Nag diwang ang lahat ng mamamayan ng Villamor dahil sa kanilang nalaman na naisilang na ang bunsong anak na babae ni Queen Alisa at King Harold.
Pati ang ibang Reyna ng iba't ibang kaharian ay na una na ring na isilang ang mga prinsesa at prinsipe ng kanilang kaharian.
"Masaya ako na nasundan ang ating anak na si Azurite." - Masayang wika ni King Harold.
"Nagagalak din ako mahal dahil hindi lang si Amethyst ang kasabayan nya ng taon kundi ang iba pang mga kaharian ay na pag alaman ko na ka papanganak lang din ng kanilang reyna." - Masayang wika ni Queen Alisa.
Nag sagawa ang hari ng malaking pag salo-salo upang ipagdiwang ang kapanganakan ng kanilang bunsong anak na si Amethyst. Maraming dumalo sa pag sasalo kaya na galak ang mag asawang Villamor.
Dumalo din ang iba't ibang Hari at Reyna sa kanilang pag salo-salo at kasama pa nila ang kanilang mga anak. Kaya laking tuwa ng mga Hari at Reyna na may susunod na sa kanilang henerasyon.
Dalawa na ang anak ng mag asawang Villamor Ito ay si "Azurite" na ang unang anak at humawak sa lahat ng "supporting elements" at si "Amethyst" na bunsong anak ay may hawak ng "All Elements" na may roon sa Enchanted world maliban sa pag gamit ng black magic. Kaya laking gulat nalang ng mag asawa sa kanilang nalaman na ang mga anak nila ay malalakas at kayang pamunuhan ang bawat bayan dahil na niniwala ang mag asawa na magiging magaling din na pinuno ang kanilang mga anak sa susunod na henerasyon. Kaya ganun nalang ang pasasalamat ng Hari at Reyna sa dalawang biyaya na kanilang na tanggap.
Lumipas ang ilang bwan naging masaya ang Hari at Reyna dahil sa dalawang anak nila at mas sumagana pa ang kanilang bayan sa iba't ibang klase pananim.
Mas gumanda ang kanilang bayan dahil narin sa dala ng mag kapatid na swerte kung kaya lahat ng mga tao sa bayan ay na gagalak din sa prinsesa at prinsipe dahil nag dala ito ng swerte sa kanilang pananim at mas lalong dumami ang produkto na kanilang ipinapalit sa iba't ibang palasyo.
Naging maalaga naman ang kanilang panganay na anak na si Azurite sa kanyang kapatid dahil ito ay walong taong gulang na at gusto nito na sya mismo ang mag tatanggol sa kaniyang bunsong kapatid balang araw.
"Leckron place"
Ito ang lugar kung saan na katira ang magagaling na tao na kayang makapag sabi ng hinaharap at dito rin humihingi ng mga payo ang mga hari at reyna upang mapa ganda ang pamumuhay ng mga mamamayan at masiguro ang kaligtasan ng mga ito laban sa kalaban. At pawang hari at teyna lang ang maaaring bumisita o makapunta sa lugar na ito. Sila rin ang nag bibigay ng paalala sa maaaring pag lusob ng kalaban.
"Sergio ang book of prophecy ay umilaw muli." - Sabi ng isang matanda.
Nasa pag pupulong ang lahat ng matataas ang position sa Leckron upang mapaghandaan ang panibagong henerasyon.
"Hindi pa oras upang lumiwanag muli ang libro." - Gulat na saad ni Sergio
Halos lahat ng nasa pag pupulong ay nag mamadali kung saan naka lagay ang prophecy book.
Nakarating sila kung saan naka lagay ang libro at sobrang nag liliwanag ang libro kung kaya't kailangan pa nilang takpan ang mga mata nila dahil sa liwanag na dulot ng libro.
BINABASA MO ANG
STAY MYSTERY, IT'S BETTER [Under Editing]
FantasyThe woman with the highest walls, have deepest love.