CHAPTER 5

54 27 2
                                    

Chapter 5 ●

Napataob ako sa sahig dahil sa lakas ng sampal ng dalawang kasama ni Rhea. At ang nakakahiya pa ay, nakatingin ang iba pang studyante sa pangyayaring ito. 

PANGALAWANG BESES NA ITO! NAKAKABUSET!

Tumayo ako at umambang sasampalin din silang dalawa pero may humarang na lalaki sa harap ko. - Si Liam.

"Just calm down Trishy, 'wag ka nang gumanti," Pagpapakalma niya saakin sabay binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Ang gwapo ni Liam! Wha!

Kumalma nalang ako at pinagsabihan niya sila Rhea at ang mga kasama nito na tumigil na. "Stop it girls, just leave Trish alone,"

Umalis nalang 'yung dalawang kaibigan ni Rhea, pero nanatili paring nakatayo si Rhea. Hmm? Balak niya pa ba ako gantihan nang sobra? Malakas lang kasi siya kasi kapit tropa. Ew.

"Are you alright Trishy? May masakit ba?" pag-aalala niya saakin sabay hawak sa magkabilang pisnge ko. Ang init ng mga palad ni Liam. Argh.

Tumango tango nalang ako habang nakawahak parin siya sa pisnge ko. Nakatitig lang siya sa muka ko at para siyang nakakita ng anghel.

"You are so beautiful Trishy, ang sarap mo titigan." Puri niya saakin. Bakit para akong kinilig sa sinabi niya? Argh, bawal ka mafall sa kan'ya Trisha ha!

Tinanggal ko naman 'yung kamay niya na nakahawak sa pisnge ko. Nginitian ko siya pero biglang may sumigaw na teacher sa likod ni Rhea. 

"Ms. Quevich and Ms. Vaint please follow me to the guidance office. Now!" Seryosong utos nu'ng teacher sabay naglakad siya papunta sa direks'yon ng guidance office pero hindi kami sumunod.

"Trisha and Rhea!" Sigaw ulit ng malditang teacher kaya napilitan kaming sumunod nalang. Vaint nga pala ang apilyedo ng babaeng ito. I search ko nga 'yan sa facebook sabay report. Hehe.

Nakasunod lang kami ni Rhea pero hindi kami nag uusap. Bakit ba kasi inaaway niya pa ako? Parang timang kasi. Alam naman niyang hindi ko gusto si Matthew eh, sabay sinabi niya pa kahapon na linalandi ko si Matthew? Pitikin ko dila nito eh.

"I will slap you again b*tch." Bulong niya pero akala niya ba hindi ko siya naririnig? 

ANG LAKAS NG BOSES MO HOY!

"Sige sampalin mo ako." Sarkastiko kong utos sakan'ya pero inirapan niya lang ako. Alam niya na 'ata siguro kung anong mangyayari sa kaniya pag sinumulan niya ako sampalin. Hmp!

Nakarating na din kaming dalawa sa Guidance Office, at umupo kaming dalawa sa upuan kaharap ng lalaking seryoso ang muka. Siya ba ang guidance dito? Bakit parang ang bata pa?

Tumingin ako kay Rhea at parang pinagnanasaan niya na itong lalaki na nasa harapan. Pisteng kalandi mo hija.

"I am Mr. Felix Asension, the head guidance of Alprenta University and I am just a college student like you, but I am the one who will guide the both of you," Pagpapakilala nu'ng guidance na college student lang din pala tulad namin. Kaya pala ang bata niyang tignan.

"Hi Mr. Felix. . .Hehe," Malanding bati ni Rhea. Aba? 'Diba gusto niya si Matthew? Pati ba naman si Felix ay lalandiin niya? Harot naman po. Kaya siguro walang boyfriend 'yung ibang mga babae eh. Dalawa dalawa kasi 'yung boyfriend ng iba.

Hindi siya pinansin nito at tinignan lang siya nang masama nito kaya napahiya si Rhea. 

Kawawa ka naman sis.

"Good morning to both of you, Ms. Quevich and Ms. Vaint, so can you just tell me what happened?" Nahihiya ako na ako ang unang sumagot pero baka kasi pag nauna siya magsalita. Baka ano ano pa ang ikwento ng babaeng ito.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon