CHAPTER 2

83 28 0
                                    

Chapter 2

"Beshie! Are you ready for the Writer's Library? Kasi ako, handang handa na."

Sa boses palang ni Amber sa kabilang telepono, halatang sobrang handa na siya. Kahit ako din naman ay handa na para sa special trip na ito!

Ang tagal naming naghintay!

"Ofcourse Amber, matagal ko nang hinintay to kaya reding-ready na ako!" masaya kong sambit.

#ExcitedNaAko

After all this time, makakapunta na ako doon sa library na iyon. I am ready to discover some new facts about some famous books and authors!

"Hintayin mo ako beshie sa bahay niyo, susunduin kita, see you later and bye!" Pagpapaalam naman niya saakin. Pinasok ko sa bulsa ang cellphone ko. Bumaba naman agad ako sa sala kasama ang mga iba pang kagamitan ko.

Pagkababa ko sa sala ay agad agad ko namang tinawag nang malakas sila Mom and Dad para makapagpaalam na ako sakanila.

"Mom! Dad! Aalis na po ako!" malakas kong sigaw pero parang wala ata sila dito sa bahay. I wonder kung saan sila pumunta ngayon.

Hmm? Nag shoppping? Nag date?

Siguro nga lumabas sila pero bakit hindi nila ako sinabihan? Dapat may pasalubong sila pag dating, hmp.

Kung hindi, sasabog itong bahay.

Dahil wala rin naman sila dito sa bahay, agad na akong lumabas ng bahay at ako na ang nagbalak sumundo kay Amber. Minsan kasi, talksh*t iyon eh. Sasabihin niya na OTW na siya, pero maliligo pa lang. Piste.

Linock ko ang pintuan ng bahay bago ako tuluyang umalis, kasi alam niyo naman.

Mahirap na pag nanakawan .

"Beshie!" rinig kong sigaw niya sa 'di kalayuan. Nakangiti siya at nakaway kaway saakin. Obvious na excited itong baliw na ito ah?

Pagkatawag niya saakin, naglakad ako nang mabilis papunta sa kan'ya. Alam ko kasing excited na talaga siya para sa Writer's Library at gano'n din ako.

"Beshie! Bilisan mo at may mga importante akong sasabihin saiyo!" dagdag niya ulit. Dahil na-curious ako sa sasabihin niya, tumakbo na ako papunta sa kan'ya.

"Ano yon beshie?" pagtatanong ko naman kaniya dahil sa curiousity ko. Pero pinapili niya muna ako kung ano 'yung una kong gusto malaman.

Anong trip mo aber?

"Pili ka muna, first or second thing?" sabay pinakita niya saakin ang peace sign sa kamay niya habang nakangiti. Seryoso ba siya? Baliw talaga si Amber eh.

"Okay okay, 'yung first." Pagpili ko.

"May nadiscover daw na bagong libro ang Writer's Library Team! At nahanap daw nila ito doon sa lumang house na nasa San Reseldas" masayang balita niya saakin.

Pero hala? Doon din ang probinsya nila Mom ah? Woah!

"Then next one! Hindi na tayo mamamasahe papunta sa Writer's Library! Kasi may maghahatid sacating may sasakyan!" dagdag naman niya.

Nakakapagtaka kung sino kaya iyon? Lukas? Liam? or-

NO WAY THAT IT WILL BE MATTHEW!

"Sino?! Si Matth-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla din siyang nagsalita.

"Matthew, oo si Matthew nga. Ang ultimate manliligaw mo, ayie." pang aasar niya kaya hinampas ko siya sa balikat na dahilan ng pagka-aray niya.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon