TCHM: Prologo

51.1K 717 29
                                    

"Let's end our relationship" Mahinang usal nito na siyang ikinatigil ko.

Hindi makapaniwala na sinalubong ko ang mga mata nito. Pilit kong pinapakalma ang aking dibdib sa mabilis na pagtibok niyon. "What the hell are you saying?" Sinusubukan kong maging kampante kahit ang totoo ay unti-unti na nitong dinudurog ang puso ko.

Blanko ang mga matang tumingin ito sa akin. "I'm tired of our relationship. Hindi ko na kayang manatili pa sayo, h-hindi na ako masaya. I want break-up. Ayoko na,tapusin na natin ito" wika nito na siyang tuluyang dumurog sa akin.

Tumingala ako sa kisame para kumuha ng hangin at pigilan ang mga nagbabadyang luha. Hindi ako makapaniwala sa binibitiwan nitong mga salita. After everything? After fucking 5 years of our relationship?

Pilit kong nilabanan ang emosiyon ko. Pero sa huli ay hindi ko rin napigilan ang isang butil ng luha na siyang kumawala sa aking mata. Damn gay!

"Look, you know what I want--- b-but you can't give it to me" Dagdag nito kasabay ng pagtulo ng mga luha nito.

Bigla akong namanhid sa sinabi nito. Ngayon ay alam ko na kung bakit gusto nitong makipaghiwalay sa akin. Ang buong akala ko ay tanggap ako nito pero sa tingin ko ay isa iyong malaking pagkakamali.

I was fool to believe.   

"So is it because of what doctor told us?" I asked the most stupid question.

Alam ko na ang magiging sagot nito pero nagawa ko pa ring magtanong. Isa nga siguro akong tanga na umasa dito.

Tumingin ito sa mga mata ko kasunod ng dahan-dahan nitong pagtango.
Naramdaman ko ang tuluyang pagkawasak ng mga pangarap ko kasama ito.

I knew it.

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha nito. Gusto ko iyong punasan gamit ang mga daliri ko pero pakiramdam ko ay wala na akong lakas para gawin pa iyon, hindi ko na kaya.

Mapait akong ngumiti, pilit ko itong nginitian kahit pa gustong-gusto ko nang magwala.

Ngumiti ako hanggang sa unti-unti akong nawalan ng pakiramdam.

Pinakatitigan ko ang babaeng mahal ko sa huling pagkakataon. Ang babaeng pinangarap ko na makasama habang buhay pero ngayon ay mawawala na sa akin.

Ayaw ko itong bitiwan pero wala na akong magagawa kung ito na ang bumibitaw sa akin. At hindi ko kayang panatilihin ito sa tabi ko kung malulungkot lang din naman ito sa akin.

"I understand" Sa wakas ay naiusal ko bago naglakad palabas ng silid na iyon. At ngayon ay tanggap ko na na walang mananatili sa akin.


🍂 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon