"Ken Pov"
Nagising ako dahil sa pag gising sa akin ni David.
Nag ayos muna ako at lumabas ng tent. Pag ka labas ko nakita ko na sila nag aayos ng mga gamit nila. Ok lang naman yung gamit ko kasi inayos ko na kagabi pa nag punta ako ng sapa para gawin morning routine ko dahil meron naman malapit dito na sapa sa kinaroroonan namin at na paka linaw ng tubig ng nito.
Pag balik ko na kaayos na ang lahat pati ang tent na ginamit namin naka tupi na at ng masiguro ni leader na kumpleto na kaming syam nag simula na kami mag lakad.
"Ako nga pala si Ken Walter Fuentes and my power is water"
Naka pasok na kami ng gubat ng Seraya at ramdam ko ang bigat ng aura ng gubat at mababakas na hindi lang kami ang nasa gubat.
"Be aware." - sabi ni leader gamit ang telepathy gets nanamin yun dahil lahat kami ramdam ang mabigat na aura ng gubat.
Sa pag lalakad namin nag abot si Hailey ng prutas dahil hindi kami pwedeng huminto dahil delekado.
"Wag kayong mag alala ligtas kainin yan."- sabi ni Hailey ng mahina habang inaabutan kami isa isa.
Na busog naman kaming lahat dahil sa dami ng prutas na pitas ni Hailey kanina bago kami pumasok sa gubat ng Seraya.
Sa kalagitnaan ng aming pag lalakad may humarang sa amin na anim na lalaki na naka cloak.
"Be ready." - sabi ni leader using telepathy.
Naging handa kami sa maaaring pag atake ng kalaban.
"Third Person"
Sumugod ang anim ng biglaan upang hindi agad maka pag depensa ang elite.
Nag simula mag laban ang dalawang grupo at naging mahirap ang lalabanan ng dalawa grupo dahil parehas sa dalawang grupo ang ayaw mag patalo sa laban.
Ngunit sa kalagitnaan ng laban ng dalawang grupo ay makikita na ng hihina na ang mga istudyante ng Entire Academy at halos maubos narin ang lakas nila ngunit sa kabilang grupo naman ay hindi pa pagod at halos hindi pa nila na gagamit ang mga mahika nila.
"Mahihina!" - sabi ng isa sa mga lalaki naka cloak.
Nag pantig ang tenga ni Nathan sa narinig nito. At susugod na sana ito ng mag salita naman ang isa pang lalaki.
"Subukan mong sumugod at mamamatay ang mga kasama mo." - banta kay Nathan.
Nagulat si Nathan dahil sa sinabi ng isang lalaki. humarap ito sa mga kasamahan niya at naka ramdam agad ito ng galit dahil sa sitwasyon ng kaniyang mga kaibigan.
Dahil naka kadena na ang mga ito at ng hihina at pilit na lamang nilalabanan ang panghihina ngunit sadyang malakas talaga ang mahika na nakalagay sa bakal. May halong black magic ang nakapalibot sa mga bakal na nakalagay sa kamay at sa paa ng mga elite kaya napa luhod na ang walo dahil sa panghihina at si nathan na lamang ang naka tayo at walang posas.
BINABASA MO ANG
STAY MYSTERY, IT'S BETTER [Under Editing]
FantasyThe woman with the highest walls, have deepest love.