PROLOGUE

140 29 5
                                        


1993
San Reseldas

When the people of San Reseldas found out that there is a strange writer in their village who could make his stories come true. They immediately prepared a strike on his house and planned to execute him because they believe that it's ability came from the devil.

Without them knowing, that the ability does not exist in the writer himself. But due to the typewriter.

But the people of San Reseldas did not succeed. They found no one inside the house. Not even a single trace was left. Leaving them clueless about the real identity of the writer.

People thought nothing else, except the thought that the writer was still alive.

***

In San Reseldas. There is no peace. Only chaos exists.

Walang katahimikan, puro ingay ang mapapakinggan. 

Walang maayos na sistema, puro problema ang makikita.

"'Tay, itutuloy niyo po ba 'yung pagsalakay niyo sa bahay na 'yon? Sigurado po ba kayong papatayin niyo po 'yung nakatira do'n? " tanong ng isang binatang lalaki sa kan'yang Ama na kasalukuyang naghahasa ng itak. 

"Tumahimik kang bata ka! Kung hindi, ikaw ang papatayin ko!" malakas na sigaw ng lalaki sabay tinutok ang itak sa muka ng kan'yang Anak. 

Natulala at nanginig ang binata. Napahinga siya nang malalim dahil sa ginawa ng kan'yang sariling Ama. Pero kahit na natutukan na siya ng patalim sa muka, hindi pa rin siya nagpatinag. Sinagot niya ang Ama niya dahil sa sobrang galit.

"Ano? Handa kang patayin ang sarili mong Anak nang dahil sa galit na nararamdaman mo? Oh sige 'Tay, patayin mo ako. Palibhasa, gan'yan ka naman talaga. Walang kwentang Ama!" galit na sigaw ng binata. 

Namuo ang galit sa muka ng kan'yang Ama at bum'welo na tatagain ang sariling Anak.

"Sige patayin mo ako!" dagdag sigaw pa ng binata. 

"Hindi ko kaya. . " Umiling ang lalaki. "Pasensya na Anak. Patawarin mo ako, Miguel."

Tumalikod ang lalaki habang bitbit pa rin ang itak na bagong hasa pa lang. Lumabas siya ng pinto at tuluyang iniwan ang kan'yang Anak sa loob ng bahay.

Napaluha ang binata at may binulong sa sarili niya. "Hindi kayo magtatagumpay. Ililigtas ko ang kaibigan ko," 

Agad na tumakbo ang binata papunta sa kwarto niya at kumuha ng isang papel at lapis. May sinulat itong isang maikling mensahe. Mensahe para iligtas ang kan'yang kaibigan na nanganganib ang buhay dahil sa gagawing pagsalakay ng grupo ng kan'yang Ama.

Pagkatapos isulat ng binata ang mensahe, kumaripas ito ng takbo papunta sa bahay ng kan'yang kaibigan. Linusot nito ang sulat sa ilalim ng pinto at kumatok. Hindi na nagpakita ang binata sa kan'yang kaibigan at agad na itong nagtago sa malaking punto na makikita sa 'di kalayuan.

Hindi rin nagtagal, bumukas ang pinto ng bahay. Nakita ng lalaki ang sulat na iniwan ng kan'yang kaibigan at nagmasid sa paligid. 

Natanaw nito sa 'di kalayuan ang mga taong may mga hawak na bolo, sipat, latigo at iba pang kagamitan para sa pagpaslang. At tiyak niya na  ang direksyon na tinatahak ng mga taong 'yon ay ang bahay niya.

Agad na sinarado ng lalaki ang pinto ng kan'yang bahay at kinuha lahat ng impormasyon na tungkol sa kan'ya. Sa paraang ito, hindi nila malalaman kung sino talaga ang lalaking dating tumira sa bahay.

Nang makuha niya lahat ng impormasyon tungkol sa kan'ya, linagay niya ito sa isang bag at agad na umalis ng bahay. 

Malinis na pagkakatakas, walang bakas.

Nang makadating ang mga armadong tao sa nasabing bahay, kinatok nila ito. Nagbabakasakaling sumuko nang mapayapa ang taong pakay nila. 

Pero na-dismaya lang sila. Walang nagbukas ng pinto. 

"Putrages! Kung hindi lalabas 'yang batang 'yan sa bahay na 'yan, tayo ang papasok." Sinipa ng isang mapayat na lalaki ang pinto at hindi ito nabuksan. Masyadong matibay ang kandado. Hindi nadadala sa mga simpleng paraan ng pagsipa at tulak.

Sumilip ang lalaki sa bintana ng bahay at walang kahit anong gamit ang nakita niya. Tanging upuan, lamesa, kurtina, dyaryo, radyo, at isang bag ng pandesal lamang ang natira. Walang kahit anong makikita tungkol sa taong nakatira sa bahay.

"'Wag mo na pahirapan ang sarili mo p're, simple lang naman ang paraan para mapatay ang demonyong 'yan eh," sabat naman ng isa pang lalaki sabay ngumiti. 

"Anong paraan?"

"Sunugin ang bahay!" utos ng lalaki. 

Agad namang sumunod ang mga kasama nito. Kinuha nila ang mga galon ng gasolina at ibinuhos sa lahat ng gilid ng bahay. Sinigurado din nila na walang parte ng bahay ang hindi masusunog. Lahat ng parte ay nabasa ng gasolina.

"Sindihan!" utos muli ng lalaki sabay agad nagbato ang isang babae ng nasindihan na posporo. Wala pang limang segundo, lumiyab na ang buong bahay at umusbong ang usok pataas sa kalangitan.

Napa-palakpak ang lahat dahil sa nasaksihan nilang pagkasunog ng bahay pero natigilan din nang biglang may sumulpot na lalaki at sumigaw.

"Mga t*nga! Nagsisi-palakpakan kayo? Bakti? Nakakasigurado ba kayong napatay niyo ang demonyong 'yon?"

"Sigurado 'yan bata, sunog na sunog na oh! Pritong prito na 'yung demonyong 'yon." sabat naman ng isa pang lalaki.

"Patayin niyo ang sunog, subukan dalhin niyo sa'kin ang katawan ng lalaking sinunog niyo. At kapag wala kayong naipakita. . ."

"Oh ano? Kapag wala kaming naipakita, anong gagawin mo? Papatayin mo kami? Haha, sa liit mong 'yan?" Tumawa ang lalaki.

"Kapag wala kayong naipakita, tutulungan ko kayong hanapin ang lalaking tinutukoy niyo."

Sumang-ayon naman ang lalaki at agad na pinapatay ang sunog.  Pero nang mapatay ang sunog, walang kahit anong bangkay ang natagpuan. Nagulat ang lalaki at hindi makapaniwala na wala silang nakitang patay sa sunog na ginawa nila.

Kaya simula nu'ng oras na 'yon. Sila'y nagtaka, nangamba, at nagbabaka-sakaling,

Ang manunulat ay buhay pa.

• End Of Prologue •

Man From The Book | ON - GOING |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon