CHAPTER 24

23 10 16
                                    

The Bali trip was a blast. We stayed there for a week yet it feels like we only explored a fraction of the island. So many things left to do but we didn't have much time.

We went to a chocolate museum, ate a lot of seafood, water rafting and hiking—only to find a marvelous waterfall. Totoo 'yung sinasabi nilang, 'time flies when you're having fun'. Kung pwede nga lang manatili nang mas matagal. Dahil sa pag-amin ko sa sarili ko mas na-enjoy ko ang time ko kasama si Joshua. Parang biglang naging magaan ang lahat sa pagitan namin. Siguro dahil sinusubukan ko nang alisin 'yung inis ko sa kanya kaya ganon. 

"Alexandraaa!!!!!"

Andrea came into my view, looking red as a tomato. She's not blushing but she looks angry. "What happened?" I asked. Ngunit bago pa ako masagot nito ay isang tumatawang Joshua na ang nakikita kong naglalakad papalapit sa amin. 

"'Yan!" Sabay turo niya kay Joshua na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. "Ang gagong 'yan ay binato ako ng ahas!" galit na sigaw nito.

Teka...Ahas? Bakit may ahas?

Napatingin naman ako kay Joshua. "What? It's just a prank and it's a rubber snake." Pag-depensa niya habang pinapakita sa' kin ang laruan na hawak.

"Well, how was I supposed to know!?" reklamo ni Andrea na namumula pa rin dahil sa inis. "Ugh! Walang hiya ka talaga! Umalis ka nga rito bago pa kita mapatay."

Joshua's laughter hasn't died down just yet. I somehow find the both of them silly but amusing. Ever since we came back from vacation, Joshua has been following me like how a dog follows its master. Minsan okay kasi convenient para sa' kin sa tuwing gagala ako, alam niyo 'yun— alalay. However, most of the time its annoying. Napaka-kontrabida niya kasi. At ito, sa tuwing magkikita sila ng pinsan ko sobrang gulo nila na akala mo mga bata. Lahat nga raw nang paghanga na meron siya kay Lopez at first meeting ay naglaho na at  napalitan na ng purong pagkaasar.

Sumasakit ulo ko sa kanila. Minsan nga napapaisip na lang ako na what if sila nalang kaya. Tutal bagay naman sila, isang pikon at isang prankster.

"Hey..." Pagkuha ko sa atensyon ni Joshua. "Anong ginagawa mo dito?" 

Bigla namang nagliwanag ang mukha nito na parang may naalala at mabilis na lumapit sa akin. "Wala naman... tatambay lang," sabi pa niya sabay beautiful eyes na parang nagpapa-cute.

"Wala ka bang bahay, ha!?" pagsabat naman ni Andrea na nakalapit na rin pala sa amin habang may hawak na throw pillow.

"Meron marami, gusto mo bigyan kita?" At nagsimula na ulit sila sa kanilang pagbabangayan. Naku naman!

"Alam n' yo bagay kayo," I said out of the blue. 

"NO WAY!" sabay nilang sabi. Tignan mo na pati sa pagsagot in-sync. 

Agad namang kumapit si Joshua sa braso ko na akala mo ay koala. "Loyal ako sayo, love..." pagpapa-cute niya ulit  "... at saka, ayaw ko sa dragon mong pinsan," he whispered.

"Eh bakit ako, akala mo gusto kita? Hindi no! And ang kapal mo naman para tawaging love si Akex eh hindi naman kayo. Label muna boi bago callsign!" Natawa nalang ako sa reaksyon ni Andrea. Kung maka asta para namang 'di naging crush si Joshua noon. Naramdaman ko rin naman ang pagluwag ng kapit Joshua sa akin. Oo, sinabi ko na sa sarili ko nagbibigyan ko ng chance kung ano man ang sitwasyon namin ngayon pero sa kanya, hindi ko pa masabi.

"You know what, tara sa kusina at  nagugutom ako," sabi ko nalang.

Nakaupo kaming tatlo sa  mga kitchen stool sa tapat ng counter habang kumakain ng cookies. Kung titignan para lang kaming magbabarkada na tahimik na kumakain. Sana nga ganon nalang. 

What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon