CHAPTER 12

32 15 0
                                    

● Chapter 12 ●

Amber Santia's P.O.V.

Nandito kami ngayon ni Maxine sa school supplies store sa San Reseldas para bumili ng maraming bond paper para kay beshie. Gagawa kasi siya ng libro mula doon sa type-water ( Typewriter ) na dinala niya mula sa bahay nu'ng dating writer. Eh baka daw kasi lagi siyang magkamali kaya maraming papel ang need niya. 

T*nga t*nga rin kasi mag type 'yon eh.

"Ilang paper ang nakuha mo ha? Maxine?" tanong ko sakan'ya na kagagaling lang sa cashier. Pero bakit wala siyang dalang papers? 

Hindi siya bumili? Ang gaga naman ni Maxine.

"Bakit wala kang dala Maxine?" nagtataka kong question sakan'ya kasi bakit hindi siya bumili?!

"Maxine naman eh-" Naputol ang aking ise-say nang biglang may dumating na lalaki at may buhat ng isang box.

"Ma'am, kayo po ba 'yung umorder ng isang kahon ng acacia papers?" biglang tanong nu'ng lalaki kay Maxine.

"Oo ako nga," say niya habang nakatingin siya parin saakin.

 Hindi ko inexpect 'yun ah.

"Okay po Ma'am, saan po ang address niyo?" tanong naman ulit nu'ng lalaki. Pero nakatingin lang saakin si Maxine at hindi ni-nonotice 'yung lalaki.

Galit ba siya o naiirita lang?

"Sa mansyon po ni Lola China!" 

Ako nalang ang sumagot sa question nu'ng lalaki kasi ayaw siyang pansinin ni Maxine. Siguro naman alam niya na iyong bahay nila Lola China kasi sikat si Lola dito.

Tumingin naman saakin 'yung lalaki at mukang na confuse siya. "M-Magkasama po ba kayo?"

Tumango ako sabay tumingin kay Maxine. Nag crossed armsdin ako bago sumagot sa tanong ng lalaki. "Yea, I am with her, and she used my money dollars to purchase purchase paper,"

Tumango nalang 'yung lalaki na buhat buhat 'yung box na puno ng papers at lumabas na ng shop. 

Naka-stare parin ako kay Maxine kasi naka-stare din siya saakin. Staring competition pala Maxine ha, deads ka saakin.

"Muka kang sabog Amber, Haha." pang-aasar niya sabay umalis na siya sa pagkakatitig sa maganda ko muka. 

"Hindi ko kayang tignan nang matagal iyang muka mo," asar niya pa ulit saakin.

Alam mo? Mapapatay kita Magazine.

"Shunga ka talaga!" sigaw ko sabay pumunta ako sakaniya at hinampas siya sa likod. 

"Hoy Maxine, sabog ang face ko?!" dagdag kong say sa kaniya.

"Joke lang naman, ang kyut mo kaya Amber!" puri niya saakin sabay pinisil niya 'yung kyut kong pisnge. 

"Kyut, ku-yu-kut. Hahaha!" asar niya pa ulit saakin pero nag-run agad siya palabas ng tindahan. 

Patay ka saakin pag-uwi natin.

Lumabas na rin ako ng tindahan at nakita ko si Maxine na pinagmamasdan ang beauty ng buong paligid. Tunay ngang beautiful ang lugar dito sa San Reseldas.

"Gandang ganda ka na naman sa paligid? Pero mas maganda naman ako." saad ko kaya tinignan niya ako nang masama. 

Bakit? Aangal ba siya?

"Yuck! Ew!" pang aasar niya saakin with matching dura pa. 

Sumosobra ka na talaga ha! Patay ka na talaga sa akin Maxine.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon