CHAPTER 17

28 4 0
                                    

● Chapter 17 ●

《 Maxine Herera's P.O.V.

Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako sa yakap na binigay saakin ni Lance kagabi! Emegesh! Ramdam na ramdam ko pa 'yung maiinit na muscles niya na puma-libot sa katawan ko. 

It feels like I am on a paradise! 

Hindi ko alam pero nu'ng una kong makita si Lance sa classroom, tinamaan na agad ako nang sobra sobra! Bihira lang ako mag ka-crush, pero nang makilala ko ang lalaking nag ngangalang "Lance" pakiramdam ko ay ikakasal na ako! Emegesh!

"Hoy Magazine! Kanina ka pa smile nang smile diyan ah? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Amber saakin habang nagce-cellphone. 

"Lance, - Ay ano Amber, masaya lang talaga ako." Hehe, alangan naman sabihin ko sakaniya na kinikilig parin ako sa yakap ni Lance. Edi inaasar na naman niya ako.Kilala ko na itong baliw na ito, at alam kong hindi niya ako titigilan sa pang aasar niya.

"Lance? Anong meron kay Lancelot?"

Anong Lancelot?! Lance 'yon!

"Wag mo siyang tatawaging Lancelot! Ang pangit kaya pakinggan." sabay inirapan ko siya. Napansin ko namang napangiti si Amber dahil sa sinabi ko. 

"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?" seryoso kong tanong sa baliw pero nakangiti parin siya habang nananatiling nakatutok sa cellphone. 

Punyeta anong trip niya saakin?

"Hoy Amber-" Naputol kong tawag sakaniya nang bigla siyang tumawa nang malakas.

"HAHAHA! Ang pangit nga pakinggan ng Lancelot pero mas pangit ka!" todong tawa ng baliw habang inaasar niya ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at umamba akong sasamapalin siya. "Baliw ka talaga-"

"Calm down Magazine, 'diba inaasar mo din ako pero hindi ako gumanti?" sabay nginisian niya ako. So nag rarason siya para hindi ko siya masampal? Pero may point din naman siya kaya binaba ko na ang kanay ko at bumalik sa pagkakaupo.

"Mabait ka naman pala Magazine eh, gusto mo libre kita ng ice cream?" sabay linagay ni Amber 'yung phone niya sa bulsa niya. "Tig fi-fifty pesos 'yung ice cream na ililibre ko sa'yo."

FIFTY? LIKE FIVE AND ZERO?

"Sige!" sabay tumango ako.  Tumayo naman si baliw sa kinauupuan niya at sinenyasan niya na ako lumabas.

Sayang nga lang dahil hindi nanaman namin kasama si Trish ngayon dahil busy talaga siya sa pag susulat ng kwento.

Simula nu'ng nagbalak siya gumawa ng libro, ay bihira nalang namin siya makasama para makapag bonding bonding dito sa San Reseldas. Dapat nga magkakasama kami araw araw eh pero wala eh, busy siya.

Nasa labas na kaming dalawa ni Amber The Crazy Girl at naglalakad papunta doon sa tindahan ng ice cream na may pangalang "Solid Water Cream" .

Tuwing mainit ang klima ng panahon ay naiisipan naming tumambay doon sa sa tindahang iyon para mag palamig at hindi para kumain. Hehe, ang lakas kasi ng aircon sa loob kaya sobrang sarap talaga sa feeling.

May pagkakataon din na pinapagalitan kami dahil hindi kami nabili ng ice cream at natambay lang kami sa loob. Pero dahil baliw itong kaibigan kong si Amber, gumagawa talaga siya nang paraan para hindi kami mapaalis. 

"Hi Kuya," nahihiyang tawag ni Amber doon sa lalaking nag ce-cellphone sa gilid. Hindi siya nahihiya dahil gusto niya 'yung lalaking iyon. Nahihiya siya dahil siya 'yung trinashtalk ni Amber kahapon.

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon