Chapter 27: The awaited Awarding

30 6 0
                                    

Ayce's Pov

Nagising na lamang ako sa loob ng kwarto na tinutuluyan namin.

Anong nangyari?

Bakit tila may nangyari na hindi ko maalala?

"Gising ka na pala." Lumapit sa akin si Draven.

"Nasaan sila? Among nangyari?"

"Nasa sala lang sila, nagpapahinga, sabi nila nahimatay daw tayo kanina kaya natigil ang laban." Nahimatay?

Pinilit kong alalahanin ngunit lalo lamang sumasakit ang ulo ko.

"Huwag ka mag-alala bukas na ang awarding. Tara sa baba, hinihintay nila tayo."

Bumaba kami at nakita ko pa silang nagkakatuwaan, nagpapalutang lutang ang gamit habang tumatawa sila sa nakikitang pag-aaway nila Jillian at Gravin.

Kahit kailan talaga.. Ang mga ito... tsk.

"Oh ayan na pala ang arch mages natin na mga hindi kinaya, nahimatay tuloy." Napansin kami agad nila Jillian.

"Ano bang nangyari?" Nakakapagtaka talaga.

"Hinawakan niyo lang naman ang flag tapos nakakita kayo ng dragon, ayun nahimatay kayo, buti nga pinatigil ang game, delikado daw kasi mahimatay sa ganun na dimension." Seryosong sagot ni Earthaine.

Dragon? Hindi naman ako takot sa dragon...

"Hay, kumain muna tayo, Ayce magluto ka naman oh, gutom na kasi kami HAHAHAHA."

"Yun lang naman pala ang gusto..." Natatawang sambit ko pa.

"Ako bahala sa dessert." Sambit ni Lhey na biglang nag-invisible at kung saan na naman napunta.

Sinimulan ko na magluto at maya-maya pa at kumain na kami.

Matapos ang pagkain na iyon at nanuod kami ng movies at bang mag alas diyes ng gabi at nagpunta na sa kaniya-kaniyang kwarto.

Someone's Pov

Today is the day. The awaited awarding ceremony.

It has been a week. Namataan ko ang Dreamers sa kanang bahagi ng arena. Nakasuot sila ngayon ng uniform nila habang nakatali ang buhok ng mga babae gamit ang kulay Lila na laso.

Sa kaniya lamang ang kakaiba.
May kung anong nakalagay sa laso niya. Isang star, na tanging Sirius lamang ang dapat mayroon, kami lang din ang makakakita nito. Napatingin naman ako sa misteryosong lalaking nasa likod.

Isang star na kulay itim. Nasa damit niya. Anong ibig sabihin nito?

"May we call on the Queen and King to finally open the awarding ceremony."

Mula sa malayo, kitang kita ko ang nangyayari.

"Hello fellow contestants from the different societies of the magic world. I the Queen, gives you now the permission to finally start the Awaited awarding ceremony for the 1st Royal Fantasias Cup."

Nagsimula bang umingay sa loob ng Arena.

"I the King, is now happy to announce that everyone who participated in this event will be given a token of appreciation from the royalties of the kingdom."

Napalingon ako sa babae kanina. Yung may Sirius badge. Siya na nga ba?
Ikaw na nga ba yan?

Ikinumpas niya ang kamay at isa-isang lumapit ang mga ito sa contestants maliban sa Dreamers.

"Conquerers Congratulations! The Game wouldn't be possible without you. Thank you for participating, but there is a team who exceeds the best."

Their tactics and techniques are priceless. They're good.

"Their Cooperation, tactics and techniques are really impressive. I know all of you did your very best but, their team exceeds to the finals and made it to the very end. The best group of all. May we call on the Dreamers to get their rewards and prize for surviving and being the Champion of the 1st Royal Fantasias Cup."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanilang mga labi.

"Woahhhhhh! Congrats! D.R.E.A.M.E.R.S LANG MALAKAS!"

"Here I give you, Dreamers. The permission to go out of this world to rest for a week in the normal world and to become part of the Magical Organization made to Protect, serve, and bring justice to this world."

"DREAMERS THE BEST TEAM FOR THE BEST GAME!"

"This badge, will give you privilege to access the Dream High first magical facility made for your team."

"SANAOL!"

"In addition, you will be given a position in every societies you belong once you fully polished your powers to make you stronger and better."

Inabot sa kanila ang cloak. The most powerful cloak.

I hope maprotektahan kayo niyan.

Kung ikaw man yan, sana hindi ka mapahamak.

"Ayce! Tara na excited na ako!"

"Congrats to us!"

"Congrats, Dreamers." Binati ko sila bang dumaan sila sa taking harapan.

Ngunit ang titig ng babaeng iyon ay hindi naalis sa akin na tila ba kilala niya ako.

"Salamat po." Sagot nang isang babaeng nasa hulihan, kasabay ang lalaking naglalakad ng nakalutang.

"Weird." Rinig ko pang bulong niya nang makalayo sila sa akin.

"Headmistress. Let's go."

Ayce's Pov

Ang nga titig na iyon. Sino siya? Bakit napaka-pamilyar ng mukha niya.

Nanalo kami. We're the Champion.

Ngunit hindi ako mapakali. Tulala lang ako sa daan habang sila at nag-uusap usap.

Tiningnan ko ang cloak na suot namin at nakita kong may kumislap.

Namamalik-mata ba ako?

Tiningnan ko ulit ito ngunit wala na.

There's something wrong.

Ang badge, ay star, kakaiba ang pagkakagawa dito. Gawa sa ginto. Hindi raw ito basta basta makukuha sa amin kung sakali, sapagkat may basbas ito ng pinaka-mapangyarihan sa lahat ang Queen of Light.

Habang naglalakad ay patuloy parin ang pagtakbo ng tanong sa isipan ko.

"Ano nga ba talaga ang mayroon doon sa babae?" Naiusal ko na lamang.

"Hoy Ayce, ano sabi mo?" Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Jillian.

"Huh? May sinabi ba ako?" Sa halip na sa isip ko na lamang ito nasabi ay nabigkas ko pa ito.

"Ewan ko sayo." Nauna na siyang maglakad.

Naglalakad na sana ulit ako ngunit may humila sa sa aking palapulsuhan.

"Is there something bothering you?"
Draven asked.

"Nothing, let's go." Nasabi ko na lamang. Ayoko silang mag-alala.

Patuloy kami sa pagbalik sa tinutuluyan.

Masayang masaya sila, sapagkat kami raw ang nanalo pero hindi ko parin maabsorb ang nangyari ngayong araw. Sobrang dami. Nakakalito.

Kailangan ko ng kasagutan.
Ngunit baka hindi pa ito ang tamang oras..

Masaya ako na nanalo kami, at napagtagumpayan naming ang laban na ito. Worth it lahat ng pagod sa training na ginawa namin.

We did it...

But...

There's something about what happened in the Awaited Awarding.

-royalweirdo-

Dream High: School of DreamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon