Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon kung pangit ka, talo ka, kung mahirap ka, talo ka. Mamahalin at mapapansin ka lang ng mga tao kung maganda ka, sikat, mayaman at mamamatay na. Pero bakit ganun? Mayaman naman ako, maganda, oo aminado ako, pero bakit pakiramdam ko walang nagmamahal sa akin? Ang unfair talaga ng buhay.
Ako nga pala si Sophia Wilde. Ang bongga ng surname ko 'no? Hindi ako foreigner, hindi rin ako half-half, pure Filipino ako. Hindi ko alam kung paano naging ganyan yung apilyedo ko. I'm 17 years old, and i have two brothers. Yung mga kuya ko lang ang kasama ko dito sa Pilipinas dahil sila mama at papa ay nasa London, may inaayos daw silang business doon. Nanggaling ako sa mayamang pamilya, bata pa lang ako kung saan-saang lupalop ng mundo na ang narating ko. At the age of 17, may business na kong mina-manage. Pero kahit may business nang nakalaan para sa'kin, nag-aaral pa rin ako ng mabuti. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi pang habang buhay yung business na yun, sa isang iglap pwedeng malugi o kaya mawala iyon.
Ang mga kuya ko ngayon ang tumatayong parang nanay at tatay ko. Kung sermonan nila ko kala mo sila ang mga magulang ko. Pero kahit ganun, mahal ko sila. Si Kuya Dale ang panganay sa aming tatlo, at may pamilya na siyang binubuhay. Si Kuya Adam naman ang sumunod, mas matanda lang siya ng isang taon sa akin. Sila lang ang kilala kong mga kuya na nagpaplano kung sino ang idedate ko. Sila mismo ang humahanap ng lalaki at nagseset ng date namin. Mga walang hiya ang mga kuya ko 'no? Paulit-ulit ko nang sinabi sa kanila na hindi ako interesado sa mga lalaki at sa mga relasyon na yan pero kinukulit pa din nila ako. Pinagbibigyan ko na lang sila dahil baka mangblackmail na naman ang mga hayop kong kapatid. Kung sino-sinong lalaki, pati nga ata mga janitor, kargador at jejemon, na kilala nila hinarap na nila sa akin pero wala pa rin.
Mas inuuna ko kasi ngayon ang priorities ko kaysa sa love life. Naniniwala kasi ako na kusang dumarating yun at hindi dapat minamadali. Ineenjoy ko muna yung buhay ko. Hello? 17 years old pa lang ako, maraming lalaki pa akong makikilala.
----------------
Sophia's POV"Excuse me miss! Pwedeng pahingi ng bagong stock nito?" tanong ko sa sales lady at ipinakita ang hawak kong dress.
"Sige po, paki hintay nalang po ma'am" sagot niya. Habang hinihintay ko yung babae, naisipan kong mag-ikot ikot muna. After 7 minutes bumalik ako dun sa sales lady at kinuha yung dress. Habang naglalakad ako papunta sa counter may isang babaeng bumangga sakin.
"Ouch!" daing ko. Nahulog yung mga damit na hawak ko. Tinignan ko yung babaeng nakabangga sa akin. Aba! Inirapan lang ako? Punyetang bruha.
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo ha?!" sigaw ko dun sa chakang girl na bumangga sa akin. Pinulot ko yung mga damit na bibilhin ko at tumayo.
"Such a bitch" I muttered.
Bitch.
'Yan ang tawag ng karamihan sa akin. Sobrang mean ko daw kasi sabi nila. Kasalanan ko ba kung sobrang stupid sila? Pero yung iba naiinsecure lang sa akin, ang ganda ko daw kasi. Sabi naman ng iba mang-aagaw daw ako. Kasalanan ko bang nagiging single ang mga syota nila pag nakikita ako?
People call me bitch like it is my name.
Dumiretso na ko sa counter at binayaran ang mga damit na napili ko. Lumabas agad ako ng store at pumunta sa J.Co. Nagtake-out ako ng donuts para sa mga kuya ko. Buti nalang hindi masyado marami ang tao kaya nakauwi rin agad ako.
~*~
*ding dong*
"Oh ikaw pala yan bunso! Para sa'kin ba yang dala mo?" tanong ni Kuya Adam habang turo yung box ng donuts na bitbit ko. Nagniningning yung mga mata niya sa bitbit ko eh.

BINABASA MO ANG
Bitch Is My Name
Lãng mạnBitch. Yan ang tawag ng ibang tao sakanya. They call her "bitch" like it's her name. Her name is Sophia Wilde, 17 years old, Filipino and she has two brothers. Pia is just a normal teenage girl. Ang mga Kuya niya ang nagdedecide kung sino ang ide...