Lumipas ang ilang segundo wala parin akong maramdam na enerhiya na tumama sa akin hanggang sa inangat ko na ang aking ulo at nakita ko ang isang tao na naka cloak din na itim.
Pinipigilan niya ang enerhiya na ng gagaling sa anim ngunit wala akong makita na kapangyarihan na galing sa kanya? Pinipigilan niya lamang ang mahika na galing sa anim at na kakamangha pa dahil kaya niya itong pigilan at sabayan ang lakas nito.
Tinignan ko ang iba ko pang kasama at bakas sa mata nila ang gulat na hindi tumama ang enerhiya sa amin at pagkamangha dahil kayang sabayan ng taong naka cloak ang lakas ng anim na gumagamit ng black magic na class S pa at bakit ko alam ay dahil sa telepathy ni Michelle kanina dahil isa siyang witch na kayang maka alam kung gaano kalakas ang mga nakakalaban namin.
Hindi ko alam kung babae o lalaki dahil narin ito sa cloak na soot nya.
"I won't let you hurt them again" - unknown
Sabi niya sa leader ng mga kalaban namin na gulat ako sa lamig ng kaniyang boses mas na kakatakot kay leader at na halata ko na boses babae ang taong tumulong sa amin.
Isang malakas na pag sabog ang aming narinig at kasabay nito ang pag talsik naming walo at pag ka wala ng mga posas na nasa kamay at paa namin. Halos mamutla na ito dahil sa higpit ng bakal na nilagay sa kamay at paa namin kanina at nang hihinang umupo ako.
Tinignan ko ang iba ko pang kasama at pare parehas kami ng sitwasyon kagaya ni leader na hindi narin makatayo. Pati ang mga gamit namin ay tumalsik at nag kalat.
Binalik ko ang tingin ko sa babae na tumulong sa amin at na kita ko na patumba niya ang lima ngunit may isa pang na katayo at yun ang leader nila.
"How many times do I warn you?" - Inis na sabi ng babae.
Rining kong sabi nya na malamig na tono at yung mga kasama ko ayun na takot din.
Nubayan may mas lalaming papala kay leader. Pailing nalang ako sa naisip ko.
Nakita kong lumapit ng kaonti ang babae sa lalaki.
"Bakit sa tingin mo ba na tatakot kami sayo!" - galit na saad ng lalaki.
"I don't fucking care" - cold na sabi ni ate girl.
"Di daw eh muka naka ihi na ata sa salawal niya eh" - Sabi ni ken
"halata sa mukha niya ang pamumutla." - na tatawang sabi ko.
"Pati banaman ng circulation ng dugo niya huminto dahil sa takot" - iling-iling na sabi ni Hailey.
"Deep in side?" - Sabi ni Ken.
"RUNNNNNNNN." - dugtong ni Winter.
Natawa kami ng mahina kahit masakit parin ang mga katawan namin.
Nainis ang babae at nag kumpas siya ng kamay at tumilapon ang lalaki ngunit laking gulat ko na dumikit ang katawan nito sa puno at hindi na gumagalaw at mukang patay na ata dahil hindi na kumikibo at super creepy kasi naka dilat nalamang ang mga mata nito.
"Ang Creepy" - takot na Sabi ni Snow.
"Patay na ata?" - Ken.
"Eww as in Ewwwwww." - maarte sabi ni Winter .
"Ikaw kaya mamatay ng dilat anong feel nun?" - David.
"Try mo mag request ka sa kanya." - Sabi agad ni James.
"Obob ka." - sabay ni David.
Humarap ang babae sa amin at nakita ko naka cloak at naka maskara ito. Naglakad ito papalapit sa amin dala ang kaniyang alagang ibon at inilibot niya ang mata nya sa amin.
"Ilan kayo?" - Tanong nya sa malamig na tono parin.
"Syam po kami" - sagot ni Ken sa na hihirapan na tono.
"Ha? Sampu?" - Tanong ni Winter Kay Ken
"Baliw shampoo daw" - Bara ni James
Inikot nya muli ang mata niya at ng masiguro niya na syam kami at mag kakalapit ang aming mga pwesto kaya ikinumpas niya ang kaniyang kamay at bigla nalang akong nakaramdam ng ginhawa pag tingin ko nawala na kaagad ang mga natamo ko na sugat kanina. Pati si Hailey nagulat dahil isa siya sa mga magagaling na healer ngunit hindi ganito kabilis manggamot.
Si leader naman naka tingin narin sa babae na naka cloak na may mask parin sa muka.
"Who are you?" - Tanong ni leader sa malaming na tono. Ano to palamigan ng boses takteng yan talo pa si Snow at Winter sa kalamigan ng dalawang to.
Nag kamali ata ang God and Goddess sa pag distribute ng kapangyarihan. Dapat na punta kay Winter ang air dahil ang hangin lagi feeling gwapo tapos kay snow ang water dahil iyakin at si Hailey dapat ay warrior dahil hilig manapak tapos si Ken fire dahil ang init ng ulo lagi kala mo may daily regla tapos si James witchs dahil mukang mangkukulam.
"Who is the leader?" - Tanong ng babae at hindi pinansin ang tanong ni leader. kaya na rining kong tumawa si James ng mahina dahil hindi pinansin si leader.
"Me" - Malamig na saad ni leader sa babae.
Tumingin si ate girl kay leader at sumenyas na sumunod ito. Nakita ko ang pagka irita ni leader pero sumunod parin ito dahil may utang na loob parin kami sa kaniya. Lumayo sila ng kaunti at mukang seryoso ang pag uusapan nila hindi narin kami naki chismis at inayos nalang ang aming mga gamit.
"Ano bayan nag kalat na ang gamit ko." - pag rereklamo ni Snow.
"Ano gusto mo mapatay ka o kumalat yang gamit mo?" - Winter.
"Shut up." - inis na sigaw ni Snow.
-----------------------------------------------------------
🌙
A/N: Thank you for reading this tale. I apologize for any typos or grammatical mistakes.
BINABASA MO ANG
STAY MYSTERY, IT'S BETTER [Under Editing]
FantasyThe woman with the highest walls, have deepest love.