🌙 Mystery Moon 19

272 22 0
                                    

"unknown Pov"


Alam kong may na kikinig sa akin kanina kaya binale wala ko lang ito dahil wala naman akong dapat itago at dapat malaman nila na nilusob ang acadamy.






"Hm Pov"




May lumusob na mga tauhan ng Dark Prince dito sa paaralan.







Maraming na sugatan na students pati ang mga guro ay nahihirapan narin sa pag dipensa ng school dahil mas lumakas pa ang mga kalaban at kung kelan wala ang leader ng elite at ang elite saka naman sila lumusob.










Ngayon lang nag kataon na may mission parehas ang dalawa kaya walang nag babantay ng school. Salitan kasi sila kung mag bantay kaya pag wala ang elite pumapalit naman ay ang kanilang leader na mag bantay sa school kaya hindi pa sila nag kakaharap.







Ubos narin ako sa mga palusot dahil itong elite ay gustong gustong makilala at makasama sa mission ang kanilang leader.









Buti nalang na agapan ng tauhan ng leader ng elite ang paglusob ng tauhan ng Dark Prince at na tulungan din kami na labanan ang kalaban.  At nag padala din ng mga healers na tutulong sa pag gagamot ng mga istudyante at gurong sugatan dahil halos lahat ay may mga injury.






Talagang maaasahan ang leader ng elite dahil ang bilis ng pag tulong ng mga tauhan niya pati ang mga healers mabilis ang asikaso nito sa mga istudyanteng may mga sugat na tamo. Pati ang siguridad ng paaralan ay sobrang higpit dahil may banta kaming na tanggap. Sa dami ba naman ng pinadala niya as in masasabi mo na ligtas na ang mga istudyante ng school pansamantala habang wala pa ang crystal stone. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yang mga tauhan niya dahil ang dami.







"Nathan Pov"



Sinandya ko talagang agahan ang gising upang makausap ko ang babae na yun.





"Flash back"




Nang tinawag niya ako lumapit ako sa kaniya ngunit agad na hagip ng mata ko ng kuminang ang gold na bracelet na nasa kamay ng babae na kaparehas ng pala tandaan ng leader ng Entire Academy at naka sisiguro ako na kaparehas ng saakin ngunit silver lang ang akin at sa babae gold kaya laking gulat ko bakit babae ang napili nila bilang isang leader ng Acadamy at di lalaki? ng makalapit ako gumalang ako ng palihim dahil siya parin ang totoong leader ng elite at aware ako na siya parin ang mas mataas ang position sakin, kahit parehas kami na leader still mas higher rank siya.






Eng of flash back





At pag baba ko tama nga ako gising narin siya at nag kakape sa sala.





Naramdaman niya ang presensya ko kaya lumingon ito sa dereksyon ko.







"Do you need something?" - Tanong niya sa akin.








Umiling ako at umupo sa tapat niya.









"Who are you?" - Tanong ko.








"Bilang isang leader ng elite kailangan mong masiguro na makabalik kayo sa inyong school ng ligtas at na sisiguro ko na kailangan na yan ng inyong pa-aralan" - Sagot nya na di pinansin ang tanong ko.






"I know that." - sagot ko






Naka mask parin ito kaya hindi ko makita ang muka niya ng buo kalahati lang naman ang natatakpan bibig lang ang walang takip ngunit sa bandang ilong pataas ay may takip o maskara kaya hindi ko makita at mamukaan ang babae.






"Itago mo at ingatan ang crystal ball dahil alam nila kung na kanino ito dahil sa presensya ng bola dahil madaling malaman ng tauhan ng mga kalaban kung na kanino ang bola kaya sana pangalagaan mo ito dahil mahirap kung mapa sa kamay ng kalaban ang bolang iyan" - Paalala nya ulit at tumango ako bilang sagot.







Nag labas ulit sya ng bola na katulad na katulad ng crystal ball.





"Ang mga kalaban ay walang paki sa Crystal Stone dahil ang target nila ay ang Crystal ball" - babae







Ibinigay niya sa akin bola na kaparehas ng una o ang original na crystal ball at ng mahawakan ko na ito ay parehas na parehas ang dalawang bola ng aura.







"Ibigay mo yan sa kalaban kung may makakasalubong kayo o mahanap nila kayo alam mo na ang gagawin, dahil hindi sila titigil hanggat hindi nila ito nakukuha ang bola. Hindi yan ang totoong bola at isa lamang yan na repleka na halos kaparehas ng totong crystal ball. kapangyarihan ko ang pumapalibot sa bolang iyan kaya ibigay mo lang yan sa kanila " - pag paliwanag nya.







"Iyan ay mag sisilbing crystal ball at pag naibigay mo na ito sa kanila hayaan mo na at wag mo nang isipin dahil mismong bola na ang gagawa ng trabaho niya at kung may balak silang saktan kayo ay hindi na tatalab sa inyo ang mahika nila dahil hawak niyo ang totoong crystal ball at mismong totoong crystal ball na ang proprotekta sa inyo dahil nakuha muna ang tiwala nito. Kahit hindi hawak ng mga kaibigan mo ang bola alam nito kung sino ang mga taong kasama mo at pinag kakatiwalaan mo na dapat bigyan niya rin ng proteksyon." - Mahabang saad nito.











"Salamat sa pag tulong." - sabi ko kaniya.












Tumango ito bilang pagsangayon.







At nakita ko na ang mga kasama ko na nagsibabaan na at mukang handa na sa pag lalakbay.




"Kumain muna kayo ng agahan bago kayo mag lakbay." - saad muli nito.

-----------------------------------------------------------

🌙

A/N: Thank you for reading this tale. I apologize for any typos or grammatical mistakes.

STAY MYSTERY, IT'S BETTER [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon