating ko sa office sinalubong agad ako ng dalawang bruha na ngingisi ngisi malamang nakita nila akong hinatid ni Ash dito sa office. Intriga na naman ang dalawang bading. Tinaasan ko lang sila ng kilay saka nginitian at pumunta sa cubicle ko. Lunch break ng maunat akong tumayo sa upuan ko, ay nako parang mababali na tong balakang ko kakaupo dito. Hinimas ko naman ang umbok sa tiyan ko saka napangiti.

The Unwanted BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon