CHAPTER 1

122 28 4
                                    

Chapter 1

2016

《 Trisha Quevich's P.O.V. 》

"Ma'am! Sasali daw po si Beshie sa Story Writing Competition!" biglang sigaw ni Amber sa kay Ma'am Jessica na ngayo'y naghahatid ng impormasyon tungkol sa gaganaping Writing Competition sa Friday.

Nabigla nalang ako sa kinatatayuan ko at muntikan nang mahulog ang cellphone dahil sa gulat.

Hindi kasi ako nagp-pay attention eh.

"Ha? Ma'am! Hindi po-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang takpan ni Amber 'yung bibig ko, dahilan para hindi ako makapagsalita.

Argh! Kainis ka amber!

"Ma'am! Sasali po talaga siya, promise! Sabi pa nga po saakin, mananalo siya eh," dagdag pa niya.

Matagal ko nang kaibigan si Amber at nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako iniwan kahit tanga siya unti. Siya lang talaga ang naging totoo saakin at yung iba ay wala na,.

Plinastik ako.

Napaka supportive din kasi ni Amber saakin sa lahat ng bagay pero ang nakakainis lang. Support din siya sa mga bagay na hindi ko gusto gawin. Argh.

"Alright Ms. Quevich! You need to submit your story submission tomorrow," sabi ni Ma'am sabay ngiti saakin na ikinagulat ko.

Wednesday na ngayon at . . .

BUKAS KO NA IPAPASA?

Hindi ako mabilis mag sulat kaya paano ako makakapagsulat ng isang kwento para sa submission bukas?

"But Ma'am-" Hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko nang biglang hinawakan ni Amber ang balikat ko,

"You can do it Beshie!" aniya.

Oo na nga. Try lang naman 'diba? Alam kong hindi naman ako magaling eh. Pero mahirap din talaga gumawa ng story lalo na kung mahina ang imagination mo!

Kaya proud ako sa mga authors na nakakatapos ng libro.

Tumango nalang ako kay Amber sabay nginitian ko siya. Pero naiinis parin ako sa kaniya ng unti. Mga 99.9%

Hindi ko naman kasi talaga ginusto sumali eh, pero wala na akong magagawa kasi no choice na talaga. Sinabi niya na kay Ma'am eh.

Wala din naman kasi talaga akong hilig sa pagsusulat eh. Mahilig lang akong magbasa kaya bakit niya pa ako isasali sa isang writing competition?

Bwiset talaga 'no?

***

"Beshie! Nasaan na 'yung kwentong sinulat mo?!" nagmamadaling tanong ng baliw kong kaibigan saakin nang makasalubong ko siya sa gate ng school.

Bakit nagmamadali na agad siya? Kapapasok ko palang eh.

"Wait lang," Kinuha ko sa bag ko 'yung story na aking ginawa. Meron siyang five pages, at love story yung genre no'n.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon