Chapter 16: Preparation

57 12 0
                                    

Ayce's POV

Mabilis na lumipas ang araw, pangalawamg linggo na kasama naming sila sa pag-eensayo.

Palapit ng palapit ang araw ng paligsahan na iyon kaya naman ginagawa namin ang lahat.

Sa loob ng isang linggo ay wala kamjng ginawa kung hindi mag-ensayo. Nabawasan na rin ang pagpapahinga namin.

Patuloy sa pag-eensayo sila Earthaine, Lhey at Princess Aqua. Kami naman ni Draven ay nakaupo at namamahinga. Katatapos lang kasi namin maglaban gamut ang pisikal na lakas.

Habang sila Jillian at Gravin naman ay tila nagkakatuwaan sa isang tabi.

May kakaiba sa kanila...

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin sa kanila.

Masaya silang nag-uusap...

Hmm. Ibang-iba sila...

Hindi kaya may something?

Nakita ko pang biglang umangat si Jillian sa ere at maya-maya nama'y umangat narin si Gravin.

"Mukhang masaya sila ano?" Napalingon naman ako kay Draven na nakatingin rin pala kila Jillian at Gravin.

"Oo nga, Akala ko nga ako lang nakapansin HAHAHAHA." natatawang sambit ko pa.

"Pag-eensayo pa kaya ang ginagawa nila? Hmm. I wonder what's going on between them." Napapa-iling pang sambit niya kaya naman napatingin muli ako sa dalawa.

"Bakit mo kinontrol ang Gravity huh? Kung may nangyari sakin lagot ka sakin Dracula!"

Kanina lang ay masaya silang magkausap, ngayon naman nag-aaway sila.

"Eh paki mo ba! Panda! Kinontrol mo din naman ang utak ko para mapalutang sarili ko!" Sagot naman ni Gravin kay Jillian.

Tsk. Tsk. Iba rin talaga sila eh.

"Hoy! Kapal naman ng mukha mo! Di naman ako kamukha ni Panda! Grabe teh!"

Para silang aso't pusa.

"Ikaw itong nanguna na asarin akong Dracula baka nakakalimutan mo?!"

Mula dito sa kinatatayuan namin ni Draven ay nakita namin na napatigil narin sa pag-eensayo sila Lhey, Earthaine at Princess Aqua.

"Ehh paki mo, gusto kong tawagin lang Dracula eh! Kamukha mo siya!"

Maya-maya'y makahulugang tumingin kami kila Jillian at Gravin.

"Ayieee." Sabay-sabay naming nabigkas habang nakatingin sa kanila.

"Kayo ahh?" Nang-aasar na sambit naman ni Earthaine.

"Uy! Baka mamaya magkabutihan kayo diyan ah!" Sigaw naman ni Princess Aqua sa kanila.

Napansin naming nakayuko ang dalawa.

"Uy! huwag nga kayong mang-asar diyan. Kamukha ni Dracula yan eh impossibleng magustuhan ko yan!" Sagot namin ni Jillian.

"Ano bang sinasabi niyo? Ako? Magustuhan to? Tch! Impossible. Daig pa niya ang Panda sa laki ng eyebags oh! HAHAHAHAHA!" Natatawang sambit ni Gravin.

"Napaka mo talaga! Dracula!" Naiinis na sagot ni Jillian.

"Kamukha mo naman talaga si Panda!"
Pang-aalaska pa ni Gravin.

Dream High: School of DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon