CHAPTER 20

13 0 0
                                    

● Chapter 20 ●

Napatulala nalang ko sa lalaking may mga pasa sa mukha nang tinawag niya ako sa apilyedo ko. Namumukhaan ko siya pero hindi ko talaga maalala ang pangalan niya.

Ano nga ba iyon? Pedics?

"Hoy Trish, sino siya?" sabay napakunot 'yung noo ni Maxine saakin. "Jowa mo 'no?" sabay nginitian ako ni Maxine. Yung ngiting nang aasar.

"Hala hindi 'no-"

"No, I am not her boyfriend. I am Felix Asension, the Student Guidance Councilor of our university." pagpapakilala nu'ng lalaki sabay linahad 'yung kamay para makipag-kamay.

Oh yeah, naalala ko na. Si Felix. Siya 'yung pinagnanasaan ni Rhea Vaint.

Kinamayan naman naming tatlo si Felix at ngumiti siya saamin.

"Student Guidance Councilor?" pagkaklaro ni Amber sa narinig niya. Tumango naman si Felix pero bigla siyang binigyan ni Maxine ng isang nanghihinayang na tingin.

"Eh anong ginagawa mo dito sa San Reseldas?" sabay napakunot ng noo si Maxine.

Oo nga no? Bakit nandito din kaya siya sa San Reseldas?

"A-Ano kasi, n-nandito ako para sa ano. . ." nauutal utal siyang pagsagot.

Bakit naman siya nauutal-utal?

"N-Nandito ako para sa bumisita sa Lolo ko na may sakit,"

Hindi ako sigurado sa sinabing sagot ni Felix sa tanong ni Maxine. Para lang siyang nagdadahilan.

"Talaga ba?" sabay pumamewang si Maxine sakaniya.

"Oo naman! Why would I lie-"

"Bakit may mga pasa ka sa mukha mo?" biglang tanong ni Maxine kaya naputol ang pagsasalita ni Felix. Napansin ko naman na naka-kuyom ang kamay ni Felix at para bang naiinis ito sa kakatanong ni Maxine.

"F*ck off! Can you please stop asking me some questions?!" malakas na saad ni Felix sabay bigla niyang tinulak si Maxine.

What the?!

Napaupo naman si Maxine sa sahig at dumire-diretso 'yung bwiset na Felix na iyon sa paglalakad.

Aba, mapapatay talaga kita diyang lalaki ka.

Oo, lalaki siya at malakas siya. Pero kung mananakit siya ng babae. Pasensyahan nalang dahil makakatikim talaga saakin ang hinayupak na iyan!

Bwiset!

Inalalayan ni Amber si Maxine para tumayo mula sa pagkakatulak ni Felix sa kaniya. Nakahawak naman si Maxine sa pwetan siya dahil sa sakit na natamo siya sa pagkakabaksak niya sa sahig.

"Hoy Mr.Asension! umalik ka dito!" sigaw ko kay Felix pero hindi niya ako nilingon at patuloy parin siya sa paglalakad palayo.

Aba, hindi ko pwedeng hayaan maglakad palayo habang hindi pa ako nakakabawi para kay Maxine! yawa siya.

Tatakbo na sana ako para habulin ang bwiset na Felix na iyon pero bigla akong hinawakan ni Maxine sa kamay. "Wag na Trish, okay lang." sabay nginitian niya ako.

Okay lang sakan'ya?

Alam kong palaban si Maxine sa lahat, mapalalaki man o mapababae ay gagantihan niya pag naapi siya. Pero nakakapagtaka kung bakit hinayaan niya lang si Felix na gawin iyon.

"Bakit okay lang saiyo?"

"Basta, hehehe." sabay nginisian ako ni Maxine.

Hmm? Nakakapagtaka ha.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon