Chapter 1.

2.8K 49 2
                                    

JOAQUIN'S POV

"Hi Shar! Pasensya ka na ha? Minsan nalang kitang madalaw dito. Kasi naman busy ako sa pag- aaral. Mahirap pala mag doctor! Pero kakayanin ko kasi para sayo to e."-ako-

Nandito ako sa puntod nya ngayon at dinalaw sya.

"2 years na din pala ang nakakalipas. Di ko alam kung pano ko nakaya."-ako-

"Joaquin?"

Napalingon ako ng may tumawag sakin.

"Tol!"-ako-

Si Nast at Grae pala.

"Anong ginagawa nyo dito?"-ako-

"Obvious ba? E di kung anong pinunta mo dito. Long time no see!"-Nash-

Niyakap nya pa ako.

"Hoy tol kailan kapa nabading? Oo nga matagal na di tayo nakakapag bonding, kasi naman ang hirap sa school."-ako-

"Nag doktor kapa kasi! Tapos si Brace naman pumuntang America. Wala na kaming balita sa kanya."-Grae-

"A. Kumusta na kaya si Brace? Pero alam mo naman kung bakit ako nag doktor diba?"-ako-

Para kay Shar to. Gusto kong ako ang makadiskubre ng gamot sa sakit nya. Alam kong huli na pero gusto kong matulungan ang ibang tao na may sakit na ganun.

"O tol gala tayo mamaya!"-Nash-

"Hindi pwede e, may project pa akong gagawin. Teka, nadalaw nyo na ba si Tita Myleen?"-ako-

"Oo dumaan kami dun kanina. Okay naman sya."-Grae-

"O sige! Aalis na ako. Nice seeing you again. Itetext ko na lang kayo pag libre na ako!"-ako-

Pumunta na ako sa bahay nina Shar.

"Hi Tita Myleen! Namiss po kita!"-ako-

Niyakap ko sya. Niyakap nya din ako.

"Bakit ngayon ka na lang dumalaw dito Joaquin?"-Tita-

Nagkamot ako ng ulo.

"Sorry po busy po kasi ako sa school e."-ako-

Naghanda sya ng madaming pagkain at madami din akong nakain.

Nagkwentuhan lang kami ng matagal.

Masaya na ako na ayos na sya at di na sya depressed.

"Buti naman po at okay na kayo."-ako-

"Pinipilit ko Joaquin dahil alam kong ayun ang gusto ni Shar."-Tita-

Ngumiti lang ako at niyakap ko sya.

Nagpaalam na ako kay tita at dumeretso na ako sa mall para bumili ng mga gagamitin ko para sa project ko.

Nang nakabili na ako ay nagdesisyon akong pumunta sa bookstore.

Natingin ako ng mga libro ng mapadako ang tingin ko sa mga mata na nasa likod ng shelf.

Kilala ko ang mga matang yun!

Agad akong pumunta sa likuran pero wala nang tao dun.

"Guni- guni ko lang siguro yun."-ako-

Nang nakapili na ako ng libro ay pumwesto ako sa likuran ng isang babae.

Kilala ko sya!

Nahihiya lang akong silipin para makasigurado.

Pagkabayad ko nung libro ay hinabol ko sya. Agad akong tumakbo ng makita sya.

Sigurado ako! Sya nga yun! Sayang di ko sya naabutan.

NASH'S POV

"O tol anong problema? Gagala na ba tayo?"-ako-

Seryoso ang mukha nya na para syang nakakita ng multo.

"Wag kayong magugulat sa sasabihin ko ha?"-Joaquin-

Lumapit naman kaming apat sa kanya para makinig.

"Nakita ko si Shar!"-Joaquin-

Nagulat kami! Syempre! Wala na si Shar, imposible yun.

Bigla na lang tumawa ng malakas si Grae.

"Hahaha naku Joaquin! Ang gandang joke nyan! Hahaha so sinasabi mo na may 3rd eye ka?"-Grae-

Natawa na din kami.

"Tsaka hindi naman totoo ang multo! Ang tanda- tanda mo na naniniwala ka pa!"-John-

Seryoso ang mukha ni Joaquin kaya pinatigil ko sina Grae.

"Alam naman namin na namimiss mo si Shar, kami din naman e! Pero kasi...."-ako-

Nalungkot si Joaquin.

"Tama nga kayo. Baka guni- guni ko lang yun."-Joaquin-

Naawa naman ako sa kanya.

---------------

Book 2 po ito ng Gimme Shar(Sharquin).

Kung gusto nyo pong basahin, search nyo lang po. Thanks :)

SharQuin Love Story Book 2!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon