"Third Person"
Halos sariwa parin ang sugat na kanilang na dadama dahil sa nangyari sa prinsesa kahit lumipas na ang ilang taon. Lahat ng parte ng palasyo ay nag bago din lahat at makikita itong malungkot at walang buhay dahil sa pangyayari. Ang Hari at Reyna ng ibang palasyo ay na kiramay din sa nangyaria sa prinsesa.
Maputla ang kulay ng prinsesa at kung titignan mo ito ay parang patay na talaga ngunit may kaunting mahinang pag tibok pa ang puso ng prinsesa na bihira lang maramdaman.
Itinago din nila ang nangyari sa prinsesa at naging batas ito sa palasyo na huwag ikakalat ang balita patungkol sa prinsesa.
Simula na mang yari ang pag sumpa sa prinsesa naging iba ang ugali ng tatlo naging tahimik at sobrang higpit ng hari at reyna at si Azurite naman ay napaka tahimik at malayo sa tao.
Araw-araw din na dinadalhan ni Azurite ng bulaklak ang kanyang kapatid at nakikiusap na gumising na ito dahil gustong gusto nya na itong makausap at maka laro ang kaniyang pinaka mamahal na kapatid.
Lumipas ang ilan taon halos pag butihin ni Azurite ang pag hensayo upang maipag tanggol ang kanyang pamilya dahil ayaw nya nang maulit pa ang nang yari sa kaniyang kapatid.
"Wala na bang ibang paraan upang maibalik ang kaluluwa ng anak ko?" - Paki usap ng King Harold sa mga matataas na tao na kaharap nito.
Nasa lugar ng Leckron place ang haring Villamor upang makiusap kung may iba pang paraan upang maibalik ang buhay ng kaniyang anak.
"Mabuti napa rito ka dahil naka hanap na ako ng paraan upang mahanap ang kaluluwa ng prinsesa." - Saad ng matandang Necro.
"Ako ay na gagalak kung may roon pang pagasa." - Masayang saad ng Hari.
"Matagal na nating itong pinag usapan King Harold na hindi biro ang ginawa ng mga dark witches sa prinsesa kung kaya't nag patulong narin ako sa iba pa upang maka hanap ng solusyon." - Saad ng matandang Necro.
"Lahat ng tao na pag tanungan ko ang sagot na lamang ay hanapin ang kaluluwa ng prinsesa sa isa pang katawan dahil hindi buong tapos ng dark witches ang pag lipat ng kaluluwa ng prinsesa sa buwan at ang sabi mo ay pinigilan din ito ng tauhan mo kaya sa ibang katawan na lamang ito na malagi. Kailangang mahanap ang kaluluwa ng prinsesa sa itinakdang oras." - Paalala ng Necro.
"Ano ang ibig mong sabihin?" - Tanong ng Hari.
"Sa oras ng pag tanggap ng kaniyang kapangyarihan ay kasabay din ng pag babalik ng kaluluwa sa katawan nito at kung hindi mo ito mahanap sa itinakdang panahon ng pag iisa ng kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang sarili habang buhay ng tulog patay ang anak mo." - Saad ng matandang Necro
"Ngunit papaano ko malalaman kung ang kaluluwa ng anak ko ang nasa katawan ng iba?" - King Harold
"May na tatandaan ba ang iyong asawa na palatandaan sa inyong anak?" - Necro
"Ako ay babalik na lamang upang humanap sa kasagutan sa inyong tanong." - King Harold
Tumango lang ang matandang necro at umalis na ang hari.
"King Harold Pov"
"Mahal ano ang sabi?" - Salubong sakin ng aking asawa.
"May alam kaba na pala tandaan ng anak natin?" Tanong ko agad.
"Sa pag kakatanda ko ay meron itong hugis crescent moon sa bandang sakong nito hindi ko nga alam kung bakit may gasuklay na buwan sa sakong niya. Nung una pa nga ang akala ng isa sa mga nag alaga kay Amethyst ay dumi lang ngunit ng tignan ko at masiguro ko na hindi nga ito dumi may marka nga ang anak natin sa sakong na gasuklay na buwan kaya hinayaan ko nalang dahil baka related sa powers niya." - Pag kwento niya sa akin.
Nagalak ako saking narinig, ibig sa bihin may pag asa pa kami na mabalik ang kaluluwa ng anak ko.
"Wag kang mag alala mahal ko gagawin ko ang lahat upang malaman kung na saan ang taong nilipatan ng kaluluwa ng anak natin." - May pag asang saad ko.
"Sana nga Mahal ay mahanap natin dahil gusto ko nang marinig na tawagin niya tayo ng mama at papa." - Naiiyak na saad ng aking asawa.
"Pangako" - Saad ko at yakapin siya ng mahigpit.
----------------------------------------------------------
🌙
A/N: Thank you for reading this tale. I apologize for any typos or grammatical mistakes.
BINABASA MO ANG
STAY MYSTERY, IT'S BETTER [Under Editing]
FantasyThe woman with the highest walls, have deepest love.