👑STPYTGQ44👑

861 22 2
                                    

Ahlie

You think you were that good?" Nakangising saad nitong babae sa harap ko.

I never think that because I know that I'm that good." Sagot ko at agad siyang nilinlang tsaka initsa ang bola sa ere  kung saan saktong saktong makakapasok sa ring.

Bullseye!

Panalo kami.

Ngumisi ako sa babae at kinindatan siya pero agad niya naman akong inirapan at pumunta sa team niya.

Mang aasar pa kasi di naman pala kaya.


Agad akong niyakap nila Christine maging sila Yassy at agad na kinongrats kami ng ibang  manunuod don.

Because it's over. We have won.


This is our second game where we win again. Earlier our game was fast because we knew who was attacking but now in the second I didn't see anything suspicious so the game ended quickly. there is a third game which is the championship and I will do everything for us to win again.

Nilapitan ako ni Walter at niyakap ng napakahigpit.


Alam mo bang gusto na kitang angkinin ngayon." Bulong niya na nagpabigla at nagpalaki  ng mga mata ko.

What the fuck?!

Agad ko siyang tinulak kaya napatingin ang iilan na mga tao saming dalawa.

What did I do?" Maang na tanong niya na tila bang  hindi alam kung anong mali sa sinabi o ginawa niya.

Hindi ko siya pinansin at agad na umalis sa lugar na yon at nagtungo sa kahoy.

Masyado akong nabigla sa sinabi niya.

Like what the ! Angkinin! O baka madumi lang akong mag isip.

Ahlie." Malumanay niyang saad.

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa paligid.

May ginawa ba kong mali?" Malumanay paring sabi niya pero hindi ko parin siya pinapansin.

Nahihiya akong mali iyong iniisip ko sa sinabi niya.

May sinabi  ba kong hindi maganda." Saad niya. Napansin kung bigla siyang yumuko at parang pinupunasan ang mga mata niya.

Umiiyak ka ba?" Malumanay na tanong  ko kaya nag angat siya ng tingin.

Nakita ko ang mapula pula niyang mata.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang lalaking to. Dati naman mukha siya siga tapos parang suplado.

Hindi ko alam na sa ganitong simpleng bagay ay malulungkot siya at iiyak.

Ayaw mo na kasi sakin. " Saad niya at may tumulong luha sa mata niya.

Nagtaka naman ako sa inaasta niya.

Ha?" Maang na tanong ko sa kanya.

Ayaw mo na ba akong makita.?"Mungkahi niya kaya mas lalong naging magulo  ang isip ko.

Like seriously? Pano naging ganito ang isip niya.





Ayaw mo na ba talaga sakin?" Napupuno nako sa sinasabi niya. Mukha siya ewan.




Bumaba ako at hinawakan ang mukha niya para sipatin.


Ikaw okay ka lang? Mukha kang baliw. " Komento ko na agad niyang nginusuan.



Advised kasi sakin nila Josh yon. Pasensya na." Malumanay niyang saad.


Advise?" Nagtatakang tanong ko .


Sabi nila kapag ang babae daw ay bigla biglang nawawalan ng gana o di kaya ay parang umiiwas sayo ay dahil meron daw kaming ginawang hindi  niyo sinasang ayunan." Sabi niya na nagpatanga sakin.



He also said that when that happens and when we truly love that woman we will do everything we can, to bring our love one back to our arm." Dagdag pa niya.


Grabe!




Wala ka namang kasalanan. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Sabi ko sa kanya na ikinatigil niya.

Huh?" Saad niya at napaisip.

Wala. Hayaan mo na. Masyado lang atang madumi  ang isip  ko kaya nung sinabi mo yon ay nabigla ako." Saad ko at ngumiti.


Hala ka! Yung angkinin ba! Ayieee! bad ka mag isip." Saad niya at nambiro pa.

Mukhang bakla.




Sorry. Hindi ko naman alam na maiisip mo yon." Malumanay niyang saad.

Okay lang." Saad ko at nag umpisang maglakat. Yun ngalang ay hinablot niya ang kamay  ko at hinila ako papunta sa kanya.


Sobrang pinahanga mo ko sa ginawa mo kanina at hindi ko alam kung pano ko ipagsisigawan na "Ang ng galing mo'" at " mahal kita mahal ko" hindi ko alam pero nung matapos kasi  ang laro niyo at nayakap kita ay bigla na lang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko. Pasensya na." Nahihimigan ko ang taos-puso na paghingi ng tawad niya.


Hindi ko mapigilang mapayakap sa kanya ng mahigpit .


Ang ibig ko talagang sabihin sa sinabi kong yun ay " hindi na ako makapaghintay na maging akin ka na" sobrang excited na ako." Saad niya kaya napatingala ako sa kanya.

Ngumiti  siya ng pagkatamis tamis at agad akong ginawaran ng halik sa labi na agad ko namang tinugon.


Nang maghiwalay kami ay agad kong sinabi ang mga salitang alam kung gusto niya marinig.

Mahal kita Walter." Saad ko na ikinagulat niya. Unti unting namula ang mukha niya at humigpit ang yakap niya sakin.


Hindi mo na kailangan pang antayin dahil sayo naman talaga ako hanggang sa gusto mo." Saad ko na mas lalong ikinagalak niya.


Akin ka na?" Nakangiting saad niya at tumango naman ako.

Boyfriend na rin kita." Saad ko pero hindi sumilay ang ngiti sa labi niya kundi pagkakunot ng noo.


Boyfriend? Ayaw ko." Sambit niya kaya ako naman ang nagtaka.

Gusto ko yung mahal mo ako at ako ang sinisinta mo dahil ikaw lang naman ang laman nitong puso  ko binibini." Saad niya kaya napatawa ako.

Ang lalim di ko mahukay.


Ngumiti  na lang ako at hinalikan siya.


Tumigil naman kami at hawak kamay na pumunta sa lugar kung saan gagawin ang ikalawang laro.


Masyado bang korni yung sinabi ko. Pasensya na. Sinasabi ko lang kung ano yung naramdaman  ko sayo."Sabi niya kaya napatigil ako at nginitian siya.


Mahal kita Walter." Sabi ko sa kanya at pinatakan ng halik ang dalawang pisngi niya.

Mas mahal kita Ahlie. " Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Nakangiting  bumalik kami sa loob at nakita ang mga kasama namin na nag titipon tipon.



Nag date pa kayo?" Tanong ni Yenna.

Yes." Sagot ko naman.


Ngumising mukhang aso siya. Bahala siya sa buhay niya.



Yung gusto ni Grey ay ako ang maglaro sa Fencing yun ngalang  tinanggihan ko. Hindi naman pwedeng ako lang. Kailangan ding maglaro nila Christine at iba pang players.


Napagkasunduan naming ako na lang ang magiging sub kapag may nangyaring hindi maganda.

Alam kong kaya nila ipanalo to. Duwag lang yung master.

....


Ayzkielove

She's The Princess Yet The Gangster Queen ( ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon