Chapter 14: New Comrades

82 24 0
                                    

Ayce's POV

May mga makakasama na raw kami sa training na ito. Habang palapit ng palapit ang araw ng labanan.

The Principal picked another 5 students.

We're here on the training room, currently waiting for them.

I wonder who they are.

Nakarinig ako ng grupo na tila papalapit sa kinaroroonan namin.

"Sino kaya yung makakasama natin?" Isang tinig na nagmula sa isang babae...

Sila na ba iyon? Pamilyar ang boses.

"Bago yung ganito ahh, wala naman training na ganito dati." Babae ulit?

Ito ba ang unang beses na mangyari ito?

"Shh, baka naman kakilala natin sila."
Bakit may kagaya siya ng boses?

Pamilyar ang Boses nila..

"Hmm, huwag tayong masyadong magtiwala, mamaya mapahamak pa tayo."
Earthaine?

Hindi kaya...

"Luh? Hindi sila kalaban okay?" Isang tinig ng isang lalaki...

Kami ba ang tinutukoy nila?

"Paano ka nakakasigurado?" Princess Aqua?

Teka parang kilala ko sila.

"I simply trust the Principal." Tinig muli ng isang babae.

Palapit ng palapit ang mga tinig na iyon sa kinaroroonan namin.

"Don't worry baka nga masurprise tayo sa kanila."

"May hindi ba kayo sinasabi sa amin Gravin? Jillian?" Gravin? Jillian? Kapangalan nila ang mga kaibigan namin...

"HAHAHAHA wala, Tara na naghihintay na sila."

Hindi kaya sila ang mga iyon?

"Oo nga, basta ingat parin tayo."

"Sige Ikaw na kumatok,"

May kumatok kaya agad naming tumayo ni Draven, nananahimik parin.

'Ayce, subukan natin ang galing nila. Magtatago tayo sa sulok. I will cast a spell para magbukas ang pinto. Pagpasok nila hayaan natin tapos isasarado ko ang pinto. Hindi natin sigurado kung ano, mag-form ka ng kahit ano, para mahuli natin sila. Tsaka tayo magpapakita sa kanila.'

Isang tinig sa aking isipan... Nilingon ko si Draven at nakitang nakatingin siya sa akin.

Agad kong sinunod ang sinabi ni Draven. Nagtago ako sa isang sulok.

Anong gagawin ko?

Isang bagay lamang ang pumapasok sa isip ko...

Dream High: School of DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon