CHAPTER 22

5 0 0
                                    

● Chapter 22 ●

Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit parang naghalo-halo ang emosyon ko nang marinig ko ang pangalan niya?

Sa sobrang pagkabigla ko nang marinig ko ang pangalan niya, agad ko namang kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ikaw ang nag nakaw ng libro ko 'no?!" sabay tinuro ko ang pag mumukha niya.

"What book?" namuo ang pagtataka sa mukha niya.

Aba, nagpapalusot pa talaga siya ha.

Hinampas ko siya sa kaliwang braso niya na dahilan ng pagka-aray niya. 

Ayaw pa kasi mag sabi ng totoo ng lalaking ito eh.

"Stop lying! Hindi talaga Harrison Luzencio ang pangalan mo. Kinuha mo lang ang pangalan na iyon sa libro ko!"

"Trish, what are you talking about?" sabay ngumisi siya. "Nababaliw ka na ba ha?"

Napabuga naman ako sa hangin sabay tinitigan siya nang masama. "Hindi ako baliw, kaya pakiusap ilabas mo na ang libro ko!"

"But , I didn't stole any book from you-"

"Ilabas mo na!" sigaw ko sakaniya. Binigyan ko pa siya ng malalim na tingin para aware siya na seryoso ako. Napatulala naman siya sa akin at napansin kong nanginginig ang buong katawan niya.

"What's your problem? Why are you acting so strange?" napasin ko naman na may namumuong lungkot sa mga mata niya.

Bakit nagkakaganiyan siya? hmm.

#FakeDrama!

"Hoy lalaki, ikaw ang problema ko kasi ayaw mo pang ibalik iyong libro ko!"

"Ano ba Trish? Is this one of your pranks?" naguguluhan niyang tanong. "Why are you pretending that you don't know me? Hmm, hahaha stop acting Trish,"

Bakit ang galing niyang umarte?

"I am not pretending! Hindi lang talaga kita kilala!" sigaw ko sa kaniya na kadahilanan ng pagkabigla niya.

"Okay fine, let's say that you forgot who am I . But I hope, this thing will help you remember,"

"What thing-"

Naputol ang tanong ko nang agad niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya. Magkadikit na ngayon ang aming mga katawan habang tinititigan niya ako nang mariin.

"Ano bang ginagawa mo-"

Hindi na ako nakapag pumiglas nang idinikit niya ang kaniyang labi sa aking labi. Napapikit nalang ako at hindi ko namalayan na gumaganti na pala ako ng halik sa kaniya. 

Trish, anong ginagawa mo? Itigil mo Trish!

Pagkatapos niya ako halikan, tinitigan niya ako sa aking mga mata. "Naalala mo na?"

What the hell?! Ninakaw niya ang first kiss ko! Bwiset na lalaki!

"Bakit mo ako hinalikan-"

"Shh, please don't act like you don't like my kiss," sabay ngumisi siya sa akin. 

Foc! Bakit ba kasi gumanti ka pa ng halik Trish! nakakainis.

"H-Hindi ko kaya nagustuhan!"

"Do you want me to kiss you again?" sabay ngumiti siya sa akin. 

Shemay na ngiti iyan. Nakakahulog.

"Ayaw ko na, papasok na ako sa mansyon! Bastos!" sabay tumalikod ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad. Bastos na lalaki!

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon