Na gising ako tulog ng maka ramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako.
Sa pag baba ko may narinig ako na nagsalita at mukang galit ito kaya lumapit ako ng kaunti pero nag tatago parin ako para hindi niya ko mahalata.
Nakita ko ang babae na tumulong sa amin at may kausap ito sa telephono.
"Ilan ang mga na sugatan istudyante?" - tanong ng babae
"That fucking dark Prince!" - sabi ng babae sabay hawak ng kaniyang sentido naka tayo ito at palakad lakad na di mapakali. Naka talikod ito sa akin kaya hindi niya ako mapapansin.
"Sino studyante daw ang tinutukoy nya?" - tanong ni Aira
Muntik na akong sumigaw sa gulat dahil bigla nalang kasing nag telepathy si Aira. Buti nalang na takpan niya kaagad yung bibig ko kundi mahahalata kami.
"Hindi ko alam" - pabulong kong sagot dahil hindi naman ako marunong mag telepathy kaya bulong nalang.
Bumalik ang aming atensyon ng magsalita ulit ang babae.
"Paki sabihan ang kapitan na ayus ayusin niya ang pag babanatay dahil pag may nasugatan o makuha nanaman ang mga tauhan ng dark prince na mga istudyante malalagot kayo sa akin." - Galit na sabi ng babae.
Nag katinginan kami ni Aira. "Saan school kaya na ganap ang pag lusob ng tauhan ng dark prince tanong niya sa akin" - gamit telepathy ulit.
Isang iling lang ang aking iginawad sa kaniya dahil hindi ko rin alam at wala ako idea kung anong school ang nilusob dahil sa enchanted world madaming school at di ko alam alin dun.
"Hindi ako maaaring pumunta dyan dahil may mission din ako at hindi rin pwede na icancel ang mission ko at ng elite" - sabi ng babae.
Nag katinginan kami ni Aira dahil na sama kami sa usapan.
"Alam mo naman ang mission nila na hanapin ang crystal stone upang mapatibay ang barrier ng school diba?" - Tanong nito sa kausap nya.
Nakikinig kami ng mabuti at alam kong may ideya narin si aira sa pinag uusapan nila.
"Ang ibig sabihin sa school natin na ganap ang pag lusob?" - tanong ni aira sa akin gamit nya padin ang telepathy isang tango ang sagot ko.
"Bakit hindi tayo umuwi nalang upang bantayan ang ating paaralan?" - tanong nya ulit.
Binatukan ko sya dahil sa tanong nya.
"Aray" - daing nya ng mahina.
"Di mo ba narinig sabi niya bawal icancel ang mission natin dahil naka salalay sa atin ang kaligtasan ng mga students at ng mga guro school." - galit na sabi ko sa mahina.
Tumungo si aira sa explanation ko at nakinig ulit kami.
"Kamusta ang mga sugatan na istudyante? magagaling na ba?" - tanong ng babae sa kausap nya.
Tumango ang babae dahil sasagot ng nasa telepono.
"Good mabilis ang kilos nila dapat lang dahil pag balik ko na may mga istudyante pa din na hindi pa magaling patay kayo sa akin at alam niyo na wala akong sinasanto." - cold na sabi nya.
Napalunok kami ng sabay ni Aira.
"Kailangan higpitan ang siguridad ng paaralan lalo nat wala ako dyan pati na ang elite." - Sabi ng Babae.
Ilang segundo nag salita ulit ang babae.
"Ako na ang bahala sa mga students na nasa kamay ng dark prince ngayon" - sabi niya.
Kaya na gulat kami ni Aira "don't tell me susugod sya mag isa?" Bulong ko kay Aira.
"Wala din ako idea sis" - sagot ni Aira sakin.
"Paki locate ang huling gubat na dadaanan ng elite kung may makakasalubong silang mabangis na hayop." - tanong niya sa kausap niya.
Narinig namin na sabi ng babae.
"Good dahil kailangan na walang sa gabal sa mission nila dahil mahirap kung mag tatagal sila sa mission. Kaya pumatay ako ng ilan sa mabangis na hayop dyan upang madali silang makalagpas sa gubat na iyan at kung titignan mo halos wala ng mababangis na hayop ang naninirahan." - mahabang saad nya.
Nagulat kami sa aming narinig.
"Kaya ko nilinis dahil kailangan na ng elite na madala ang crystal stone sa academy sa madaling panahon upang masiguro na ligtas ang lahat ng istudyante at guro. Of course bawal ako sumama may iba akong mission" - sabi nung babae
Tumango kami ni Aira sa aming na rinig namin dahil may point siya na kailangan na talaga namin na makabalik ng maaga at nag pasalamat ako dahil mapapadali ang pag daan namin sa gubat bago marating ang bundok kung saan namin matatagpuan ang crystal stone.
Hindi rin kami pwedeng gumamit ng mahika o sasakyan dahil delekado lalo na may kalaban na nag hahanap din ng stone.
"Kayo muna pansamantala ang mag bantay habang wala ako at ang Elite" - sabi ng babae bago ibaba ang telepono.
Biglang lumingon ito sa dereksyon namin kaya hinawakan ko ka agad si aira at nag teleport na kami sa kwarto.
Huminga siya ng malalim at bago tumingin sa akin.
"Kailangan na talaga nating makabalik dahil nilusob pala ang school natin" - Sabi ni Aira kaya tumango ako at nahiga narin sa kama at bumalik sa tulog.
-----------------------------------------------------------
🌙
A/N: Thank you for reading this tale. I apologize for any typos or grammatical mistakes.
BINABASA MO ANG
STAY MYSTERY, IT'S BETTER [Under Editing]
FantasyThe woman with the highest walls, have deepest love.