● Chapter 16 ●
《 Trisha Quevich's P.O.V. 》
Wala naman sigurong mali kung gagawin kong bida ang sarili ko sa kwentong ginagawa ko, at magiging mali lang iyon kapag nangialam ka sa ginagawa ko.
Wala din naman sigurong mali kung gagamitin ko itong San Reseldas bilang settings ng love story nila Harrison Luzencio at ang magandang si Trisha Rossana Quevich.
Ganitong klase ng pag-ibig ang gusto ko.
Pag-ibig na mananatili hanggang dulo.
Dahil nga wala pang lalaki ang magpaparamdam saakin no'n, edi isusulat ko muna bilang isang kwento.
Hindi ko ginawang perfect si Harrison Luzencio dahil wala naman talagang taong perfect 'diba?
Ginawa ko siyang maputi, matangkad, gwapo, may pagka-asul ang mga mata, maginoo, marespeto at mapagkumbaba ( Almost perfect na 'diba? ) Pero ginawa ko siyang sobrang seloso, 'yung tipong pag nagselos siya ay susuntukin niya agad 'yung pinagseselosan niya.
Grabe si Harrison 'no?
Ideal man ko din kasi ang tulad ni Harrison kaya, once na makameet ako ng tulad niya. Wha! Heaven.
Doon din sa kwento ay laging hinahawakan ni Harrison ang mga kamay ko sa tuwing mag kasama kami. Hindi dahil sa malandi ako pero gusto ko lang talaga na laging hinahawakan ang kamay ko ng taong mahal ko. Sa gano'ng paraan kasi ay nararamdaman ko na ligtas ako.
Alam ko naman na hindi totoo si Harrison , since he is just a fictional character. Pero I hope someday ay makameet ako ng lalaking mamahalin ako nang higit pa sa sobra.
#LibreMangarap.
"Trish! Kakain na ng hapunan bilis! Hehe," rinig kong nagmamadaling boses ni Maxine habang kinakatok ang pintuan ko.
Bakit siya nag mamadali? Adobo ba ang ulam?
"Ito na, wag kang atat." sabay tumayo na ako sa kinauupuan ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Maxine na sobra sobra ang ngiti habang nakatingin saakin.
Anong meron?
"Bakit parang sobrang saya mo-" Naputol ang aking sasabihin nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila pababa sa kusina.Gutom na guton na ba siya?
"May bisita kasi, hehe." sabi niya habang hinihila niya parin ako papunta na kusina.
Si Dad na ba 'yan? Si Tito Miguel? Sino?
Nandito na kami sa pintuan ng kusina at binuksan niya 'yung pinto. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita ko sila Lola Shaina , Si Mom, at si Amber na may kausap na lalaking maputi at kulot.
"Ito na po si Trish, Lola Shaina!" sabay lumingon silang lahat saakin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
Gandang ganda nanaman sila saakin eh.
BINABASA MO ANG
Man From The Book | ON - GOING |
Romans"What if the fictional character in the story you read went to the real world?" Trisha Rossana Quevich is a college student who studies at the University of Alprenta. She is an aspiring writer who aspires to write a book about her dream love story...