Ayce's Pov
Minulat ko ang aking mga mata.
Nasaan ako?
Pero puti lamang ang aking nakikita.
Anong nangyare?
Pinilit kong alalahanin ag nangyari ngunit wala akong matandaan.Ang huli ko lamang na naalala ay naglalaban kami ni Draven.
May pasok pa kami. Kailangan kong bumangon at pumasok.
"Kamusta ka na?" Isang pamilyar na Boses.
"Anong nangyare?Nasaktan ba kita?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.Sa halip na sagutin ang tanong niya.
"Napalabas mo ang iyong kapangyarihan. Ngunit masyado yatang napakalakas ng iyong pinalabas kaya Hindi kinaya ng iyong katawan. Tuturuan kitang kontrolin ang kapangyarihan mong iyan. Hindi mo ako nasaktan dahil naiwasan ko ang pagtira mo. Pero sa ngayon mas mabuting magpahinga ka muna.Bukas na bukas ipagpatuloy natin ang training."
Sana makontrol ko na, ayaw kong masaktan ko siya.
"Nasaan ako?"
Sobrang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko.Masyadong magulo.
"Nandito ka sa pribadong kwarto ng paaralan. Isa sa dormitories pero into ay nakatago. Inutos ni Mama na dito ka dalhin dahil paniguradong mag-alala sila at magtataka pag nakita kang nawalan ng Malay. Baka mabuking ang sikreto na task."
Woah, kakaiba talaga ang School na ito. Sobrang daming misteryo ang nakakubli dito.
"Anong klase ng kapangyarihan Ang napalabas ko?"
Sobrang gulo, hindi ko alam kung Ice nga ba ang kapangyarihan ko.
"Sa totoo lang, Hindi ko matukoy ang napalabas mong kapangyarihan. Sobrang lakas nito.Hindi ito pang-ordinaryong kapangyarihan lamang. Pero lahat ng nangyari dapat manahimik ka nalang muna. Wala ka dapat pagsabihan na iba pang estudyante dito sa dream high. Masyadong mapanganib ito."
Kakaiba? Hindi ko alam ang nangyayari sakin. Base sa pinaliwanag nila Lhey at Earthaine ang mga Sirius lang ang maaaring magtaglay ng kakaibang kapangyarihan.
"Paano yun, may pasok tayo?Kailangan natin umattend sapagkat hahanapin nila tayo.Baka mabuking ang sikreto."
"Wag kang mag-alala inayos na ni Mama ang lahat. Simula ngayon hindi na natin kailangang pumasok sa klase. Sinabi niyang kinailangan natin gumawa ng misyon sa normal na mundo. Ang maghanap ng iba pang dreamers na kagaya mo."
"Maniniwala kaya sila? Ang mga gamit ko. Nasa dorm room ko parin."
Pag mabuking kami nila Lhey at Earthaine paniguradong magiging Fail ang task na ito kaya sana naman hindi.
"Wag kang mag-alala bago makabalik sila Lhey at Earthaine sa dorm room niyo nakuha ko na ang gamit mo.At nilipat sa Dormitory na ito."
Paano naman ang gamit niya? Masyadong mapanganib pag nalaman ni Graven ang task namin.Hindi Pwede. Hindi pa oras.
"Ang gamit mo?"
"Nailipat ko na din. Yung tungkol naman sa pagkain natin, ihahatid nalang daw dito ng assistant ni Mama."
Paniguradong mamimiss ko sila Earthaine, Lhey, Princess Aqua, at Jillian. Sila lang kasi ang naging kaibigan ko, Sa totoong Mundo kasi ayaw nila sakin, kasi kakaiba daw ang mata ko. Hindi daw ako ordinaryo tulad nila.
"Wala namang nakakaalam ng lugar na pinagtraining natin.Kaya paniguradong aakalain nila na umalis na tayo sa dream world na ito."
Puno ng misteryo. Dream world. Mundo kung saan natupad ko ang mga pangarap ko. Ang pangarap ko na magkaroon ng powers Simula nang bata pa ako.
Sana imaging successful ang training namin. Para makahanap na din kami ng 5 pa na makakasama namin sa Oras ng tournament.
Kahit na gustuhin ko mang magpahinga, mukhang mas mabuti kung magtraining ako para makontrol ang powers ko. Dahil Isang buwan lamang ang nakalaan sa amin para mapaghandaan ang pamumuno sa 5 pa naming magiging kasama.Kailangan kong maging malakas.
"Tara na ulit mag-training." Pag-aaya ko kay Draven.
"Sabi ko magpahinga ka muna." Sagot naman niya.
"Okay na ako, mas mabuti kung mas maaga madali kong malalaman kung paano makontrol ang kapangyarihan ko."
"Sige, dahil mapilit ka. Tara na" Pagpayag niya.
Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad. Narating namin ang training room.
"Isipin mo kung ano ang ginawa mo kanina, pero kontrolin mo lang, wag mong Masyadong lakasan ang pwersa. Focus ka lang sa bagay na iyon." Tinuro niya ang isang Salamin na tatlong metro ang layo sa amin.
Focus. Ilabas ang kapangyarihan. Wag lakasan.
Tinutok ko ang aking mga kamay sa bagay na iyon at unti-unti iyong lumiliwanag pero hindi gaya ng kanina. Mabagal ito. Unti-unti ko iyong pinakawalan.
Biglang nawasak ang salamin. Ngunit isang Boses mula sa malayo ang aking narinig.
"Paparating na ang Labanan, Naaamoy kong malapit ka lang sa akin. Magtatagumpay ako, Makukuha narin kita sa wakas. HA-HA-HA."
Napalingon ako sa paligid. Inaalam kung saan nagmula ang mga tinig na iyon.
Ako ba ang tinutukoy niya? Bakit Kailangan niya ako? Anong meron sa akin?
"Narinig mo yun?" Pagtatanong ko kay Draven.
"Oo, mukhang may paparating na labanan. Naaamoy ko, Kailangan nating mag-ingat, Lalo ka na. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Pero proprotektahan kita."
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.
Proprotektahan raw niya ako. Hindi ko alam pero tila unti-unting nahuhulog ako sa kaniya Sa hindi malamang dahilan.
"Sa ngayon Masyadong mapanganib kaya kinakailangan na wag tayong lalabas, Lalo na't hindi kinakailangan. Pupunta daw dito si Mama para sagutin ang katanungan natin. Huwag nalang tayo basta magtiwala sa mga nakapaligid sa atin."
"Sige, Mas mabuting bumalik na tayo sa dormitory na tinutulayan natin."
"Mapanganib lumabas, kaya humawak ka sa kamay ko."
"Anong gagawin mo?"
"Basta magtiwala ka lang."
Lumapit ako sa kaniya at hinawalan ang kaniyang mga kamay. Nakaramdam ako ng tila elektrisidad, sa paghawak sa kaniyang mga kamay.
Unti-unti kaming lumiwanag kaya ipinikit ko ang aking mga mata. Nang imulat ko ito, nasa loob na kami ng dormitoryo.
Hindi pala talaga Pagtakbo ng mabilis ang kapangyarihan niya. Teleportation pala ito.
Madaming nangyari ngagong araw na ito. Hindi ko alam kung...
Paano ba ang dapat naming gawin?
Sino ang pakay niya?
Bakit tila isa siyang kaaway?
Dapat ko nga bang malaman kung sino siya?
Kung ako man ang pakay niya, maaaring Kapangyarihan ko ang tinutukoy niya.Isa nga ba akong Sirius?
Parte ba ako ng Royalty?
Kaya ba pamilyar ang mga pangalan nila?Pero alam kong lahat ng katanungan ko ay masasagot sa tamang panahon.
At isa lang ang sigurado.
My power is dangerous.
BINABASA MO ANG
Dream High: School of Dreamers
FantasyA girl who's about to lose her scholarship found a school inside the forest. Many secrets of the magic world will be unveiled. This is the school everyone would wanted to have, a perfect school for the dreamers they say. But what if Ayce already bee...